● SWITCH IN LIFE TO THE DEMON ●
Author : Binibining Nadya
CHAPTER 18
"Wag kang maingay, matutuwa si Boss sayo."-saad nung isa habang nakangisi ito.
"Let me go! Hindi ko kilala ang Zachary na sinasabi niyo.!"-i said habang patuloy na nagpupumiglas. Hawak nila ang magkabilang braso ko habang mahigpit kong hawak si Kèlli.
"Wag ka ng magpalusot pa."-saad naman nung isa at ngumisi pa ito.
Akala ko makakatakas na ako sa impiyernong bahay ni Zack, meron pa pala na mas lalala oras na lumabas ako ng gate.
"Bitawan niyo sabi ako!"-sigaw ko sa kanila.
Maya maya, biglang lumuwag ang pagkakahawak nila pareho sakin at dahan dahan na bumulagta sila sa semento. Nakadapang natumba yung dalawang lalaki kanina. At natanaw ko sa di kalayuan ang lalaking may hawak na Silent Gun. Kaya hindi ko man lang narinig ang pagputok nito.
"Zachary A-alfonso!"-turan nung isa na napapaurong mula sa kinatatatayuan.
"Sabihin mo kay Mc Kevin, Harapin niya ako. Bago niya makuha sakin ang gusto niya!"-madiin at galit na boses ni Zack. Habang diretsong nakatutok sa ulo nung lalaki ang hawak nitong baril.
Halo halong kaba ang nadarama ko ngayon ng tignan ako ni Zack ng masama.
"Sige na umalis kana, bago ko pasabugin ang utak mo."-utos niya sa lalaki at kumaripas ito ng takbo paalis.
Binaba na ni Zack ang gun niya at chineck yung dalawang lalaki kung buhay pa ba ito or pâtây na.
Para akong mahihimatay sa nakita ko, dalawang tao ang namatây sa harap ko sa kamay ni Zack.
"Jomar, bilisan niyo. May kailangan kayong linisin."-saad ni Zack at may kausap ito sa phone niya.
Bigla niya akong hinawakan sa wrist ng mahigpit.
"Tignan mo ginawa mo! Kung hindi pa kita nakita sa Cctv na tumatakas ka. Baka tuluyan ka nilang kinuha, napaka bóbo mo!"-singhal niya sakin habang mahigpit niyang hawak ito.
Hindi ko alam ang isasagot ko, dahil kasalanan ko naman talaga.
"Gusto ko na umalis sa bahay mo, hayaan mo na lang ako."-pagmamakaawa ko rito.
"Hayaan? Nag iisip ka ba talaga? Wala kang utâk Cassandra!"-nangingitngit na turan niya. May humintong dalawang sasakyan sa may tapat namin. Nagsibababan rito ang mga body guards niya.
"Zack, tama na yan. Isakay mo na yan dito."-saad ni Ashvin na hindi bumaba ng sasakyan. At nakangisi itong nakatingin sakin. Kaya hinila ako ni Zack pasakay ng sasakyan ni Ashvin.
Tinulak pa niya ako rito sa loob at naupo siya sa tabi ko.
"Siguraduhin niyo na malinis ah at walang bakas."-bilin niya sa mga tauhan niyang patáy gutom na nagliligpit sa dalawâng bangkây.
Pinaandar na ni Ashvin ang sasakyan pabalik ng bahay. Nang makarating sa bahay ay pilit niya akong pinapababa. Kinuha na ni Ashvin si Kelli sakin.
"Bababa ka ba or papatâýìn na kita?"-pananakot pa niya at hinila ako nito pababa mula sa sasakyan at binuhat na parang sako papasok ng bahay.
"ZACK! IBABA MO KO! AYOKO NA DITO! AYOKO SAYO!"-sigaw ko rito habang umaakyat na kami sa taas at mahina kong sinusuntok ang likod niya habang nakasunod sa likod namin si Ashvin.
YOU ARE READING
SWITCH IN LIFE TO THE DEMON (MAFIA Series #1)
RandomLiving like a princess is not easy. Si Cassandra ay lumaking prinsesa, pero hindi prinsesang tulad ng iba. Siya na siguro ang prinsesang pinaka worst. Bukod sa hindi sinusunod ang mga gusto niya, hindi rin siya mahal ng magulang. Kaya kinailangan pa...