CHAPTER 42 ⚠️WARNING⚠️

1K 22 10
                                    




I was on the terrace of my room, while drinking a some wine. I was thinking about what Nadya told me yesterday when I talked to her on the phone.


"Don't be defeated by your weakness, because that will be the one reason for your fall. Always watch your surroundings, I know you're not stupid Zach."-makahulugang saad ni Nadya kahapon pagkatapos niyang ibaba ang tawag.




Alam kong pinaghihinalaan niya ang mga kilos ni Cassandra ngayon. Iniisip niya ba na magkasabwat sila ni Kevin? Ang utuin ako? At kanina, na open up ni Cassandra ang tungkol sa kasal. Pero kung ganun, sasakayan ko ang sinimulan na laro.



Liningon ko pa si Cassandra na mahimbing ng natutulog sa kama ko. Minsan na akong pinaglaruan ni Cassandra, nung una pa lang kami na magkakilala.



Sobrang sakit nun para sakin, naisip ko nga noon na gumanti at gawing impiyerno ang buhay niya. Pero hindi ko nagawa, dahil naging marupok ako. Siya lang gumawa sakin ng ganito, yung batong puso ko ay lumalambot tuwing siya ang kaharap ko.



Yung sa amin ni Nadya ay pagpapanggap lang, dahil gusto niyang mahiwalay kay Kevin noon. Dahil sa nalaman ng dad niya ang tungkol sa kanila ni Kevin. Mahirap din naman makipaghiwalay kay Kevin noon, kaya kinausap niya ako para magpanggap na may relasiyon kami.




Lalo na nung malaman ko na anak si Kevin ng taong pumatay sa magulang ko. Ay hindi ako nagdalawang isip na pumayag sa gusto ni Nadya. Si Nadya ay bestfriend lang ang turingan namin, kasama si Ashvin. Pero sinira ni Ashvin ang tiwala ko, dahil palihim pala itong tinatraydor ako.



May gusto rin siya kay Nadya simula pa ng mga bata kami, kaya hindi ko siya masisi na pagselosan niya ako. Dahil ilang beses na siyang reneject ni Nadya.


17 years ago.


"Mommy, kailan po ba uuwi si Ate?"-i ask to my mom. Nagdidinner kami sa ngayon, ang ate ko ay maagang nagkaboyfriend  kaya sa California ito naninirahan kasama ang asawa niya.


Para makaiwas sa tsismis at usap usapan ng mga tao, doon sila maninirahan.

"Maam, Sir, may bisita po kayo."-turan ng kasambahay namin ng pumasok ito sa Dinning Area.


"Zach, kumain ka muna dito ah. May kakausapin lang kami na bisita."-bilin ni Mommy at saka sila tumayo ni dad at lumabas ng Dinning area.


Gabi na may bisita pa rin?


Kumain muna ako ng konti at lumabas na rin ng Dinning area. Nagtungo lamang ako sa may malapit sa kanila, kung saan sila nag uusap.


"Pasensiya na po Congressman, pero ayaw namin na maging related ang negosiyo namin sa pulitika. Masiyadong madumi ang pulitika, baka maapektuhan ang kompaniya namin. Iba na lang po ang hingiin na tulong niyo."-rinig kong mahinahon na saad ni Dad. Habang magkatabi silang nakaupo ni Mom sa mahabang sofa at yung kausap na Congressman ay nasa single coach.



Nakita ko ang pagngisi ni Congressman.


"Kung ganun, wala akong magagawa."-sabi pa nito.



Kilala ang pamilya namin sa lugar na ito, lalo na't pag aari ni dad ang isang Alfonso Empire at iba't ibang negosiyo na pinamana pa sa kaniya ng lola at lolo niya.


Iniingatan niya ang mga ito at pinapalago ng husto. Kaya maiintindihan ko na tinanggihan niya ang gusto ng Congressman. 6 years old pa lamang ako, pero matalas ako mag isip at makinig sa usapan ng iba.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SWITCH IN LIFE TO THE DEMON (MAFIA Series #1)Where stories live. Discover now