Chapter 42: Slay, Sam, slay.

418 16 55
                                    

"Hey! Okay ka lang, bubby?"

Nilingon ko si Samantha sa tabi ko. Kanina pa nito inaayos ang butones ng blouse n'ya na wari'y nasasakal. Hindi talaga ito mapakali sa kinauupuan.

"Oo, wifey. I'm fine. Kinakabahan lang ako ng sobra. Malapit na tayo sa C-holdings, 'di ba?"

Hindi ko siya masisisi. Unang araw kasi na ipapaalam namin ang pagbabalik 'kuno' ni Narda sa buhay naming lahat. Lalo na sa mga tao sa C-holdings na pinapangambahan kong maagaw ng mga gahamang pinsan ni Narda.

"Huwag kang matense. Hindi magiging effective ang drama natin kapag ganoon. Try to relax. Itatak mo sa isip mo na ikaw ang tunay na Narda Custodio. Ikaw s'ya. Ikaw na s'ya mula ngayon. Isa pa, nandito ako. Trust me. Hinding-hindi kita iiwan. Hinding-hindi kita pababayaan." Sabi ko rito sabay ayos ng blazer n'ya.

"Nakakahinga ka na ba? Oh mas hot ka pa lalo tingnan kapag nakabukas lang 'yang blazer mo."

Napangiti naman ito.

"Nambobola s'ya oh. Hmmm. Pwede bang pahingi ng favor, wifey?"

Kunot-noo ko s'yang tinitigan. Ano kaya ang gusto nito?

"Hmmm. What is it, bubby?"

"Pwedeng pakiss?" Walang kaabog-abog nitong tanong.

Bigla tuloy akong kinabahan.

"Ah? Ha? Hmmm." Napalunok ako ng laway. Bigla ring lumakas ang tibok ng dibdib ko.

"Si-sige." Sabi ko sabay harap dito.

Ipinikit ko ang mga mata ko habang hinihintay ang pagdampi ng mga labi n'ya sa labi ko.

Ngayon ko lang din napagtanto. It has been 5 years since someone last kissed me. That someone is Narda. I never had an affair with any girl or guy after her. Aminado naman akong may umaaligid pa rin hanggang ngayon at isa na rin doon si Ali, pero never did I show any attention to any of them. Not until this girl in front of me showed up.

She kiss my forehead and hugged me tight.

"Thank you, Rej. Ipinapangako ko sa'yo, I will do everything just to save your company. Mapapanatili sa inyo ni Naya kung ano man ang nararapat para sa inyo."

Sabi nito bago kumalas sa pagkakayakap sa akin. I should be disappointed. Akala ko kasi ikikiss ako nito sa lips pero hindi. Iyong halik sa noo lang talaga at wala nang naging kasunod pa but i'm not kasi nakikita ko sa kanya ang sobrang respect para sa akin... kagaya ni Narda.

Hay! I think i'm starting to fall in love with you, Sam.

_______________

Nagtaka ako ng pagpasok ko sa C-holdings. Parang dumami yata ang tao dito. I recognize many of them... mga relatives ni Narda. Kapamilya nina Niel at Leo na pasimuno sa pagtatangkang pag agaw sa C-holdings mula sa pamamahala ko.

"So, Regina. How's your weekend?" Tanong ng nakangising si Niel pagpasok ko ng lobby.

I rolled my eyes. He doesn't fail to destroy my mood everytime.

"Fine. As I can recall wala namang occasion. Bakit dala n'yo yata ang buong pamilya n'yo dito?"

"Hmmm. Moral support, Vanguardia. May gusto kasi kaming makuha mula sa'yo. Pasensya na at pinakialaman namin ang schedule for today. Nagpatawag kasi ako ng urgent board meeting."

Napataas ang kilay ko. "At ano ang karapatan mong gawin 'yon, Niel? Ako ang tumatayong CEO ng kompanyang ito. Ako lang ang pwedeng magpatawag ng board meeting." Sagot ko rito.

"Well, I just did, Regina. As the future CEO kailangan ko ng masanay. Siguro oras na rin naman para malaman mo ang dahilan namin. Icocontest ko ang ang pamamahala ng C-holdings mula sa'yo. Tara na sa conference room at naghihintay na silang lahat."

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon