Chapter 47: I say, deserve!

534 21 7
                                    

Halos hindi ako mapakali sa kinauupuan, hindi lang dahil sa nakita kong kalagayan ni Samantha kanina dahil pumasok itong duguan ang polo at may benda pa ang ulo n'ya, pero mas hindi ako napakali habang nagpepresent s'ya ng project proposal sa mga investors.

Alam ko kasing may kakaiba. May nagbago na. Lalo na sa mga kilos nito at galaw.

Napanganga nalang ako ng mapagtanto kong hindi na ang Samantha na nakilala kong palygirl na taga-Baguio ang nasa harapan namin kundi ang magaling na businesswoman na si Narda Custodio.

Hindi ko namalayan na umiiyak na ako ng ipakita nito ang isang kwentas. Isang big dipper na may extra na star. Tinawag pa n'ya itong RegiNarda star... ang star namin.

Halos wala na akong mainitindihan sa mga nagaganap dahil sa laksa-laksang emosyon at ang nakakalitong mga katanungan na tumatakbo sa isipan ko.

Buhay si Narda? Talagang buhay s'ya? Oo nga yata. Buhay nga yata s'ya.

Hindi ko alam kung paano magrereact. Basta na lamang tumutulo ang luha sa mga mata ko... luha ng kaligayahan.

"Regina? Wifey?" Tawag nito sa akin kaya agad naman akong napalapit sa kinaroroonan n'ya sabay yakap dito.

She kissed me passionately and hold me close as if she don't want to let go.

"I'm back, wifey. I can remember you now." Sabi nito.

"I thought you are Samantha Salazar?" Naguguluhan kong tanong dito.

"Hmmm. Yes. Iyan ang dati kong pangalan bago ako inampon ng mag- asawang Custodio. Nang inampon kasi nila ako ay Narda na ang naging pangalan ko sa birth certificate. I lost my memory at ang childhood ko nalang bilang si Samantha ang naalala ko."

Now I understand. Totoo ngang buhay si Narda. Nagbalik na talaga s'ya. Hinawakan ko ang mukha n'ya. Sinisiguradong s'ya na nga talaga si Narda.

"Hindi talaga ako makapaniwala, bubby. After 5 long years. Matapos kong magluksa ng 5 taon sa pag- aakalang namatay ka na, ito at buhay na buhay ka, nahahawakan kita. I should have searched for you. I might have found you earlier." Sabi ko habang umiiyak.

"Shhh. What's important is buhay ako, Rej. At makakasama na kita ng habang buhay. Wala ng makakapghiwalay sa atin. Wala ng mananakit sa atin. Hmmm. Which reminds me. Nasaan na si Niel?" Tanong nito habang palinga-linga sa paligid.

Kunot-noo ko naman s'yang tinitigan. Nakapagtataka kung bakit n'ya hinahanap ang hinayupak n'yang pinsan.

"Bakit mo s'ya hinahanap, bubby?"

"S'ya kasi ang may pakana sa tangkang pang-aambush sa akin kanina, Rej."

Naikuyom ko ang kamao. "Ang walanghiya! Gusto ka talaga n'yang mamatay, bubby. Kinain na s'ya ng pagkagahaman n'ya. Kailangan n'yang magbayad. Kailangan n'yang makulong."

"Rej, Narda! Si Naya!" Sigaw ni Ali mula sa pinto ng conference room.

Agad naman kaming napalingon ni Narda dito. Akala ko ba nagpakalayo-layo na ang isang ito?

"Ha? Bakit? Ano'ng nangyari kay Naya?" Tanong ko kay Ali.

"Eh tinawagan kasi ako ng yaya n'ya dahil hindi kayo sumasagot na dalawa. Nakalimutan n'yo na daw silang sunduin sa school. Ayon sinundo ko naman pero ng papasok na kami dito sa building ay bigla itong hinablot ni Niel at itinakbo papuntang rooftop." Paliwanag nito.

"Tumawag ka ng pulis, dali." Utos ni Narda sa assistant namin bago tumakbo palabas ng conference room. Agad ko naman s'yang sinundan.

Naabutan ko s'yang pindot ng pindot sa elevator pero hindi pa nagbubukas.

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon