Napalunok ako. Hindi na ako halos mapakali sa kinakatayuan ko. Init na init ako na ewan.
Paano ba naman kasi ay nasa beach front kami. Pose dito pose doon ang ginagawa ng mga modelong kasama ko suot ang mga sexy two piece swimsuits nila.
Ako itong halos hindi mapakali sa kinakatayuan ko dahil inaakit ako ng Regina na 'to.
Titig palang kasi n'ya para sinisilihan na ang puwet ko. Sinasadya talaga akong akitin nito.
Oo, napag-usapan namin ito kagabi pero iba pala ang epekto sa totoong buhay.
"Tss! Ang daming alam eh." Sabi ko sa isip ng mapansin ko ang pagkagat-labi nito habang nakatingin sa dako ko.
Alam kong scripted lang ang lahat. Nasa gilid rin kasi at nanood si Gabby. Alam kong pinagseselos n'ya lang ito para marealize nito ang worth n'ya.
Ako naman itong si tanga na willing gawin ang lahat para sa kanya. Kahit pa sabihing ako ang dehado rito. Ako itong masasaktan ng sobra.
Kaya nga grabe nalang ang galit ko ng malaman kong mahal pa ni Regina si Gabby magpahanggang ngayon. Hindi lang ako galit dahil sa pagpapakatanga n'ya kundi dahil sa sobrang nagseselos ako.
Yes. I'm jealous and that's because I love her.
Naalala ko tuloy ang napag-usapan namin kagabi.
[Flashback]
Kumatok ako sa kwarto namin. I'm not sure kung gising pa si Regina because it's already past midnight.
"Regina! Rej! Open the door." Sigaw ko sa labas.
Napasandal ako sa pintuan dahil nakakaramdam na ako ng sobrang pagkaliyo. Naparami yata ang inom ko.
"Ops!" Kamuntik na akong matumba kung hindi lang ako napahawak kay Regina ng binuksan nito ang pinto.
"Watch out, Nards. What happened?"
Diretso akong pumasok sa kwarto at humiga sa kama.
"Uy! Narda. Ano ba ang nangyayari sa'yo ha? Lasing na lasing ka ah?" Sumunod naman ito sa akin matapos mailock ang pintuan.
"Hmmm. I'm fine. It's nothing, Rej. I'm just enjoying Palawan." Sagot ko dito habang nakapikit na.
"Silly. You're drunk. Have you been with the girls?"
"What if I am? Are you jealous?" I opened my eyes para tingnan ang rection n'ya.
Nakapameywang ito sa harapan ko at wari'y inis na inis pero pilit nitong tinatago. I can't help but laugh hard.
"What's so funny, Narda?" Nakataas ang kilay na tanong nito.
"Nothing. You're cute when you do that."
"Talaga lang ha? Don't think that i'm jealous because i'm not. I just don't want you flirting with girls because I need you in my plans."
Napaupo ako sa kama and lazily looked at her. Ipinilig ko ang ulo ko para magkasense ang sinasabi n'ya. Hinihila na kasi ako ng antok.
"And what plan could that be, my boss?"
"Act as my true girlfriend, Narda. Iyon naman ang pakilala mo sa sarili mo sa kanilang lahat, 'di ba? Let yourself be my shield from Gabby's captive."
Natawa ako. "I can be your girlfriend, boss. But how can I be your shield?"
Sumeryoso ako bago nagsalita ulit.
BINABASA MO ANG
"Servant in a Suit"
FanfictionBlurb Have you ever experienced loving someone? Giving up everything you have, your life, yourself and your identity just to be with her? Trusting that person with everything you have, your mind, body, soul and spirit. In the end, ikaw ang talo. I...