I saw her car entered our garage.
"Surprise, love. I'm home." Ang lapad ng ngiti ko matapos kong gulatin si Regina.
Akala talaga siguro n'ya sa makalawa pa ang uwi ko.
Nagulat nga s'ya pero hindi ito 'yong uri ng gulat na inaasahan ko. Ni hindi ako nito sinalubong ng ngiti at yakap na kagaya ng gusto ko.
Tahimik lang s'yang pumasok ng bahay papunta sa kwarto namin.
"What's wrong, love? Aren't you happy to see me?"
Hindi s'ya sumagot bagkus ay nahiga lang sa kama at nagkumot.
Kunot-noo ko s'yang tinitigan.
"Hmmm. Seems like you've drink too much tonight." Sabi ko nalang sabay kuha ng pajama n'ya sa closet.
I undress her. Hinayaan lang n'ya ako, ni hindi s'ya nagrereklamo, ni hindi n'ya ako tinitease kagaya ng madalas n'yang ginagawa.
"Done." Nakangiti kong baling sa kanya pero heto at poker face pa rin s'ya.
Napabuntong hininga ako at nawala ang ngiti sa labi ko. "May problema ba, Rej?"
Tinabihan ko s'ya sa kama.
"Nothing, Narda." Sabi n'ya pagkaraan ng ilang minuto.
Pilit itong ngumiti pero alam kong peke lang ang nakikita ko.
"Is there anything wrong, Rej?"
Umupo s'ya sa kama and looked at me in the eyes.
"Hmmm. Wala naman. I've realized that i'm not happy with this set up anymore, Narda."
"Huh? What do you mean, Rej?"
"Can you be just one of my flings, Narda?"
Kunot-noo ko s'yang tinitigan.
"What are you talking about, Regina?Maybe you just need rest. Tulog ka na. Lasing ka lang, Rej."
"I'm not, Narda. Hindi ako lasing. Hmmm. Let's say na ang pag-iwan mo sa akin dito for a week made me realize things."
"And what could that be? May palagay talaga akong may mali eh. Bakit hindi mo nalang kasi sabihin sa akin ang problema at ng maayos natin agad ito?"
"Wala namang aayusin, Narda. I told you, we can be flings. Ako pala 'yong uri ng babae na hindi kayang magbago. Konting palipad-hangin lang bumibigay agad ako. Alam mo ba? Nang iniwan mo ako ng 1 week dito? I had been with atleast one woman in one night. Minsan dala-dalawa pa nga eh." Ngumiti ito ng pilya.
"Sinungaling. Jinojoke mo ba ako, Regina? If you are, stop it. Hindi ka nakakatuwa. Ang ayos naman ng pag-uusap natin sa cellphone kaninang umaga ah."
Tumawa ito ng pagak. "But of course, Narda. Playgirls are good with flirting, with handling a lover's emotions. Kapani-paniwala naman, hindi ba? Let us say na you are one of my favorite flavors. Maganda ka, sobrang yaman pa."
"Iyon naman pala eh. Favorite mo naman pala ako. Bakit hindi ka nalang magfocus sa akin? Bakit hindi mo nalang ako seryosohin?"
Ngumiti ito and hold my cheek.
"Dahil ang iisang lasa ay nakakasawa rin kalaunan. And i'm the type of a girl na mabilis magsawa. Lalo na kapag boring ang isang babae."
Nagsisimula ng mag-init ang ulo ko sa naririnig ko mula sa kanya. I'm trying to keep my cool kanina pa pero heto't mukhang nauubusan na talaga ako ng pasensya.
"Hey! You're turning red. Galit ka na n'yan? I'm just trying to tell you a fact here. Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi ako masaya sa pagdating mo? You ruined my plan for tonight. Supposedly ay may kukunin lang ako dito at aalis ako ulit. I'm going out with a girl I met at the bar tonight."
BINABASA MO ANG
"Servant in a Suit"
FanfictionBlurb Have you ever experienced loving someone? Giving up everything you have, your life, yourself and your identity just to be with her? Trusting that person with everything you have, your mind, body, soul and spirit. In the end, ikaw ang talo. I...