"Maniwala ka, Ali! Buhay si Narda! Buhay siya!" Sabi ko rito ng puntahan ko s'ya sa clinic niya matapos ang nangyari sa akin kanina sa parking lot ng mall.
"Kahit tanungin mo pa ang mga guards doon. Kamuntikan na talaga akong mahablutan ng bag. May tumulong lang talaga sa akin. Si Narda 'yong tumulong sa akin, Ali."
"Calm down, Rej. Ipagpalagay na nating si Narda nga 'yon, bakit hindi ka n'ya nakilala? At bakit agad ka n'yang nilayuan ng tinawag mo s'yang Narda? At bakit pagkatapos ng limang taon ngayon lang s'ya magpapakita sa'yo?"
"Ewan ko, Ali. Baka... baka nagkaamnesia s'ya? Baka may malaking dahilan lang s'ya. Basta s'ya 'yon, Ali. Magkaiba lang sila sa pananamit dahil nakaputing v-cut shirt lang s'ya, may butas sa tuhod ang pantalong suot n'ya at nakasneakers lang s'ya pero sigurado akong s'ya 'yon. Medyo mas mahaba lang din ang nakapusod n'yang itim na buhok na may highlights na green at medyo mas morena kaysa kay Narda pero hindi ako maaaring magkamali. S'ya talaga 'yon, Ali."
"Hay! Baka kamukha lang n'ya 'yon, Rej. Hindi mo ba nakilala ang babaeng 'yon? Saan ba 'yon nakatira at ng mapuntahan natin?"
"H-hindi eh. Nang tinawag ko kasi s'yang Narda agad s'yang tumalilis paalis. Hindi ko na siya inabutan ng sundan ko s'ya. Samantha. Tama! Samantha daw ang pangalan n'ya at hindi Narda."
"See? Pangalan palang iba na." Kibit-balikat na sagot nito.
"Hindi eh. Basta I can feel it. Si Narda talaga 'yon."
"Hali ka. Iisang tao lang ang makakapagpatunay kung buhay ba talaga si Narda."
Agad akong hinila ni Ali palabas ng clinic n'ya.
"Saan tayo pupunta? Sino ang kikitain natin?" Takang tanong ko.
"You'll see." Sabi lang nito sabay pasok sa kotse. Ganoon nalang din ang ginawa ko at tahimik na kaming bumyahe.
_________________
"Why the hell are we here, Ali?"
"Gusto mong makasigurado, 'di ba?"
Sabi nito habang binabaybay namin ang daan patungo sa visiting area ng womens correctional kung nasaan nakakulong si Marga Sarmiento.
Habang papalapit ay s'ya ring unti-unting pagbabalik ng mga pangyayari sa akin.
[Flashback]
"Ma'am, nadiskubre po sa imbestigasyon namin na may nakagitgitan pong sasakyan sa daan ang asawa ninyo bago nahulog ang kotse nito sa bangin. Ayon po sa saksi nakasunod po ang sasakyan n'ya sa dalawang kotseng bumabangga-bangga sa bumper at tagiliran ng sasakyan ni Miss Custodio bago ito bumulusok pababa sa bangin at tuluyang sumabog matapos ang ilang minuto." Sabi ng pulis matapos kong paimbestigahan kong talaga bang aksidente lang ang nangyari kay Narda.
"Nalaman na po ba ninyo kung sino ang mga may-ari ng dalawang sasakyan, inspector?" Tanong ko habang nakakuyom ang kamao.
Kailangang pagbayaran nila ang ginawa nila kay Narda.
"Opo. At nakumpirma po namin ito ng tingnan namin sa casa ang mga sasakyan. Plano pong papalitan ng mga may-ari ang mga nayuping bahagi ng mga kotse upang makapag-alibi at matakasan sana ang ginawa nila."
"Ang mga hayop! Mga walang puso! Sino po ang may-ari ng kotse, inspector?"
"Marahil ay kilala ninyo, ma'am. Sila rin daw po ang kameeting ni Miss Custodio ng araw na 'yon, ayon sa mga tinanong naming tao. Ang prime suspect na s'ya mismong bumangga sa tagiliran ng sasakyan ni Miss Custodio ay nagngangalang Marga Sarmiento."
Doon na sumulak ang dugo sa ulo ko. Sobrang napoot ang puso ko sa taong iyon.
________________
BINABASA MO ANG
"Servant in a Suit"
FanfictionBlurb Have you ever experienced loving someone? Giving up everything you have, your life, yourself and your identity just to be with her? Trusting that person with everything you have, your mind, body, soul and spirit. In the end, ikaw ang talo. I...