Chapter 44: Who proposed?

377 19 18
                                    

Ewan ko ba at pagkatapos ng nangyari sa C-holdings, may nararamdaman akong kakaiba kay Sam.

Parang hindi na s'ya si Samantha. I mean, parang may nag-iba sa ikinikilos n'ya. Hindi kagaya noong bago palang kami magkakilala. Iyong image n'yang playgirl, na hindi lang naman sa mukha at pananamit nakikita kundi pati sa mga titig n'ya at kilos ay parang biglang nawala.

Para na s'ya talagang si Narda. Iyong makatingin ay agad akong kinakabahan ng hindi ko mawari. Iyong parang ang seryoso ng aura n'ya pero puno ng pagmamahal at paggalang. Tapos napapangiti nalang ako sa simple gestures n'ya. At iyong naninindig ang balahibo ko every time she touch me. Ganoon na ganoon ang epekto ng paghawak ni Narda noon sa akin na ngayon ay nararamdaman ko na rin kay Sam.

Kaya ako lalong naguguluhan eh.

"Hay! Regina! Hindi nga kasi s'ya si Narda. Patay na si Narda okay? Itatak mo sa isip at puso mo na si Samantha s'ya. Ang babaeng nagsisimula ng magpatibok sa matagal mong naisaradong puso." Saway ko sa sarili.

"Hey! Wifey? Ang lalim yata ng iniisip mo? Tara na. Kanina pa nagtatakbo si Naya papasok ng school." Sabi nito sabay tanggal sa seatbelt ko.

Napatulala yata ako ng hindi ko namamalayan.

"Ah? Ha? May iniisip lang ako." Sagot ko naman dito sabay baba ng sasakyan.

"Sus! If I know ako lang 'yong iniisip mo." Nakangisi nitong sabi.

"Hindi no. Assuming ka masyado, bubby. Iyong bidding with the European investors next week ang iniisip ko." Pagdadahilan ko pa.

"Hmmm. Don't worry about it. Ako na ang bahala doon. Magbibrainstorming nalang tayo para mas maisaayos ang gagawin nating proposal."

Ha? As in seriously? How come? Eh ilang araw palang niyang natututunan ang mga gawain dati ni Narda ah.

"Ang ibig kong sabihin may nabasa akong mga dating proposal ni Narda. Doon nalang tayo magbibase ng gagawin nating proposal. Magtutulungan naman tayong dalawa 'di ba?"

"Ah. Oo naman." Sagot ko nalang. Parang may mali eh. May tinatago ba si Samantha sa akin?

"Hey! Tara na nga. Kanina pa naghihintay si Naya."

Agad ako nitong inakbayan papasok ng eskwelahan.

"Mommy! Dada!" Sigaw ni Naya sabay lapit sa amin.

"Lyka, this is my mommy and dada. Isn't it obvious? We wear the same shirt." Family day kasi kaya terno kami ng t-shirt. Nakasky blue shirt kami printed with our family picture.

"Mommy, dada, this is my girlfriend. Meet Lyka. Isn't she pretty?"

Napalunok ako. Sinabi ba ni Naya na girlfriend n'ya ang kasama n'ya batang babae? No! No! No! Hindi pwede.

Kumaway naman ang bata. Maganda s'ya. Maputi at medyo bilugan ang hugis ng mukha. Curly ang nakaclip nitong buhok. Palangiti rin.

"Naya, did you..."

Inakbayan ako ni Sam.

"Nice catch, kiddo. Ang galing mo namang pumili ng girlfriend, Naya. She's pretty." Sabi nito.

"Hello, Lyka. Please to meet you."
Nakipagshake hands pa ito sa bata.

"Yeah, dada. I want a relationship like mommy and yours. I'm gonna meet her parents later. I'll ask them if I can marry Lyka when we graduate. By the way? Is it okay if I marry Lyka, dada?"

I heard Sam laugh. "Sure, kiddo. You have my blessings."

"Really, dada? Pinky swear?"

"Of course, Naya"

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon