Pabalik-balik ako sa sala at kanina pa ako tingin ng tingin sa relo ko. It's past midnight pero wala pa s'ya.
"Kung bakit kasi inuna ko pa ang pakikipagdinner kay ate kaysa bantayan siya." Paninisi ko sa sarili.
Inaasahan ko kasing susundan n'ya kami pero mas nauna pa s'yang nagpaalam na may pupuntahan after our meeting with Mr. Torres.
Hindi na ako mapakali. Bakit ba kasi hindi ko na i-GPS ang cellphone n'ya? Hindi ko tuloy alam kung saan ko s'ya hahanapin ngayon.
Ayoko namang abalahin 'yong investigator ko para tulungan akong hanapin s'ya dahil dis oras na ng gabi.
Maya-maya ay nakarinig ako ng busina ng kotse.
"Sino naman kaya 'to? Sigurado akong hindi si ate dahil naihatid ko na s'ya kanina sa unit n'ya. Wala namang kotse si Regina dito sa Cebu."
Bumaba ako para tingnan kung sino ang dumating.
Napasabunot nalang ako sa ulo dahil sa inis ng mabungaran ko si Regina na bumababa sa kotseng s'ya mismo ang nagmamaneho.
Okay lang naman sana. Sanay naman akong nakikita s'yang nagmamaneho pero ang magmaneho ng lasing? It's a no no for me.
"Hay! Where have you been? Kanina pa kita hinihintay ah. Disoras na ng gabi. Saka bakit nagdrive ka? Regina naman! Paano kung naaksidente ka? You should have called me para nasundo kita. Bakit ba ang tigas ng ulo mo ha?" Tanong ko sa kanya ng magkaharap na kami.
Hindi s'ya sumagot bagkus ay ipinulupot ang mga kamay n'ya sa batok ko.
"Missed me, boss?" Tanong n'ya.
"Rej, you've been out drinking again. Saan ka ba nagpunta ha? Sino'ng kasama mo?" Napabuntong-hininga ako. Pilit kong pinapakalma ang sarili para mawala ang inis na nararamdaman ko.
"Why not? I usually do this every night." Sabi n'ya habang nakapulupot pa rin sa akin.
Naguluhan ako sa inaasal n'ya lalo na ng isandal n'ya ang ulo sa leeg ko at iniyakap ng tuluyan ang mga braso n'ya sa akin.
"Rej..."
Ilang minuto rin ang lumipas na nasa ganitong sitwasyon kami. Ni hindi naman s'ya nagsalita ng kahit ano basta nakayakap lang s'ya. Kung bumaba pa s'ya ng kaunti sa may dibdib ko ay sigurado akong maririnig na n'ya ang lakas ng tibok ng puso ko.
Maya-maya ay inot-inot na umakyat s'ya sa hagdan patungo sa kwarto ko.
Tss! Lasing na nga. Sa kwarto ko dumiritso eh. Sinundan ko nalang din s'ya.
"Hey, Rej. I'm asking you. Saan ka na naman nanggaling?"
Tumitig lang s'ya sa akin bago nagsimulang maghubad.
"Woah! Rej. Hey! What are you doing?" Natataranta kong tanong. Ayaw na ayaw ko pa namang makikita s'yang nakahubad.
"Undressing. Hmmm. Mukhang gusto ko yatang ikaw nalang ang gumawa. Get me a pajama from my room and change my clothes." Sabi n'ya sabay higa sa kama.
Tss! Ginawa pa akong utusan nito.
"Haist! Kung hindi ka lang talaga lasing na babae ka!"
Agad nalang akong sumunod at kumuha ng pajama sa kwarto n'ya.
"Isuot mo na Re... Hay! Nakatulog na." Sabi ko ng makita ko siyang nahihimbing sa kama ko.
"Hay! Heto na naman tayo! Regina! Rej!" Niyuyugyog ko s'ya para magising sana at ng s'ya na ang magbihis sa sarili n'ya.
Mukhang mauulit na naman ang tagpo sa bahay n'ya noon. Wala pa naman ang katulong namin na nagbihis sa kanya noong nakaraang gabi.
"Rej! Rej! Haist!"
BINABASA MO ANG
"Servant in a Suit"
FanfictionBlurb Have you ever experienced loving someone? Giving up everything you have, your life, yourself and your identity just to be with her? Trusting that person with everything you have, your mind, body, soul and spirit. In the end, ikaw ang talo. I...