Prologue

1.6K 26 14
                                    

"My goodness, Regina! What gotten into you?" Dad exclaimed. Hindi ko s'ya pinansin. Bagkus ay ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga damit ko at ang pagsilid ng mga ito sa isang maleta.

"I have plans for you, anak. You're taking up the bar exams in a few months." Nakapameywang nitong sabi habang palakad-lakad sa loob ng kwarto ko.

"I'm leaving, dad. Kukuha naman ako ng bar exam eventually pero hindi pa ngayon." Mahina kong sagot habang patuloy sa ginagawa.

"Kukuha naman? But when? Why not now?"

"When everything is settled, dad. I have other plans for myself. Gabby promised me... papakasalan n'ya ako."

"Gabby? That bitch! All this time... I thought mapagkakatiwalaan s'ya. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi kita hinayaang makipagrelasyon sa kanya." Namumula na ito sa galit habang nakatunghay sa akin.

And mom? Sitting on the edge of my bed crying silently.

"I trust Gabby, dad. Mahal n'ya ako. Alam kong makakaya naming mabuhay ng maayos kahit wala ang tulong mula sa inyo. I'm standing by my decision, dad."

"Mapapakain ka ba ng pagmamahal ng Gabby na 'yon, anak? Umaasa lang din s'ya sa business ng pamilya n'ya. Wala ngang sariling trabaho 'yan. Puro party lang ang alam n'yang gawin. Bakit hindi mo ba nakikita 'yon? Huwag n'yang sasabihin na ikaw pa ang bubuhay sa kanya? Paano ang nakasanayan mong buhay? Maibibigay ba niya?"

Binilisan ko na ang pagliligpit. Makailang beses akong nagpaalam ng maayos para sumama kay Gabby pero hindi s'ya madaan sa mabuting usapan kaya sapilitan na lang akong aalis.

"I'm going, dad."

"Regi! Regina! Please compose yourself. Babae lang 'yan. Makakahanap ka ng mas maayos at mas successful kaysa sa kanya. Unahin mo ang priorities mo."

Priorities ko o plans n'ya para sa 'kin? Ayokong makipagtalo kung kaya't mas pipiliin ko na lang na tumalikod without saying a word.

"Bye, mom. Bye, dad." Mabigat ang loob na hinila ko ang maleta ko palabas ng kwarto.

""Babalik ka rin, Regina. Maling-mali ang decision mo. Maling-mali. Babalik ka rin."

Babalik? Maybe someday. Kapag napatunayan ko ng kaya ko ng tumayo sa sarili kong paa without his help at kapag napatunayan kong tama ang naging decision ko sa pagsama kay Gabrielle.

"Anak, umuwi ka kung hindi mo na kaya ha? Bukas ang bahay. Tatanggapin ka namin ng buong puso. Huwag kang mag-aalinlangang bumalik." Mahinang sabi ni mommy. Halata sa boses nito ang pag-iyak at kalungkutan.

Nag-umpisang pumatak ang luha sa mga mata ko pero hindi ko na sila nilingon pa. Hindi na ako sumagot pa.

Pinahid ko ang luha ko. Desisyon ko ito. Kailangan kong pangatawanan 'to.

"Ready, babe?" Nakangiting mukha ni Gabby ang nabungaran ko ng buksan ko ang gate ng bahay namin.

Huminga ako ng malalim bago tumango at inabot ang kamay sa kanya. I plastered a smile on my face.

I have nothing to worry about. Alam kong Gabby will be with me in every step of the way. I feel secure whenever i'm with her. Alam kong tutuparin n'ya ang pinangako n'yang kasal sa ibang bansa para sa amin. Liligaya ako sa piling ni Gabby at sigurado ako doon.

_____________

"Rej! Hey!" Nakapangalumbaba ako habang tinitingnan ang mga barkada kong nagsasayaw sa dance floor ng lapitan ako ni Kiara, one of my friends.

"Hi." I looked at my watch. Kanina pa kasi ako naghihintay na sunduin ni Gabby pero mag- 3 a.m. na wala pa s'ya.

"Wala pa ba ang jowa mo? Kanina ka pa atat umuwi ah." Tanong nito nang tumabi sa akin at uminom ng juice.

"Oo nga eh. Alam naman n'yang tapos na ang fashion show ng 2 a.m. She promised me na nandito na siya ng mga 1:30."

"Kaso alas 3 na wala pa rin s'ya." Nagkibit-balikat na lang ako.

These past days palaging nalalate ng pagsundo si Gabby pero dumarating naman s'ya. She will apologize and tell me na nakakatulog s'ya o whatever reasons. Nagtatrabaho rin naman kasi s'ya sa araw kaya naiintindihan ko s'ya and I trust her kaya pinapaniwalaan ko s'ya.

"Gusto mong sumabay? On the way naman ang bahay n'yo eh. Idrop by na lang kita."

"Eh baka magkasalisi kami ni Gab."

"Call her or send her a message para hindi na s'ya mag-abala pang pumunta dito para sunduin ka."

"Hmmm. Sige. Kawawa rin naman kasi at may pasok pa s'ya mamaya sa office. Kaysa sunduin ako itutulog na lang n'ya. Sige i'll text her. Tara na."

_____________

"Ang dilim naman ng bahay." Nakatulog marahil si Gabby kung kaya't hindi ako nasundo. Nasa garahe pa kasi ang kotse n'ya. Good decision pala na sumabay na ako kay Kiara.

"Hmmm. Kawawa naman ang girlfriend ko. Sobrang napagod yata sa trabaho n'ya kaya nakalimutan na akong sunduin."

Nakangiti kong binuksan ang ilaw. Sa pagbukas nga lang ng ilaw ay iba ang tumambad sa akin. Liwanag pala ng katotohanan ang bubungad ng hindi ko inaasahan.

Si Gabby hubot-hubad sa ibabaw ng isang babae.

Naulos na lang ako sa kinatatayuan ko. Parang wala akong magawang sabihin. Hindi ko s'yang magawang sumbatan. Hindi ko s'ya magawang sigawan.

Ang mukha nina mommy at daddy ang nagflash sa utak ko. Nasabi ko na lang sa sarili ko na... tama nga sila.

Naluluha na lang ako at napaupo sa couch habang nakatitig sa kanila.

Agad na pinulot ng babae ang mga damit n'ya at nagbihis. Ganoon na rin ang ginawa ni Gabby.

Mas lalong sumama ang tingin ko ng humalik pa ang babae sa pisngi nito bago ito lumabas ng kwarto namin.

Ang kapal!

"I told you to wait for me, hindi ba? Bakit basta ka na lang umuwi?" Pagalit nitong singhal sa akin.

Aba siya pa ang galit. Ang galing din.

"Kaya pala palagi kang late sa pagsundo sa akin. Ito pala ang dahilan. Dito ka pala abala."

"Shut up, Rej!"

Natawa ako ng pagak. "Wow! Ang ganda ng sagot mo sa 'kin, Gab. Imbis na magsorry ka. Shut up? Wow! Just wow! Ito lang pala ang magiging result ng pagsuway ko sa parents ko. I gave up everything for you, Gab!"

"Bakit? Hiniling ko ba? Ikaw itong konting promise ko lang, bumigay ka na. Sumama ka kaagad."

"Ikaw ba talaga iyan, Gab? Ikaw ba talaga iyong babaeng minahal ko at ipinaglalaban ko? Am I not enough? Ibinigay ko na lahat sa'yo."

"I thought you are enough. Almost perfect ka na. Ang ganda mo. Ang sexy mo. Ang tali-talino mo. Pero ang boring mo pala, lalo na sa kama."

Ako boring? Boring pala na mahalin s'ya ng totoo? Boring pala na mahalin s'ya ng seryoso?

"I gave up my life, Gab. Iyong kaginhawahan ng buhay na meron ako sa piling nina dad ginive up ko para makasama ka. Ang mga plans ni dad para sa akin sinuway ko just to be with you tapos hindi pa nga tayo matagal na nagsasama, almost 6 months pa lang, ganito ka na?"

"Sino ba kasi ang nagsabi sa'yo na seryosohin mo ako? Gusto ko lang makipaglaro. I thought masasabayan mo ako. Hindi pala. Boring ka! Bumigay ka kaagad konting bola lang. You are nothing but a toy to me, Regina. At dahil nalaman mo naman na ang totoo... goodbye! Wala na akong planong makipaglaro pa sa boring na kagaya mo! Umuwi ka na sa tatay mo!"

Boring...

Toy...

Game...

Those words. Iyon ang nakatatak sa puso't isipan ko bago ako lumayo. I promised myself na kapag naibangon ko na ang sarili ko hindi na mauulit pa ang pangyayaring 'yon.

Sila na ang iikot sa mga palad ko!

Sila na ang susunod sa rules ko!

At ako? Ako na ang maglalaro sa feelings nila!

Ako na ang manloloko!

Ako na ang mananakit!

Ako ang kokontrol sa takbo ng buhay ko!

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon