Gulong gulo ang isip ko. Iyong feeling na gusto kong ikulong ang Samantha na 'yon sa bahay kasama ni Naya para naman maranasan ng anak ko ang magkaroon ng isang buong pamilya na simula ng ipinanganak s'ya ay hindi n'ya naranasan.
"Sana kasi, bubby, hindi mo kami iniwan. Sana kasi ikaw nalang din si Samantha para masaya na ang anak mo. Hay!" Napabuntong hininga ako. "Pati na rin ako. I miss you so much, Narda. I longed for your hugs and kisses. I miss talking to you too."
Huminga ako ng malalim at pinigilan ang luhang nagbabadyang pumatak na naman sa mga mata ko. It was almost 5 years but the pain is the same as if it happened yesterday.
Unti-unti ko na rin sanang tinatanggap sa sarili ko na wala na si Narda pero sa pagdating ni Samantha, bumalik lahat. Hindi lang ang pagkapoot ko kay Marga, kundi pati ang pagkamiss at pagmamahal ko kay Narda na pilit ko ng ibinabaon sa nakasarado kong puso.
"Hay! Its time to work." Sabi ko sabay tingala sa building ng C-holdings.
Natutulog pa naman si Naya na mahigpit kong pinabantayan sa yaya nito. Tatapusin ko lang ang trabahong naiwan ko kahapon bago umuwi.
Kung buhay lang sana si Narda, mas gugustuhin kong tumigil na sa pagtatrabaho at sa bahay nalang ako para alagaan si Naya. Iyon lang, hindi talaga pwede. Wala akong pwedeng pagkatiwalaan sa business na naiwan ni Narda.
Sa likod na ako dumaan papasok kasi ayokong nakikita ang mga pinsan ni Narda na palaging nakatambay sa lobby ng C-holdings na akala mo ay namamasyal lang at nagrerelax sa mall o hotel.
Papasok na sana ako sa elevator ng makarinig ng pag-uusap sa may hagdanan. Hindi ko napigilang makinig ng mapagsino ko ang mga nag-uusap... ang mga pinsan ni Narda na iniiwasan ko.
"Kailangan nating mabawi ang pamamahala ng C-holdings mula kay Regina Vanguardia, cous." Naikuyom ko ang kamao sa narinig.
"Ano ang gagawin mo, cous? Wala tayong laban. Kasal sila ni Nana."
"Icocontest natin ang ownership ng C-holdings. Hahanapan natin ng butas 'yang si Vanguardia. Hindi sila naikasal dito sa Pinas 'di ba? Isang marriage contract na pinirmahan nila at ng isang sikat na minister at abogado sa Las Vegas lang ang patunay nila. What if hindi sila totoong kasal? Walang maipakita ni isang picture si Vanguardia, hindi ba?"
"Eh paano kung totoo ngang kasal sila, cous? Saka ano'ng laban natin sa last will and testament na napagawa na n'ya pala since naging bilyonaryo s'ya? Alam natin pareho na nakasaad doon na whoever her partner is at the time of her death, 'yon ang magmamana ng kompanya n'ya."
"Hmmm. Eh 'di hanapan natin ng lusot. Palabasin natin na peke ang kasal nila. Na wala talaga silang relasyon ni Vanguardia. Saka hindi naman sakop ng batas ng Pilipinas na pwedeng magkaroon ng conjugal property ang same-sex marriage. Wala ng Narda na magtatanggol sa babaeng 'yan ngayon."
"Ipagpalagay na nating mapatunayan na hindi nga sila totoong kasal at mabawi na nating mga Custodio ang pamamahala ng C-holdings, si Rica ang makikinabang, cous. Siya ang kapatid ni Narda."
"Napag-isipan ko na 'yan, cous. Alam naman nating 'yang si Narda at si Rica ay mga ampon lang ng namayapa nating tita Lorena at tito Raul. Ang dali namang gawan ng paraan n'yan lalo na at walang kahilig-hilig sa business 'yong si Rica. Basta ako na ang bahala. Suportahan mo lang ako."
Dali-dali akong naglakad pabalik sa likuran ng building ng marinig ko ang mga yabag papalapit sa kinaroroonan ko.
"Ang mga hayop. May masama palang pinaplano."
Okay lang naman sana sa akin na ipaubaya sa kanila ang C-holdings kung matitino silang tao. Alam ko namang lulustayin lang nila sa sugal at pambababae ang perang pinaghirapan ni Narda ng kung ilang taon.
BINABASA MO ANG
"Servant in a Suit"
FanfictionBlurb Have you ever experienced loving someone? Giving up everything you have, your life, yourself and your identity just to be with her? Trusting that person with everything you have, your mind, body, soul and spirit. In the end, ikaw ang talo. I...