Chapter 22: Selosan game with eyes rolling

529 17 33
                                    

I don't know what i'm feeling ng magkaharap kami ni Regina kanina. Kung galit ba o longing o jealousy.

I miss her at sigurado ako sa bagay na 'yan. I just have to guard my heart dahil wala na s'yang ibang ginawa kundi saktan at pahirapan ako.

"She has to learn her lessons, too. Kailangan n'ya ring malaman sa sarili n'ya kung ano ang worth ko sa buhay n'ya. Kailangang maiparealize ko sa kanya na mas worth it akong mahalin kaysa kay Gabby." Sabi ko sa sarili habang naglalakad palabas ng opisina kung saan nagtatrabaho si Regina.

"Hindi mo ako basta-basta matatakasan, Rej. You are mine and i'll surely let you feel that. Hinding-hindi ka na mapapasakanya. I have to guard you from Gabby's captive even if it means using my power and money over you." Sabi ko sabay paharurot ng kotse.

Everything should be according to my plan and i'll make sure of it.

[Regina's POV]

Nagising ako sa malalakas na katok sa pintuan ng unit ko.

Agad akong bumangon para buksan ang pinto para lamang magulat.

"Nar..." she eyed me as if i'm her prey.

Naningkit ang mata n'ya at alam na alam ko kung bakit. Manipis na pantulog lang kasi ang suot ko at wala pang bra. I'm sure naaaninag n'ya ang malulusog kong dibdib na bakat sa pantulog ko.

Napahalukipkip ako para takpan ang hinaharap ko.

"Good morning, Miss Vanguardia. Your official duty with me starts this morning. Maaga akong pupunta ng Mantolongon and I am expecting you to come with me so you better dress up." Sabi n'ya sabay pasok sa unit ko.

Tss! Feeling n'ya sa kanya. Ni hindi ko pa nga s'ya pinapapasok eh.

"Sige. Sandali, maliligo lang ako." Sabi ko sabay talikod para maghagilap ng tuwalya sa kwarto ko bago pumasok ng banyo.

"Ano kaya ang nangyari at ang cold n'ya? It's as if she never bumped into me all her life. Hmmm. Bahala na nga! Trabaho lang at walang personalan, if that's what she wants!" Sabi ko habang naliligo.

Nagbago man s'ya. She is still that cutie I love.

"What's happening here?" Kunot-noo kong tanong ng may kung ilang tao na nasa unit ko.

Kanina si Narda lang ang nandito pero ngayon may kasama na itong 5 babae at ang masama ay pinaghahakot ang lahat ng mga gamit ko. Lahat ng mga damit at gamit ko ay maayos nilang inilalagay sa maleta.

"You're under my supervision from now on, hindi ba? Gusto ko, kung nasaan ako, andoon ka." Sabi ni Narda sabay abot ng black na slacks at white three-fourths sa akin.

Ito ba ang gusto n'yang isuot ko? Tinitigan ko ang damit bago tumingin sa kanya.

"What? Bumalik ka sa banyo and change into that dress. Ayoko ng suot mo sa office ninyo. Mababastos ka kung 'yong skirt ang suot mo kapag nasa site tayo." Sabi pa nito pero umiiwas ng tingin sa akin.

"It's fine! Damit lang naman eh. Ang tinutukoy ko ay kung bakit ninyo nililigpit ang mga gamit ko? Where are we going? Are we taking some time out at kailangang lahat ng gamit ko dadalhin? Kung inaalala n'yo po na malilate ako sa mga lakad natin dahil magkaiba tayo ng lugar, don't worry about it. Kaya ko pong mag-adjust para hindi malate." Sabi ko habang nakapameywang.

Hindi na naman ito makatingin ng diretso sa akin. Napangiti nalang ako ng mapagtanto ko kung bakit. Nakatuwalya lang pala ako. Nakatambad sa paningin n'ya ang parteng ng kaselanan kong hindi naitago ng maikling tuwalya.

"May mga meetings ako na urgent. Meron ring late at night. Will you please stop questioning my decisions? I'm your boss!"

I just rolled my eyes at pumasok ng banyo para magbihis.

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon