Nagpupuyos sa galit ang puso ko habang nakatanaw kina Regina at sa kasama nitong babae na kasalukuyang iniinggit ako sa kasweetan 'daw' ng mga ito na ipinapangalandakan pa sa harapan ko.
Panaka-nakang bumubulong ang babae rito at halatang nag-eenjoy si Regina dahil nakasmile pa ito.
"Oh! Akala ko ba pagseselosin natin iyang love of your life, Narda? Eh bakit parang ikaw yata itong selos na selos?"
Naniningkit ang matang binalingan ko ang kakarating lang na si Rica. Tatawa- tawang hinawakan nito ang mukha ko. Alam kasi n'yang galit na ako kapag namumula.
"I can't help it, ate. Look at her. Parang wala lang s'yang pakialam sa akin."
Yes. Rica is my sister. Ricarda Custodio ng 'di pa s'ya kinakasal. She's older than me by a year. Nagmakaawa pa ako sa kanya para lang gawin itong pagpapaselos kay Regina. Mahirap kasi kapag ibang babae 'cause they might take advantage of the situation. Mas mabuti kapag si ate Rica. Siguradong safe ako.
"Eh bakit kasi iyang pagpapaselos pa ang naisip mong paraan? Bakit hindi mo nalang kasi bakuran. Hindi ba ka..."
"It's not right to tell her the truth yet, ate. I want her to be so sure about her feelings for me. Hindi 'yong i'll drag her into something she doesn't like."
"Haist! People nowadays. Pinapahirapan ang mga sarili. Oh, paano 'yan? It's as if your plan isn't working."
"It must. We need to do something about it. Galingan mo pa kasi ang drama, ate. Kiss my cheek."
Natawa s'ya sa utos ko. "Ewan ko sa'yo, Narda. This is awkward, you know. Kapag makita ito ng asawa ko baka sabihin pang nababaliw na ako. Incest na 'tong ginagawa natin, Nards."
Natawa ako ng sobra sa sinabi ni ate. Hindi sinasadyang napatingin ako sa kinaroroonan ni Regina at nakita ko ang pagbabago ng expression nito. Natigil ang pagtawa nito at uminom na lang sabay baling ng paningin sa ibang direksyon.
"Who told you it's not working, ate? I think it is." I grinned.
By the look of it, parang nagseselos naman s'ya.
"What do you mean, Nards?"
"Halika. Makiupo tayo sa table nila." Sabi ko sabay hila kay ate Rica.
"Hi. Can we sit in?" Tanong ko kay Regina pero agad na akong naupo sa harap nila matapos kong ipaghila ng silya si ate Rica.
"Sure." Sagot ng babaeng kasama nito pero panay lang ang inom ni Regina na halatang may tama na.
"Please tell her to stop drinking, ate." Bulong ko kay ate Rica.
"Bakit ako? Dapat ikaw. Ni hindi pa nga kami nagkakausap na dalawa eh." Ganting bulong naman n'ya sa akin.
"Ahem." Tumikhim si Regina sabay inom. "Mikka, can we go now?"
Napakuyom ang kamao ko sa tanong nito sa babae.
Namumula na kasi si Regina at hindi ko mawari kung dahil ba sa lasing na ito o galit na s'ya.
"Where to?" Tanong ko.
"Hmmm... Do I need to answer your question, boss?" Halata na sa boses nito ang kalasingan.
"I'm just asking. Nasa sa'yo naman kung ayaw mong sagutin." Sabi ko pa sabay tungga ng alak sa baso ko. Hinawakan ko rin ang kamay ni ate Rica.
"Mikka's business and mine don't have anything to do with you, Miss Custodio. Tara na, Mikka."
Yakag nito sa babae sabay tayo.
I hold her hand dahilan para mapaupo ito ulit."You're not going anywhere, Regina."
Tumawa s'ya ng pagak. "Why? Kaano ano ba kita para pigilan ako, Miss Custodio? We are not in the office para sumunod ako sa'yo. This is a pub. B-A-R... Bar ito, Miss Custodio. You can control me whenever i'm at work but not when i'm off duty. By the way..." Tumitig ito kay Rica.
I don't know why pero 'yong mga mata n'ya... they seems sad.
"Rica, right? You are one lucky lady. Narda Custodio is a good catch. Sayang..." Sabi nito sabay lagok ulit ng inumin sa baso n'ya.
Saglit itong natahimik at wari'y pinapakalma ang sariling damdamin.
"Sayang na hindi kami nagwork nitong si Narda. Kasalanan ko rin naman kasi. May matinong babae na sana na siseryoso sa isang katulad ko. Sinubukan ko namang magbago. I'm trying to fix myself and my life pero may mga tao kasing pilit akong ibinabalik sa putikan, pilit akong hinihila pababa. May mga taong handang gawin ang lahat para lokohin at gamitin ako para sa mga pansarili nilang interes."
Nangunot ang noo ko. What does she mean? Patungkol pa rin ba ito sa ginawa ni Tommy Guzman sa kanya?
"Sabi din nila once a player, always a player. Hindi ko na yata kayang baguhin ang image ko. I'm glad that she found you, a decent and successful lady. Hindi kagaya ko. I'm nothing but a ruthless playgirl. I don't deserve the kind of woman like Narda Custodio. Don't get me wrong. I'm not jealous or anything. I'm just telling the truth here. Huwag mo ng pakawalan pa ang babaeng 'to, Rica. She is worth fighting for." Alam kong dahil na sa epekto ng alak kaya n'ya nasasabi ang bagay na ito ngayon.
"Why don't you fight for me, then?" I suddenly ask from nowhere.
She stare at me long enough that my heart is starting to melt. I can feel her hurting... I can see her hurting as I look into her eyes.
"I can't. I don't deserve you, Narda. I deserve girls like Mikka here. She promised to follow the rules. You aren't into falling in love, right, Mikka?"
Tumango naman ang babae.
"That's bullshit, Rej!" Tumaas ang boses ko at naramdaman kong napahawak si ate sa kamay ko.
Umiiling ito ng tumitig ako sa kanya. It's as if she's telling me that i'm doing the wrong thing. Walang patutunguhan ang ganitong conversation.
Napabuntong-hininga ako.
"I'm sorry. I'm taking you home, Rej." Sabi ko sabay kuha ng kamay n'ya at inalalayan patayo.
"Sorry about my girl's behavior, Mikka. She doesn't mean it. Nakainom lang s'ya at magkagalit kami. Thank you for buying her drinks." Sabi ko sa babae.
Tumingin naman ako kay ate at tumango ito meaning pinapayagan na ako nitong umalis kasama si Regina.
"Let me go, Narda. I'm going out with Mikka. Ano'ng pinagsasabi mo? Walang tayo." Sabi pa nito habang kumakawala sa pagkakahawak ko.
"Ang tigas ng ulo mo!" Sabi ko sa kanya sabay buhat dito.
______________
"I don't know what to do with you, Rej." Sabi ko sabay baling sa natutulog na si Regina habang nagmamaneho ako pabalik sa bahay.
Tama nga ang naging decision ko na sa bahay ko s'ya umuwi. Mababantayan ko ang mga kilos at lakad n'ya minu-minuto.
Nasanay na talagang s'ya na sumama sa kung kani-kaninong babae kapag nakainom.
Napabuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili.
Agad naman akong napangiti ng may malala. She's jealous. Ayaw lang n'yang aminin. Tagumpay ang pagpapaselos na ginawa namin ni ate. Now I know she still love with m...
"Hmmm. Gabby. Gabby." Naikuyom ko ang mga kamao ko sa manibela. Napalis ang ngiti sa mga labi ko.
"Damn!" Naihampas ko pa ang kamay sa manibela.
I thought she already loves me. Bakit pati sa panaginip n'ya si Gabby pa rin ang hinahanap n'ya?
"I thought... I thought ako na ang mahal mo, Rej. Bakit si Gabby pa rin? Wala na nga ba akong pwedeng gawin para mahalin mo? Am I suppose to give up on you? Or should I use my last card, now?"
BINABASA MO ANG
"Servant in a Suit"
FanfictionBlurb Have you ever experienced loving someone? Giving up everything you have, your life, yourself and your identity just to be with her? Trusting that person with everything you have, your mind, body, soul and spirit. In the end, ikaw ang talo. I...