"Ano pa kaya ang kulang?" Dinouble-check ko 'yong mga pinamili ko.
"Ops!" May mabangga ako ng hindi sinasadya. Nawili kasi ako kakatingin kung ano pa ang kulang sa nabili ko na.
"Hey! Watch out." Kamuntikan na akong matumba when someone grab my hips at niyakap ako to prevent me from tipping off the ground.
I know that voice. Familiar iyon.
"I'm sorry, Mis... Narda? A-anong ginagawa mo dito?" Pagkatingin ko sa taong nakabangga sa akin ay kumawala agad ako sa pagkakayakap n'ya.
“Namimili rin. That's my cart." Pinakita nito sa akin ang cart na nasa likuran n'ya.
“I see. Got to go now." I pushed my cart para ipagpatuloy ang pamimili ko. Her presence intimidates me. Parang she owns every place wherever she's at. Of all places kasi na puwede kami magkabanggaan bakit dito pa sa mall?
“Hey, Rej. Regarding the payment…”
I suddenly stopped when she spoke from behind me. I felt obligated. I have to kahit na ayoko.
“I told you, Narda. Tawagan mo ang number ko kung may naisip ka na.” Sagot ko na hindi man lang s'ya nililingon. Well, ayoko talaga lumingon sa kanya. It’s as if awkward kasi. Not to mention na ayaw ko ang pagkikita namin.
Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ng wala akong marinig na sagot mula sa kanya. "Am I waiting for her answer?" Napapatanong na lang ako sa sarili ko. It felt different. I usually don’t think about these things whenever I meet women like her.
Maya-maya ay nagring ang cellphone ko. I reach out for my bag and got my phone out. Pagkatingin ko ay new number ang tumatawag. Who on earth could it be?
I pushed the answer button.
“Hello, Regina. This is Narda Custodio. Gusto ko lang sabihin na... forget about the payment that i’m asking you about. It’s not right for a gentlewoman to ask something in return after she helped a pretty lady."
Biglang lumukso ang puso ko ng marinig ko ang boses n'ya lalo na ang sinabi n'ya. Why oh why? I heard those words several times but something is different. It’s also the same words na bumuo sa pagkatao ko kung sino ako ngayon.
Huminga ako ng malalim and composed myself. Sigurado kasi nasa likuran ko lang s'ya. I don't want her to know that she just caught me off-guard. I hate to admit it pero I am really caught off-guard. I am waiting for her answer but I didn’t expect her to call.
“If that's the case, thank you for your help, Miss Custodio. Bye." I turn off my phone and continue walking to buy milk. Hindi ko na s'ya nilingon dahil ayaw ko makita n'ya ang pakabigla ko sa ginawa at sinabi n'ya.
Nagulat ako ng banggain n'ya ang cart ko.
"Ano ba!" Pagalit kong baling sa kanya. Napatingin tuloy ang mangilan-ngilang kasabay naming namimili.
"Ops. Sorry, Miss. Hi. I'm Narda Custodio." Iniabot n'ya ang kanang kamay n'ya, waiting for me to shake her hand. She's pretending as if it's her first time meeting me.
Hindi naman ako nagpatinag sa kanya. Nangunot ang noo ko. Tinitigan ko ang nakaextend nitong kamay sa harapan ko bago napadako sa nakangiti n'yang mukha.
“Anong trip mo sa buhay, Narda?” Nginisihan n'ya lang ako.
Inirapan ko s'ya bago nagpatuloy sa paglalakad. Deep inside me gusto kong sabihing she deserve it. Pero my body is still waiting for things to happen. Hindi ko alam kung ano pero ang lakas ng kaba ng dibdib ko. Sanay naman akong malditahan ang mga overconfident na tao before.
“Can I invite you for coffee, miss? Sorry pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. I really want to get to know you better." Nakangiting sabi nito ng hinarang n'ya ako paalis.
BINABASA MO ANG
"Servant in a Suit"
FanfictionBlurb Have you ever experienced loving someone? Giving up everything you have, your life, yourself and your identity just to be with her? Trusting that person with everything you have, your mind, body, soul and spirit. In the end, ikaw ang talo. I...