Chapter 2: Her superhero

659 27 16
                                    

"Nice one, Rej!" Xandra said as we both entered the backstage.

'You did great yourself, Xands." I smiled at her.

Xandra is a close friend and also a collegue in the modelling world. Tulad ko, halos magkaparehas kami ng gusto kaya nga madali kaming nagclick sa isa't-isa. Iyon nga lang pagdating sa relationship magkaiba ang pananaw namin.

Agad napalis ang ngiti ko ng makitang halos hindi na makita ang mesa at upuan ko sa dressing room dahil sa dami ng kung ano-anong nakatambak dito.

"Wow! Wow! Wow! Mukhang mas dumami pa sila ngayon, Rej. Kailangan na ba naming lumipat ng kwarto?" Tukso pa ni Xandra.

"Loka-loka! Nakakainis na nga rin minsan eh. Bakit kasi mas marami pa ang bulaklak?" Hinalungkat ko ang kung anu-anong nasa mesa.

"Bakit? Ano ang problema mo sa mga flowers? Eh ang gaganda naman nila. Lahat kasi ng nagbigay ng mga 'yan ay gustong manligaw sa'yo." Takang tanong nito.

"Saglit lang, Xands."

Lumabas ako saglit. Pagbalik ko ay kasama ko na si Mang Johnny, isa sa mga janitors.

"Oh? Bakit kasama mo si Mang John? Hello, Mang Johnny!" Bati nito sa matanda.

Halos kilala na namin ito kasi sa isang buwan may 5 or 6 times kaming may event sa building na ito. S'ya palagi ang naglilinis sa lugar at nakakahiya man ay napagalitan pa ako nito ng unang beses ko rito. Sumuka kasi ako sa hallway kaya nakatanggap ako ng sermon mula sa kanya. Hindi s'ya nagalit ng dahil sa makakadagdag pa ako sa trabahong gagawin n'ya kundi hindi daw tama sa babae ang naglalasing.

Oh well, no comment na ako doon. Buhay ko na rin kasi ang pag-inom. Sabihin mang masama, sabihin mang hindi rin makakatulong sa paglimot pero kahit sandali, kahit kaunti makakapagpahinga sa pag-iisip at mamamanhid sa sakit na nararamdaman ng puso.

"Hello, Ma'am Xandra. Ipapatapon yata ni Ma'am Regina ang mga bulaklak."

"Naku hindi po, Mang Johnny. Pakidaan na lang po ang mga bulaklak sa simbahan kung maaari. Sayang naman po kung itatapon. At 'yong mga fruits and chocolates na andyan dalhin n'yo po sa pamilya ninyo."

"Naku! Ang bait din eh." Sabad ni Xandra.

"Ma'am Rej, Salamat."

Nakita ko ang lapad ng ngiti ni manong at panay ang pasasalamat nito.

Hindi naman kailangang magpasalamat talaga. Hindi ko naman kasi kailangan ang mga 'to. Masarap pa sa puso ang makatulong sa kapwa kahit na sa maliit na bagay lang.

"Ma'am Rej, kanina pa po ako may napansin na babae pabalik-balik sa tapat ng dressing room ninyo." Sabi nito habang nililigpit ang mga bulaklak.

"Naku, manong. Hindi ka pa ba sanay sa mga babaeng umaaligid diyan kay Regina?" Out na vakla s'ya kaya hindi malabong maraming lesbians and bisexuals na gusto ring pomorma sa kanya. Minsan may mga lalaking hambog pa nga na nasasama sa mga pumipila. Halatang nag-eego trip lang at balak pa daw s'yang gawing straight ulit which is never ng mangyayari.

"Naku! Wala pong kwestiyon kung bakit marami ang manliligaw n'yang si ma'am Regina, ma'am Xandra. Sadyang nagdududa lang po ako sa intensyon ng babaeng 'yon. Namumukhaan ko po kasi. S'ya din 'yong nag-amok noong nakaraan kasi ayaw kausapin ni ma'am."

"Naku! Rej. Si Julia na naman yata 'yon. That girl seems really obssessed. Nakakakot na talaga s'ya."

Tama si Xandra. Mula ng makipagbreak ako sa Julia na 'yon ay wala na s'yang ginawa kundi sundan ako kahit saan. Naging stalker ko na talaga s'ya. Aaminin ko, natatakot na rin ako sa kanya but I won't give in to her. Hinding- hindi ako makikipagbalikan sa kanya, ano man ang mangyari.

______________


"Rej!" Bati ni Julia.

Urgh! Andito na naman s'ya.

"Please let me buy you a drink, Rej."

The hell with this girl. Wala na yata s'yang ibang alam gawin kundi ang bwisitin ako.

"Pwede ba, Julia! Leave me alone, please! Naaalibadbaran na talaga ako sa totoo lang. Ayoko lang maging bastos kaya hinahayaan kita pero ngayon... please lang! Tama na, Julia! Lumayo ka na! Move on na!"

"I love you, Rej. Give me a second chance naman oh."

"Julia! Julia! Look at you. You are never the same you anymore. Nasaan na 'yong sinasabi mong you never easily fall in love? One week nga lang na naging tayo, nagkaganyan ka na. Hindi mo ba ako naiintindihan? Ayoko na sa'yo."

"Pero, Rej, I really love you. Kahit one week lang ulit sapat na. Titigilan na kita after."

Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng 'to. Nakakainit ng ulo.

Akmang sasagot ako ng mula sa kung saan ay may umakbay sa'kin na babae at humalik sa pisngi ko.

"Missed me, love? What's going on here?" Tiningala ko s'ya. Ako ba talaga ang kausap nito? Oo yata. Sa 'kin nakaakbay eh.

Napangiti ako. By the sound of it, mukhang may tagapagligtas ako sa gabing ito.

A superhero indeed. Ang ganda n'ya. Deep-set eyes, perfectly matched with her cute lashes and brows, authoritative nose, a lips to die for... something that a woman wanted to nibble on, I want to have a bite, and the ways she smiles at me? Makalaglag panty.  She has this authoritative aura mixed with a boyish attitude, which I'm mysteriously attracted to at the first glance.

"Hi, love. Of course I do. Where have you been? I was looking for you all over the place." I said pouting. Ewan ko ba kung bakit ganito agad ang approach ko sa kanya. It's as if I do this normally and naturally with her.

She chuckled. "You're really pretty when you do that, love."

She hold my chin and captured my lips for a kiss.

"Hmmmm." She really taste delicious just like her whole character.

It was suppose to be a short yet passionate kiss. But it's as if I don't want to end kissing her. I want more. Her lips... It really feels familiar. I don't know why but it's as if i've longed and waited for her kiss all my life.

"She's gone." She said as she stopped kissing me.

"Thanks." Pabulong na halos na sabi ko as I look straight into her eyes while catching my breath.

Nakakapagtaka. I never caught breathless in a kiss. Ngayon lang talaga. Pati kasi ang puso ko parang ang bilis ng tibok n'ya kaya hindi ako makahinga.

"It's nothing. Sorry if I had to do that stint. Para kasing hirap na hirap kang ipagtabuyan siya. Kanina pa ako d'yan sa likod n'yo. I'm Narda Custodio by the way. And you are?" Nakangiting inabot nito ang kamay n'ya sa akin.

"Regina. Regina Vanguardia. And it's really nice meeting you. Thanks for the help. How can I thank you? Can I buy you a drink, Narda?"

She laughed. "I don't let any woman treat me out. Let me buy you a drink. I have something in my mind as payment." She grinned.

"And what could that possible be, Miss Custodio ?"

"Be my girlfriend."

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon