CHAPTER 38 ⚠️WARNING⚠️

1K 24 0
                                    


"Lahat nang tauhan ni Kevin, wala kayong ititirang buhay. Ako rin mismo ang p@patáy sa kaniya!"-Zack. Nasa labas kami ng bahay niya ngayon habang nag bibigay instruction sa lahat na tauhan niya na naririto.


Isa pala talagang Mafia boss si Zachary, tapos pumayag lang siya na asar asarin namin siya noon. Buti hindi kami ginantihan sa ginawa namin. Siguro 100 plus ang tauhan niya na naririto, lahat ay nakaitim na akala mo may burol eh. May mga galing pang ibang bansa ata, kasi may mga foreigners na pogi.


Si Jackson naman, makikipag gera pa rin siya kahit may injure pa ang braso niya.


"Zack, sasama kami sa inyo."-rinig kong saad ni Chescka. "Bff namin ang kinidnapp nila, na nasa critical pa ang lagay. Kaya kung merong mangyaring masama kay Cassandra ay magkakamatayan talaga ang lahat."-matapang na saad ni Chescka. Teka, sure ba siya?


"Ako rin, sasama rin ako!"-Novie.

Medyo nagulat naman ako ng siniko ako ni Jackson na nasa tabi ko.

"Ikaw, hindi ka ba sasama?"-tanong nito at tinaasan pa ako ng kilay. Medyo nanlaki pa ang mata ko na kinakabahan.

Sure siya? Gagawin niya rin akong mamatay tao?

"Ah...ehh...kasi.."


"Si Ryzie din sasama."-halos manlaki ang mata ko sa kaba sa sinabi ni Jackson. Inakbayan pa ako nito at kumindat pa sakin.



"Sige, maya maya ay aalis na tayo."-saad ni Zack at naglakad ito papasok ng bahay.


"Sinong ngsabi sayo na gusto kong umalis ha?!"-nangngigigil kong turan kay Jackson. Lumapit siya sa may tenga ko at may binulong.



"May condition ako kaya sumunod kana lang."-he whisper, parang nanginig naman ako sa mainit niyang hininga sa may tenga ko.

"Anong condition naman yon?"-mataray na tanong ko. Mas lalo niya akong dinikit sa kaniya habang nakaakbay ito sa balikat ko.


"Kapag nailigtas natin si Cassandra, titikman kita at kakainin. Pero kapag hindi, ako naman ang tikman mo at kainin."-nakangising saad niya. Bibigwasan ko sana siya ng makita kong lumabas na si Zack.




"Ihanda na ang chopper."-utos ni Zack. Tatlong choppers pala ang naririto sa napakalawak niyang lupain.


Ang ibang tauhan ay nagsisakayan na sa black Van na nakahilera. Nagsiandar na rin ang mga ibang sasakyan paalis.


"Tara na!"-pag aya pa sakin ni Jackson habang ayaw pa rin akong bitawan. Feeling close naman ito. Si Miles at Justin nasa hospital pa, pero may mga guards naman para bantayan sila doon. Hindi rin magpapasok basta basta ng pasyente ang hospital na iyon. Para doble ingat na rin, dahil sa nangyari.  Sa isang chopper ay kasama namin ang isang body guards nila habang ay isa ay piloto.


Kasama ni Cheska yung isang bodyguards na kuya ni Jackson. Tingin ko hinaharot niya si kuya Jomar! Lagi siya nadikit doon eh. Si Novie ay kasama si Ashvin at Zack sa isang Chopper.



Bongga talaga ang paglusob namin, nakachopper pa ah.

Maya maya ay may inaabot sakin si Jackson na medyo kinagulat ko.

"Teka, anong gagawin ko diyan?"-medyo kinakabahan ko pang tanong. Nasa ere na pala kami papunta sa hideout ng Kevin na yon.



"Shield."-sagot niya agad.

"Baril? Shield? Pano naging shield ang baril? May hangin ba utak mo?"-mataray na turan ko dito.


"Protection mo yan kapag may nangahas na patayin ka, kaya wag kang babagal bagal sa pagpapaputok nito."-sabi niya at parang tumunog yong baril. "Basta wag kang aalis sa tabi ko."-sabi niya at kumindat pa ito sakin. Inagaw ko sa kaniya ang baril.

SWITCH IN LIFE TO THE DEMON (MAFIA Series #1)Where stories live. Discover now