Chapter 39: Samantha's wishful thinking

360 16 21
                                    

"Kakayanin ko bang maging si Narda Custodio?" Naisa-isip ko habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Atty. Custodio.

Kagaya nga ng sinabi ko sa kanya kaya kong magpanggap na dada ni Naya. Ang bait naman kasi ng bata at ang gaan ng loob ko sa kanya. Kagabi lang kami nagkakilala pero feeling ko matagal na kaming may ugnayan ng bata. Bukod kasi sa kapatid ni Leah na si Lendy wala nang bata ang nakakuha ng loob ko. Medyo matagal pa nga bago kami naging close ni Lendy pero si Naya? Agad-agad nahulog ang loob ko sa bata.

At ang maging asawa ni Atty.? Hindi na masama. Alam kong kakayanin ko sapagkat una palang... sa nayon palang, gusto ko na s'ya. Ang ganda niya naman kasi. At wala kang masasabi sa kabaitan. Kahit pa sabihing hindi pa naman kami matagal na nagkakakilala pero alam ko at ramdam kong mabuting tao s'ya. At kagaya ng sinabi ni Naya, ang sexy n'ya.

Tinitigan ko sim'ya. Kung hindi ko nga lang alam na anak nito si Naya, mapagkakamalan ko s'yang dalaga pa. Ang ganda ng hubog ng katawan na animo'y isang modelo na nakikita sa mga sikat na magazine na minsan ko ring nababasa. Hindi ko mapigilan ang sarili kong humanga sa kanya.

Kaso hindi lang 'yon. Ang amo ng mukha n'ya na parang hinihipnotismo ako kapag tinititigan ko. Pinipigilan ko na nga lang ang sariling kong tumingin at baka mahalata n'yang napapatulala ako sa kagandahan n'ya.

"Ano ba ang dapat kong gawin para maging si Narda, Atty.?" Tanong ko sa kanya.

Tinitigan ako nito na wari'y sinusuri.

"Hmmm. First of all, call me 'wifey'." Nakangiti nitong sagot.

"Wifey? Bakit?" Kunot-noo kong tanong.

Tumingin muna ito kay Naya na naglalaro pa rin sa pool.

"Wifey kasi ang tawag ni Narda sa akin. 'Bubby' naman ang tawag ko sa kanya, kasi baby ko s'ya na hubby ko rin." Medyo namula s'ya sa huling sinabi n'ya.

Ang sweet din pala ni Atty. sa asawa n'ya. Hay! Sana ako nalang nga talaga si Narda.

"At huwag na huwag kang magkakamaling tawagin akong Atty. Okay na Regina or Rej kung minsan."

Napatango-tango naman ako.

"Okay, wifey." Sagot ko.

Napatitig agad ito sa akin. Ako man ay nagtaka kung bakit ang dali lang para sa aking tawagin s'ya ng gano'n.

"Good. Ang bilis mo palang matuto. Mamaya ipapagupit natin 'yang medyo mahaba mong buhok. Ipapafacial din kita at ibibili ng mga damit."

"Fa... facial? Gupit?" Parang gusto ko yatang umatras.

Sanay na kasi ako sa ganito kong itsura. Iyong rugged lang. Gustong-gusto ko itong mahaba at may green na highlights kong buhok na pinoponytail ko lang.

"Medyo cool but strict looking kasi si Narda at hindi rugged at hottie na playgirl ang datingan na kagaya sa'yo."

Natawa naman ako sa hottie na playgirl. Ni wala pa nga akong babaeng nilalapitan bukod kay Leah na lagi kong kasa-kasama. Ang totoo hinahanap ko pa ang babaeng makakapagpatibok ng puso ko, ang babaeng makakapagpatigil sa ikot ng mundo ko. Isang kagaya ni Regina.

Hala? Bakit si Atty. agad ang naisip ko?

"Sige na nga. Basta huwag lang kalbo ha?"

Natawa naman ito sabay tayo.

"Ayoko ng asawang kalbo no. From now on tatawagin na kitang Narda ha? Don't get me wrong. Kailangan ko lang din masanay at ng walang makahalata na hindi ikaw s'ya." Sabi nito habang nakatalikod paharap kay Naya.

Nakakatakam ang backside n'ya. Parang bigla akong nag-init ng mapadako ang mata ko sa dakong puwetan n'ya. Nakakapaglaway.

Haist! Ewan ko ba kung bakit ganito nalang ang reaction ng katawan ko sa kanya.

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon