Nagising ako dahil sa kaluskos na narinig ko mula sa kusina ng condo unit ko.
"Argh! Ang sakit ng ulo ko."
Tiningnan ko ang orasan na nasa bedside table. "Past 6 p.m na pala."
Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ang nangyari kanina.
I started sobbing in my knees as I remember what that Tommy might have done to me and my reputation. He drugged me. Kamuntikan na n'yang makuha ang gusto n'ya mula sa akin.
Pumunta nga ako ng Cebu to regain what i've lost in myself pero hindi yata't may mga taong handang sirain ang sirang-sira ko na ngang pagkatao.
Maya-maya ay nakaamoy ako ng mabango. Hindi yata't may nagluluto sa kusina ko.
"Baka magnanakaw. Nakuha pa talagang magluto sa kusina ko ha?"
Kumuha ako ng pamalo. Isang vase ang napili ko. Masasaktan na ang sinumang mapukpok ko nito at makakatakbo na ako para humingi ng tulong bago pa n'ya ako maabutan.
Bumangon ako at patingkayad na lumabas ng kwarto ko para tingnan kung sinuman 'yong nagluluto sa kusina ko.
Kunot noo kong pinasadahan ng tingin ang nakatalikod na intruder. Busy ito sa kung anumang niluluto nito sa kawali.
As I can see, the intruder is a woman. Bakit bigla nalang pumasok sa bahay ko ang babaeng 'to? Nakasuot ito ng itim na t-shirt at maong na pantalon.
Nagflashback sa memory ko ang suot ng tagapagligtas ko kanina. They have the same built and the same height, I guess.
Parang biglang lumukso ang puso ko ng mapansin ko ang itim na cap sa dining table.
"Ikaw nga. Ikaw nga ang hero ko." Sambit ko sabay lapit sa kinaroroonan n'ya.
"I miss you, Nar-... Gabby?"
Nakangiting mukha ni Gabby ang lumingon sa akin.
'Yong kaninang nararamdaman kong excitement, anticipation at pananabik ay biglang naglaho.
It is replaced with disappointment and a lot of questions like:
Why, you?
Why, not her?
Seriously?
Are you joking me?
How come?
Parang hindi rin matanggap ng puso ko na si Gabby, ang ex ko ang tagapagligtas ko at ang hero ko. I am really disappointed I must say.
"Surprise. I cook you dinner." Nakangiting wika nito.
"Hmmm. Thanks. Why are you here? Paano ka nakapasok dito?" I asked as if I don't want her here.
"Matapos kitang iligtas kanina, 'yan pa ang itatanong mo sa akin?" Malungkot nitong sagot sa akin.
"So... it was really you? Ikaw 'yong nagligtas sa akin from the holdupper? And then ikaw rin 'yong kanina sa photoshoot?"
Binalingan nito ang niluluto bago sumagot. "May ineexpect ka pa bang iba? Yes, ako ang nagligtas sa'yo ng dalawang beses."
Parang nawalan ako ng lakas. Hindi dahil sa nalaman kong si Gabby ang tagapagligtas ko kundi dahil sa disappointed ako kay Narda. I thought si Narda ang gumawa ng lahat ng 'yon for me. I thought si Narda ang sumunod sa akin dito sa Cebu. Umasa akong mahal n'ya talaga ako at kahit hindi ko gustong sumunod s'ya dito, sinundan n'ya pa rin ako. Pero nagkamali ako. Walang Narda Custodio na sumunod sa akin. Oo, ako ang tumalikod and I should not expect her to follow me here. Pero alam ko sa puso ko na I want her here, I need her here.
BINABASA MO ANG
"Servant in a Suit"
FanfictionBlurb Have you ever experienced loving someone? Giving up everything you have, your life, yourself and your identity just to be with her? Trusting that person with everything you have, your mind, body, soul and spirit. In the end, ikaw ang talo. I...