Chapter 29: Naglolokohan lang sila

414 16 8
                                    

"Hay, Narda. I know what you're doing." Gusto kong sabihin sa kanya pero mas pinili kong manahimik.

"Ilang araw pa ng pagtitiis, mahal ko. Ilang araw nalang." Sabi ko as I hug her tighter.

Tama nga ang sabi nila. Love is a sacrifice. Nothing lasts forever ika nga pero it's good to turn back into time and look at your past without regrets.

Hmmm. Bakit ko nga ba nasasabi ito? Eh samantalalang ako itong wala ng ginawa kundi maglaro sa pag-ibig.

Kung babalikan ko ang naging past namin ni Gabby? I have regrets. Pero iyon ay dahil namali ako ng taong ipinaglaban. Namali ako ng taong pinagkatiwalaan.

Pero si Narda? Sa lahat ng ginawa n'ya para sa akin? I think she deserve this sacrifices that i'm making.

[Flashback]

"I don't know you, miss. Kung friend ka nga ni Narda, nasa Manila s'ya. Sa makalawa pa ang balik n'ya rito." Sabi ko sa babaeng nagpakilala na kaibigan ni Narda.

Nakangisi itong umakbay sa akin.

"I know. I know. Why don't we go out at ng makapag-usap tayo ng maayos." Sabi pa n'ya habang nakangisi.

Halos manindig na ang balahibo ko sa pagkakatitig palang ng tao na 'to sa akin. She had this aura na alam kong walang gagawing maganda at hindi mapagkakatiwalaan.

"Please let me go. Kailangan ko ng umuwi."

Tumawa s'ya malapit sa tenga ko na ikinapangilabot ko na talaga ng tuluyan.

"Hahayaan naman kitang umuwi eh. Basta makipag-usap ka lang sa akin. 5 minutes is enough. Doon tayo sa parking lot." Sabi nito sabay hila sa akin.

______________

"Pumasok ka sa kotse." Utos n'ya ng makarating na kami ng parking lot.

"Dito nalang tayo sa labas." Pagtanggi ko pa.

"Papasok ka ba o gusto mo pang may gawin akong hindi mo magugustuhan?"

Agad naman akong tumalima ng marinig ang sinabi n'ya.

"Good girl. Masunurin ka naman pala eh." Sabi n'ya ng makapasok na rin sa kotse.

"May ikekwento ako at gusto kong makinig ka. Pwede ba 'yon?"

"As if I have a choice."

Napangisi naman ito sa sagot ko.

"Narda Custodio is playing with you, Regina. She's never serious about you." I eyed her curiously.

"Ano ang pinagsasabi mo? Gusto mo lang siraan si Narda sa akin, whoever you are."

Tumawa s'ya. "My manners. I'm sorry. Hindi pa pala ako nagpapakilala sa'yo. I'm Marga Sarmiento. Business partner ni Narda Custodio."

"Business partner? Eh bakit hindi ka manlang n'ya nababanggit sa akin?"

"Bakit n'ya ako babanggitin sa'yo kung alam n'yang ikakapahamak n'ya?" Lalong nangunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

"Makinig ka na nga lang. Give your reactions when i'm done." Sabi n'ya.

Ikinuwento n'ya sa akin ang tungkol sa bet nila ni Narda, ang pagpupustahan nila over a 25 percent share of C-Holdings against their 4 companies. Nanlaki ang mga mata ko and initially sobrang nagalit ako ng sinabi n'ya kung ano ang pinagpustahan nila. It's me!

Nagalit ako kay Narda at some point sa confession na ito, pero ng maisip ko ang mga ginawa n'ya for me at ng makapa ko sa puso ko ang sobrang pagmamahal ko kay Narda ay nawala lahat ng inis at galit ko.

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon