Chapter 31: Practice sessions 😉

706 23 47
                                    

"Naghihintay ako sa explanation mo, Narda. Paano tayo nakasal? Hmmm. I'm sure you bluffed. Hindi totoo 'yon. Ang impossible kasi. Pero anyways, salamat sa effort. Iniligtas mo na naman ako sa hayop na Divina Alcantara na iyon kahit nagsinungaling ka pa." Nakangiti kong baling sa kanya habang nakasakay pa rin sa kotse n'ya patungo sa kung saan mang lupalop na tinatahak ng driver nito.

Tahimik lamang s'ya pero mayamaya ay inilabas nito ang wallet n'ya. Ano kaya ang meron?

"Here. Take a look at this." She handed me a piece of paper, a document, a marriage contract?!

Nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa kanya.

"It's fake." Sabi ko.

"It's not. Its an original copy. Take a look. It's sealed and notarized by a well known minister who is also a lawyer in Las Vegas."

I checked the contract. It really is a legal document.

"How... how did this happen? This is so impossible."

Napahawak s'ya sa batok. Halatang hirap na hirap ito sa pag-eexplain sa akin. Tss!

"Remember my first night as your escort?"

Sinubukan kong hagilapin ang memoryang 'yon sa utak ko.

"Hmmm... yeah. A bit. Why?" Tanong ko rito.

"I... Hay!" Huminga muna s'ya ng malalim bago hinawakan ang kamay ko.

"I did something. 'Di ba we made a deal? Whoever wins will get what she wants?"

Saglit akong nag-isip bago nagsalita.

"Yeah. I remember. Gumawa pa nga tayo ng kasulat..."

Pinandilatan ko s'ya. "You made me sign a different piece of paper?!"

"Ye... yeah. I'm sorry, Rej."

Napahalukipkip ako ng mapagtanto kong naisahan na naman ako ni Narda. Pero may naalala ako.

"That isn't possible, Miss Custodio. Dapat nasa harap tayo ng minister or lawyer na nakapirma d'yan at ang dami pang process na dapat pagdaan para mavalidate 'yang contract. I didn't say I do too."

Ngumisi lang s'ya sabay hawak sa batok n'ya. Pinanlakihan ko s'ya ng mata. "You used your money and power to get what you want?! That's so..."

"That's so sweet of me, aren't I, love?" Nakangiti nitong sagot.

Natahimik ako dahil sa inis. This woman is really persistent. She really made sure that she gets everything that she wanted. Bigla ko na namang naalala si Marga Sarmiento.

"Why am I talking to you in the first place? I'll sue you, Miss Custodio."

"Tss! Stop acting as if you hate me, Rej. I know you don't. I heard your conversation with your bestfriend earlier this morning." Sabi n'ya habang nakangiti.

Tinitigan ko s'ya at napayuko na lamang ako. She already knew.

"Now that you know and with that legal document that you have, sigurado na ang pagkatalo ni Marga sa bet. She will kill you, Narda. I will lose you after 4 days."

Nag-umpisang pumatak ang luha sa mga mata ko.

"Hey! Stop crying. Walang mangyayaring masama sa akin. Ako ang bahala sa Sarmiento na iyon. You won't lose me. Never, ever." She assured me habang pinapahid ang mga luha ko.

Pinaghahampas ko s'ya. "Ikaw kasi. Ang dami mong alam. Wala ka na bang ibang magawa sa buhay at nakikipagdeal ka nalang kung kani-kanino?"

She chuckled and kiss my forehead.

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon