Chapter 21: Mapapa "hmmm" ka nalang talaga

575 19 1K
                                    

"Argh! Shit!" Nailapag ko ang hawak kong ballpen sabay hilamos ng kamay ko sa mukha.

Hanggang ngayon kasi ay nagpupuyos pa rin ang damdamin ko kahit tatlong araw na ang lumipas. Hindi pa rin maiwaglit sa isip ko 'yong nangyari noong linggo.

[Flashback]

"Uuwi ba ako ng maaga?" Tanong ko sa sarili.

Nagtext kasi si Gabby at hinahanap na n'ya ako. Magsisimula na raw kasi ang 1 week n'ya para suyuin ako.

Ako naman itong sising-sisi sa ibinigay kong chance sa kanya kaya ginagawa ko ang lahat ng alibi para makaiwas.

Merong nagshopping ako, nanood ng sine, tumingin ng sasakyan para magamit ko dito sa Cebu at itong kasalukuyan kong ginagawa na pagpapamanicure.

Naka-100 text na yata ito bago ko naisipang magreply.

"8 p.m. ako uuwi. Saglit nalang at matatapos na itong ginagawa ko." Sabi ko sa text.

Nagreply naman s'ya na maghihintay nalang daw s'ya sa restaurant malapit sa condominium na tinitirahan ko.

Unexpectedly, napaaga ako by 30 mins. kaya umuwi nalang ako. I told myself na gagawin ko na ang nararapat. I'll turn down Gabby's offer dahil talagang wala na akong nararamdaman for her. Hindi ko rin kayang lokohin si Narda kahit pa sabihing wala s'yang alam at magkalayo kami ngayon.

I saw her sitting on a semi-lighted spot at the far left side of the restaurant.

Pagpasok ko palang ay alam ko na kung saan s'ya hahanapin. It's a usual spot on wherever restaurant we're into. Sabi pa n'ya noon na kahit nasa public place kami, we can have a little privacy kapag sa spot kami na 'yon pumipwesto.

Dahan-dahan akong lumapit para hindi s'ya maistorbo dahil may kausap pa ito sa cellphone.

Pero nagimbal ako ng marinig ko ang pinag-uusapan nila ng kung sinuman sa kabilang linya.

"Maghintay ka lang kasi. Isa o dalawang linggong palugit lang ulit. Mababayaran rin kita." Sabi ni Gabby sa kausap habang minamasahe ang batok n'ya. Kinakabahan s'ya kapag ganoon.

Curious tuloy ako kung sino ang kausap n'ya.

"Alam ko. Hindi ko naman kasalanan na mabankrupt ang tanginang business na 'yon. Hindi ko inaasahang tatakbuhan ako ng business partner ko tangay ang lahat ng pera ko."

Kaya pala mukhang stressed s'ya. Nalugi pala ang negosyong pinagmamalaki n'ya sa akin noong nasa Palawan kami.

"Kaya nga gumagawa na ng paraan, 'di ba? Mababayaran din kita. Kailangan ko lang makuha ulit si Regina. Kailangan ko lang s'yang mapaikot ulit sa mga palad ko."

Naningkit ang mga mata ko sa narinig.

Hindi yata't may masamang balak talaga s'ya sa pagpapakita n'ya ulit dito sa akin.

"Don't you trust me? Nagawa ko nga noon sa tatay n'ya, 'di ba? Nakahuthot nga ako ng 5 milyon kapalit ng paglayo ko sa anak n'ya. Ngayon pa ba? Kay Narda Custodio naman tayo huhuthot. Alam kong mahal n'on si Regina."

Kating-kati na talaga ang kamay ko at gustong-gusto ko ng sampalin si Gabby pero pinigilan ko ang sarili ko. Peste pala talaga s'ya, parang anay na ngangatngatin lahat ng pwedeng mangatngat. Mali ko rin at hindi ko tinanong si dad sa totoong nangyari noon. Kamuntikan na ulit akong naloko ng hayop na 'to. Hahayaan kong matapos ang usapan nila ng kung sinuman sa kabilang linya bago ko gawin ang nararapat.

"Hindi ko na kasi dapat ginagawa 'to kung hindi sandamukal na tanga 'yang si Tommy Guzman. Amputa 'di marunong mag-ingat! Nasalisihan tuloy s'ya ng kung sinumang nagligtas d'yan kay Regina. Ang dali nalang sanang manghuthot sa tatay ni Regina at kay Custodio kung nagawa ng Tommy na 'yon 'yong video scandal na inutos ko. Eh ugok eh! Walang kwenta. Sayang ang binayad ko."

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon