Chapter 33: The unexpected turbulence

385 12 9
                                    

Nakangiti kong tinitigan ang hawak kong kwentas habang binabaybay ang daan pauwi sa bahay ni Regina.

I know she'll be surprised with it. Binili ko rin itong kwentas para aakalain n'ya na ito lang ang surprise ko sa kanya.

Ang hindi n'ya alam ay magpopropose na rin ako tonight.

Sandali akong tumigil sa gilid ng daan para kapain sa bulsa ko ang engagement ring na binili ko para sa kanya kanina.

Binistahan ko ng tingin ang singsing. Hindi s'ya kagaya ng madalas na ibigay bilang engagement ring na may iisang malaking diamond sa pinakagitna nito. Isang lang itong simpleng singsing na pinapalibutan ng maliliit na diamonds. Pinili ko mismo itong design na babagay sa kanya. "I hope she likes the simplicity of it. It fits her character... it is as simple as her, too."

Nakangiti kong itinago sa glove compartment ng kotse ang engagement ring at baka mahulog ko pa.

Hawak-hawak ko naman sa kamay ang necklace na binili ko. Isang silver chained diamond studded necklace na sinadya kong ipagawa. May palawit ito na korteng big dipper with an extra diamond on top representing her star, our star.

"I know magugustuhan n'ya ito."

Nagpatuloy na ako sa pagmamaneho at ng mabilis ng makauwi. Maya-maya ay nagvibrate ang cellphone ko.

Tumatawag si Regina. Napangiti tuloy ako. Hindi talaga ito mapalagay sa matagal naming pagkakawalay.

In-on ko ang bluetooth headset ko at ng hindi ako mahirapan sa pagmamaneho. Mahirap ng mabangga o makabangga ako. Excited pa naman akong umuwi kay Regina.

"Hello, wifey. Napatawag ka? Anything wrong?" Nakangiti kong bungad dito.

"Nag-aalala na ako, bubby. Mahigit 4 hours ka ng wala. Sabi mo saglit ka lang." Sabi nito sa kabilang linya. Sigurado akong nakapout na naman s'ya.

"Sorry, wifey. May inasikaso lang ako. Pauwi na ako. 1 hour nalang siguro nasa bahay na ako. Don't worry. Nothing happened. I'm fine."

"Hay! Mabuti naman. Bakit kasi hindi ka manlang tumawag after mong makipagkita kina Marga?"

"Naku! Eh, nawala sa isip ko, wifey. Sorry na ha? What's important is pauwi na ako. Why don't you take your nap para hindi ka mainip sa paghihintay sa akin?"

"Hmmm. Bakit mo naman ako pinapatulog? Pwede naman tayong mag-usap nalang sa phone hanggang makarating ka rito ah? May kasama ka siguro no?"

I chuckled. "Napakaselosa mo pala, wifey. I didn't know. Eh syempre gusto kong makarating agad sa bahay kaya dapat makapagconcentrate ako sa pagmamaneho."

"Hmp! Gano'n? Eh 'di sige. Ibababa ko nalang 'to. But promise me na magiging okay ka lang ha?"

"Oo naman, wifey. Ako pa ba? Para sa'yo magiging okay ako. Promise."

"Aasahan ko iyan, bubby. I love you."

"I love you so much, wifey. I don't know to live without you now. You are my life now, Rej."

"Hmmm. Kumain ka yata ng sweetcorn, bubby. Sobra ka kung magpakilig. Uwi ka na and get your reward for being so sweet. I love you. Bye."

Natawa ako. "Oh-oh. I can't wait to claim that reward, wifey. Bibilisan ko na 'to. I love you. Bye."

Natatawa kong ini-off ang cellphone at nagulat ako ng kamuntik na akong makabangga.

"Shit!" Napababa ako sa kotse at tiningnan kong napaano ang matanda na kamuntikan ko ng masagasaan. Mabuti nalang at mabagal lang ang takbo ko.

"Aray! Aray!" Nakahawak ito sa likuran n'ya habang dumadaing.

"Manang, sorry po. Hindi ko sinasadya. Tara dadalhin kita sa ospital."

"Aray!" Daing pa nito sabay pulot sa mga nagkalat n'yang gamit.

"Sorry po talaga, manang. Hindi ko po kayo napansin." Sabi ko habang tinutulungan s'ya.

Agad ko siyang inalalayan papasok ng passenger's side ng kotse bago bumalik sa dako ko at tinahak ang daan papuntang ospital.

"Ang malas naman oh. Kung kailan nagmamadaling makauwi eh." Nasabi ko sa sarili habang mahigpit na hinahawakan ang necklace na ibibigay ko kay Regina.

"Okay lang ako, neng. Ibaba mo nalang ako pagliko mo sa dakong iyon." Sabi ng matanda ng nasa may kadawagan na kami.

"Oh, bakit, manang? Hindi na ba masakit 'yang likod mo? Tsaka bakit dito ko po kayo ibababa? Eh wala naman pong kabahayan dito. Nasa malapit na po tayo sa bangin eh." Sabi ko sa kanya habang binabagalan ang takbo.

"Andyan sa ibaba ng bangin ang bahay ko, neng. Tsaka hindi na masakit ang likod ko."

"Oh, siya. Basta sigurado kayo na okay lang kayo ha?" Dahan-dahan lang akong nagmaneho dahil sabi ni manang malapit na ang bababaan n'ya. Dumukot ako ng iilang libo sa wallet ko at ibinigay sa kanya.

"O ito, manang. Pambili n'yo po ng pagkain. Sorry po at kamuntikan ko na kayong masagasaan." Sabi ko rito.

"Naku! Huwag na, neng." Tanggi pa nito pero sa huli ay napilit ko rin s'yang tanggapin ang ibinigay ko.

"D'yan na ba kayo, manang? Sabi ko na magpapark na sana sa gilid na itinuturo ng matanda.

Nagulat nalang ako ng may bumangga sa likod ng sasakyan ko.

"Shit!" Nasabi ko ng kamuntikan na akong masubsob sa manibela.

Tiningnan ko sa rearview mirror para alamin kung sino ang bumangga sa bumper ko.

"Marga Sarmiento!" Naibulong ko sa sarili ng marecognize ko ang sasakyan n'ya.

Akala ko okay na ang usapan namin ni Sarmiento. Walanghiya talaga ang tangina! Ayaw talagang patalo.

"Kumapit lang po kayo, manang. Ibabalik ko nalang po kayo doon mamaya. May kailangan lang po tayong takasan." Sabi ko sa matanda ng kalabitin ako nito.

Nagtataka marahil ito dahil hindi ko s'ya naibaba sa itinuro n'yang lugar.

"Kriminal ka ba, neng?" Tanong ng matanda ng malingunan nito ang humahabol sa amin.

"Naku! Hindi po. Iyang humahabol sa atin ang kriminal." Sabi ko habang pinapatakbo ng mabilis ang kotse.

Kung bakit kasi ako nakampante. Pinauwi ko na ang back-up ko kanina matapos akong makaalis sa bar na pinagkitaan namin ni Marga. Akala ko ay maayos na ang lahat.

"Shit!" Napamura ako ng may bumangga ulit sa likuran ng kotse ko.

Hindi manlang ako nakapagdala ng baril para manlang sana may panlaban kina Sarmiento.

Panabilis ko pa lalo ang pagmamaneho pero dinikitan kami ng animal.

Binuksan nito ang bintana ng kotse n'ya kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Hayop ka, Sarmiento!" Sigaw ko rito.

Tumawa ito. "Natatakot ka na ba, Custodio? Naniningil lang ako sa pamamahiya mo sa amin sa bar!" Nakangising sigaw nito.

"Tanga! Kayo ang nagpahiya sa mga sarili ninyo!" Ganting sigaw ko.

"Putangina mo, Custodio! Mamatay ka na!" Galit na sigaw nito sabay gitgit sa sasakyan ko.

Nagkagitgitan kami hanggang sa naitulak na ang kotse ko sa gilid ng kalsada.

"Ah!" Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin kong nahuhulog na ang sinasakyan kong kotse sa gilid ng bangin at patuloy ito sa pagbulusok sa ilalim.

"I love you, wifey." Nasabi ko na lang habang niyuyupi ng kalikasan ang bumubulusok kong sasakyan. Mahigpit ko pa ring hawak ang necklace na ibibigay ko sana sa kanya.

"I'm sorry hindi na ako makakauwi, Rej." Naiusal ko na lang habang unti-unti nililikop ng kadilim ang aking kamalayan.

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon