"Gusto lang naman kitang tulungang magbago, Rej." Lakad takbo na nga ang ginawa ko pabalik sa kotse pero naabutan pa rin n'ya ako.
Ang kulit talaga ng babaeng 'to. Kamuntikan na ngang mabangga ng truck pero heto at kung ano-ano pa ang iniisip at sinasabi.
"Pwede ba, Narda, lubayan mo muna ako sa kakulitan mong 'yan kahit ngayong gabi lang? Oo na nga, 'di ba? Hahayaan na kitang tulungan akong magbago. Pero please lang naman, stay at a distance." Sigaw ko dito ng makalayo na ako ng konti.
Ang layo naman kasi ng binagsakan ng kotse n'ya pero mas mabuti na 'yon atleast sa damuhan s'ya napadpad at hindi s'ya nabangga sa mga naglalakihang punong kahoy na nandito rin. Konsyensya ko pa sakaling nasaktan s'ya.
"Why do I have to keep my distance? Escort mo kaya ako. Normal lang na nasa tabi mo ako palagi." Tss! Ang kulit talaga.
Nakahinga ako ng maluwag ng makasakay na ako sa kotse pero napataas ang kilay ko ng pumasok s'ya at umupo sa passenger seat.
"Oh. Why are you here? Bakit ka pumasok dito? Hindi mo manlang ba aalamin kung ano ang sira ng sasakyan mo? Lumabas ka nga. Bumalik ka na doon." Pagtataboy ko pa sa kanya.
"Eh paano kung ayoko? Mamaya iwanan mo pa ako dito. Hindi ko alam kung gagana pa 'yong kotse ko kasi tumagas na iyong gasolina kanina. Wala pa namang dumadaang taxi sa mga oras na 'to." Umupo ito ng maayos sa passenger's seat at nagseatbelt pa. Pumikit ito at akmang matutulog na.
Aba naman. Ang kapal din ng babaeng 'to eh.
"Ano nga ba kita, Narda?" Tanong ko dito.
"Hmmm?" Dumilat ito at tumitig sa akin. Nginisihan ako nito na wari'y nanunudyo. Mabilis ko namang ibinaling sa ibang direksyon ang paningin ko sapagkat nakoconscious ako sa mga titig n'ya.
"I'm asking you. Ano ba kita, Narda Custodio?"
"Oh, bakit hindi ka makatingin sa akin? May dumi ba ako sa mukha, Rej?"
"Why do I have to look at you? Just answer my question."
Tumawa ito at nagulat ako when she hold my shoulders at ibinaling ako sa dako n'ya. She hold my chin and look at me straight in the eyes.
"I'm just your escort. Iyon ang gusto mong sabihin ko hindi ba, Rej? I am... but just in papers. Ayon 'yan sa pinirmahan kong kontrata sa tatay mo. Pero ngayon? Hindi lang pagiging escort ang gusto kong papel sa buhay mo, Regina. I want to have you... I want you for myself. And besides, my work for your dad is just to be your escort. Wala akong pinirmahan na kontrata na ipapaubaya kita sa kung kanino mang pontio pilato. Hmmm... To think of it hindi din naman naisaad doon kung sino ang papakasalan mo. Basta gusto lang ng tatay mo na maging karapat-dapat, sinuman ang babaeng 'yon. Hindi naman siguro masamang hangarin na ako na sana ang babaeng iyon, 'di ba?"
Dapat na ba akong kiligin sa sinabi n'ya? Sa totoo lang, simula ng dumating s'ya sa buhay ko nawindang na ang puso ko... kahit noong hindi ko pa s'ya escort. Mas ginugusto ko na lang na iwasan s'ya kaysa maipagkanulo ko ang sarili kong damdamin.
Oo. Yes. Aaminin ko na... i'm starting to fall for her but I will never tell her that.
Mas gugustuhin ko pang itago ito forever kaysa aminin sa kanya and in the end masasaktan lang ulit ako... kasi baka lokohin n'ya lang din ako.
"Ano'ng pumipigil sa'yo, Rej?"
"Saan? Linawin mo nga ang tanong mo, Narda."
"Hmmm. Alam ko this is kinda assuming from my side pero nakakahalata na kasi ako, Regina. 'Yan din ang reason kung bakit kinukulit kita. I know you're starting to have feelings for me."
Natahimik ako. Nasa isip ko lang kanina eh. Inaccept ko na nga na nagkakafeelings ako for her pero mind reader yata ang babaeng 'to. Mukhang nabasa n'ya ang nasa isip ko.
Kung ibang babae siguro ang nagsabi n'on matatawa na ako pero totoo kasi ang sinabi n'ya eh.
I remained calm, ayoko ng tumakbo. Nakakapagod na. I took a deep breath bago magsalita.
"Ang conceited mo, alam mo ba 'yon? Let me tell you something, Narda." Tumingin ako sa labas bago magsalita.
"I've been in a lot of relationships, Narda. Lahat ng babae para sa akin pare-pareho nalang. 'Yon bang sa una ifaflatter ka sa mga bulaklakin nilang salita pati na sa mga pangako nila. They will impress you with what they have. As for my case, naging vocal ako sa mga rules ko. Kung may pumatol eh 'di go. Ayoko talaga kasi ng seryosong relasyon. Hindi pa ako handa. Hmmm, maybe I will never be ready. Natatakot na kasi akong masaktan ulit."
Ewan ko ba kung bakit sinasabi ko sa kanya ito. Maybe she deserve this talk. Para hindi na rin s'ya umasa pa kasi wala naman siyang mapapala.
"Have you moved on, Rej?" Kunot-noo ko s'yang binalingan.
"Hmmm. By the look of it, hindi pa."
"Why did you say so?"
"If you did, hindi ganyan ang magiging way of thinking mo, Regina. Kung nakamove-on ka na hindi ka matatakot magmahal ulit, hindi ka matatakot magtiwala ulit. You're still dwelling in the past. Kesyo baka magaya kami o ako sa ex mo na nanakit sa'yo. Takot ka pa rin, Rej. Iyon ang una mong dapat iovercome. Try mong magtiwala ulit."
Hindi ko inaasahan ang pagtulo ng luha ko. Ewan ko kung bakit. Nakikita ko kasi sa anag-anag ko ang mukha ni Gabby. Nasusuklam pa rin ako sa kanya magpahanggang ngayon.
"Those tears. Ipinapahiwatig na sobra ka n'yang nasaktan noon. Pero alam mo ba? She's still hurting you. Hindi mo lang narerealize pero ang bawat patak ng luha na 'yan simbolizes na magpahanggang ngayon may puwang pa rin s'ya sa puso mo."
"Nar... Narda?"
"Yes, Rej. Meron pa. Maybe she still owns your heart without you realizing it."
"Kung sakaling tama ka nga, Narda. Paano ako makakamove on? Paano ko s'ya tatanggalin sa puso ko? I don't know what to do." Humahagulgol na ako ng iyak.
Sino ba kasi ang Narda Custodio na 'to? Kahit mga kaibigan ko never ako nakitang umiyak after my break up with Gabby. Never did I show anyone my weakness. Pero s'ya? She never insisted anything. She just told me the truth and i'm crying like this.
"I'm happy that you asked." Sabi nito at niyakap ako.
Lalo akong napaluha sa mga bisig n'ya. I don't feel anything but comfort. Iyong puso kong sinubukan kong patigasin sa loob ng mahigit isang taon, sa isang yakap lang n'ya, I went soft like jelo.
"Isa lang ang alam kong paraan, Rej." Sabi nito after a long silence.
"What is it?"
"Let me help you. Let me fill that space in your heart that she had. Hayaan mong palitan ko s'ya ng dahan-dahan sa puso mo, Regina. Open your heart for me. Kahit paunti-unti lang. I'm willing to wait kahit gaano pa katagal."
Will I? Can I? Should I?
BINABASA MO ANG
"Servant in a Suit"
FanfictionBlurb Have you ever experienced loving someone? Giving up everything you have, your life, yourself and your identity just to be with her? Trusting that person with everything you have, your mind, body, soul and spirit. In the end, ikaw ang talo. I...