Chapter 19: Fuckening shit!

458 13 15
                                    

Warning: This chapter has sexual harrassment in it. Skip if uncomfortable or uninterested.

[Third Person's POV]

Tinalunton ni Regina ang lugar kung saan naroroon ang bahay ni Tommy Guzman.

It's a place 2 barangays away from the condominium where she's staying.

Sumakay s'ya ng taxi hanggang sa ibaba s'ya nito sa isang iskinita na sabi ng driver ay hindi na kalayuan sa bahay na kanyang pakay. Hindi na kasi makakapasok ang taxi nito sa kitid ng daan papasok sa iskinita.

Naisipan n'ya sanang umatras sapagkat hindi naging kaaya-aya sa kanyang paningin ang nasabing lugar.

Isa itong squatter's area malapit sa sementeryo. Nakakatakot kung titingnan.

Mabuti na lang at umaga s'yang pinapunta ng Tommy na 'yon at hindi sa gabi dahil siguradong aatras s'ya kapag nagkataon.

"Haist! Bakit pa kasi ako pumayag sa gusto ng lalaking iyon?" Tanong ni Regina sa sarili habang naglalakad at palinga-linga sa paligid.

Naiilang na s'ya sapagkat maraming mga mata ang nakasunod sa kanya habang naglalakad sa makipot na iskinita. Mata ng mga naliligo at nag-iigib sa poso, mga tambay na nag- iinom sa tindahang nadaanan n'ya.

"Tommy, Tommy, Tommy. Sana hindi ako mapahamak sa pagpunta sa bahay mo." Bulong n'ya sa sarili habang nagmamadaling naglalakad hawak ang card na bigay ng lalaki.

"Sana naniwala na lang ako doon sa misteryosong caller at kinansela na lang itong photoshoot ko with Tommy." Sisi n'ya pa sa sarili.

"Pero heto na 'to. I need to stand by my decision."

Nakahinga ng maluwag si Regina ng mamataan nito ang eksaktong address na kinaroroonan ng bahay ni Tommy.

Hindi kagaya ng mga nadaanan n'ya, ang bahay na sinasabi ni Tommy na sa kanya ay maayos at halatang medyo nakakaangat sa buhay ang may-ari sa laki at porma.

"I wonder why dito n'ya naisipang itayo ang bahay n'ya malapit sa squatter's area? It's kinda weird." Sabi ni Regina sa sarili habang nililbot ang paningin sa paligid.

Medyo may kalakihan ang bungalow type na bahay sa gitna ng maluwang na solar na pinaliligiran ng may kataasang bakod na s'yang nagsisilbing harang mula sa mga maliliit na kabahayan sa paligid.

Nagdoorbell si Regina at hindi nagtagal ay binuksan ng nakangiting si Tommy ang pintuan.

"Pasok ka, Miss Regina. Sana po tumawag ka para sana nasundo kita sa may labasan." Sabi ni Tommy habang isinasarado ang gate at inalalayan si Regina na makapasok sa bahay nito.

"Its okay, Tommy. I had fun walking on that iskinita papunta dito sa bahay mo. Your place is kinda interesting."

"Nakakagulat ba na may ganitong bahay sa squatters area, Miss Regina? Have a seat."

"Sort of, Tommy. Thanks."
Inilibot ni Regina ang mata sa kabuuan ng sala.

"All in all napangatawanan naman ng loob nito ang ganda ng panlabas na anyo ng bahay." Sabi ni Regina sa sarili.

Tommy's house is a bungalow type from the outside but it looks like a studio type condo unit on the inside. Sala ang bubungad sa'yo pagpasok mo sa bahay. Katabi ng sala ay ang shooting area dahil nakalagay dito ang mga gamit nito para sa photoshoot. It has a single bedroom on the far right side and a kitchen and sink on the left.

"Maganda ang bahay mo ah. Malinis ka rin sa bahay, I must say. Hindi magulo. Do you live alone?" Tanong ni Regina kay Tommy.

"Huwag ka ng magtaka kung bakit dito ko naisipang magtayo ng bahay, Miss Regina. Nakita n'yo naman siguro na nasa malapit lang ang sementeryo. My parents were buried there kaya nagtayo ako ng bahay malapit sa kanila. Mag-isa nalang ako sa buhay kaya yes, I live alone. Minsan dumadalaw ang mga friends ko dito o ako ang pumupunta sa place nila. Madalas din ako sa mga tourist spots dito para kumuha ng litrato." Sagot ni Tommy kay Regina habang nagtitimpla ng juice sa kusina.

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon