Chapter 15: The storm

488 24 49
                                    

Nagpupuyos sa galit ang puso ko. Halos kaladkarin ko na si Regina palayo sa babaeng 'yon. "Tangina n'ya! Ang kapal din ng mukha!"

"Hey! Love. Relax ka na. Wala na s'ya oh. Ikiss nalang kita." Sabi n'ya ng nasa kwarto na kami.

I look at her smiling face and the moment our eyes met my anger melted.

"Hug na nga lang kita. Ayaw mo yata ng kiss eh. Hindi ka naman sumasagot."

Doon na ako natawa.

I kiss her temple before I plant a soft kiss on her lips and hug her tight.

"You really know how to make me smile and relax, love."

"Of course. I'm good with taming girls." She chuckled.

"Ops! Peace, love. It's just a joke." Natutop nito ang bibig ng marealize nito ang sinabi n'ya.

Imbis na mainis, natawa nalang ako. "Ang naughty mo kasi noon eh. Ayan tuloy, ang dami kong karibal sa'yo."

"So susuko ka na agad?" She ask, pouting.

"Ako? Never! Now that I have you, i'm never letting go, Rej. No matter what happens, i'll stay by your side. Ipagtatanggol kita whatever happens."

"Talaga lang ha?" Panunudyo pa n'ya.

"Wala ka bang tiwala sa biceps na 'to?" Biro ko pa sabay flex.

"Hmmm. Meron bang silbi 'yan? Eh hindi pa nga ako nadadala ng mga bisig na 'yan sa langi..."

"Shhh! Pinag-usapan na natin 'yan, hindi ba? I told you. I love you, Regina. If I give in to your seduction, if I give in to temptation, parang wala na rin akong pinagkaiba sa mga babaeng dumaan sa buhay mo. I respect you, Rej. 'Yon ang hindi nila naibigay sa'yo. 'Yong respect na nararapat sa magagandang babaeng katulad mo. You deserve to be loved and taken cared of, Rej."

"Hmp! Bolera! Pero salamat, love. Ipinaramdam mo sa akin ang kulang. Ipinabatid mo sa akin na hindi lang sex and lust ang mahalaga kundi pagmamahal, pag-aalaga at pag-aalala. Ma-TLC ka kasi na tao. I'm glad I found you, Narda." She hugged me tighter.

"I may not be perfect as the others, kahit meron akong mga konting secrets from you, hmmm... maybe I can tell you that in time. 'Yon bang wala ka ng kawala kasi hulog na hulog ka na sa pagmamahal mo sa 'kin."

"Tss! Ang hangin din eh! Whatever secret that is, tatanggapin ko basta sabihin mo lang. Massage mo na nga lang ako." Nakapout nitong utos.

Hay! Kung alam mo lang ang totoo, Rej. Kung alam mo lang.

Ang hirap rin magtago ng totoong pagkatao. Pakiramdam ko kasi I can't fully love her kasi may limitations, may restrictions. May harang pa at 'yon ay ang sekreto ng totoo kong pagkatao.

Bahala na nga. I'll just be here until that time comes. And when that time comes, hindi ako papayag na hindi s'ya mapasa 'kin ng tuluyan.

_____________

"Good luck, Rej. Break a leg." Nakangiti kong sabi as I tap her shoulder.

Kasalukuyan silang minimake-upan para sa fashion show nila for Diamond Resort and Hotels tonight. Bukas kasi ay nakatakda na kaming bumalik ng Manila. Tapos na ang 2 weeks contract nila with Andy Villaraiz and this fashion show is their final show dito sa Palawan.

Medyo makakahinga na ako ng maluwag kapag nakabalik na kami sa Manila. Malayo na ulit kasi si Gabby sa kanya at mababakuran ko na ng tuluyan si Regina.

"Thanks, love. Gusto kitang makitang pumapalakpak sa audience ha? Ikaw lang naman ang fan ko rito eh." Biro pa n'ya.

"Aba syempre naman. Ako pa ba? I'll make sure na ako ang may pinakamalakas na palakpak mamaya. Makapagpractice nga."

Tumikhim ako. "Go! Regina! Go go, Regina, go! Go, love!" Sigaw ko sabay palakpak.

Natawa s'ya pati ang mga kasama n'yang models.

"Iba din 'yang one person cheering squad mo, Rej." Sabad pa ng isa.

"Sira ka, love! Thank you, love. I appreciate that."

"Basta ikaw, love. Oh, nakakaistorbo na ako rito. Doon na ako sa labas. Magiging photographer mo ako for tonight, love. Pero hindi ikaw ang subject ko ha? Kundi ang mga nakangangang babae sa audience kapag nakita ka nilang rumarampa."

"Bolera ka talaga. Tsupi ka na nga."

Tatawa-tawa akong lumabas ng dressing room at pumwesto sa isa sa mga upuan malapit sa stage. Pero agad akong lumayo at naupo na lang sa isang gilid ng mahagip ng tingin ko si Alejandro Villaraiz, ang tatay ni Andy na s'ya ring may-ari nitong resort at may malaking pagkakautang sa akin.

Mas mabuti ng lumayo at baka marecognize n'ya pa ako. Baka dito palang mabuko na ako ni Regina.

_____________

The event was a success I must say. Iba't ibang summer wear ang isinuot ng mga models. Lahat magaganda. Syempre lalong gumanda ng isinuot ni Regina.

Nagsitayuan at nagpalakpakan ang lahat ng dumalo matapos ang final set.

Akmang magsisialisan na ang ibang bisita ng may magflash sa malaking screen.

Napabalik sa upuan ang lahat ng magplay ang isang video scandal.

"Stop that! Stop that! Damn it!" Sigaw ko ng mapagtanto kong video scandal pala ni Regina kasama ang isang hindi ko kilalang babae ang nagflash sa monitor.

Mas nagulat ako sa sumunod na eksena at napatalon sa ibabaw ng stage. Hinablot kasi ni Andy ang damit na suot ni Regina dahilan para mahubaran ito sa harap ng maraming tao.

Flashes and clicks of cameras can be seen and heard.

"Ano, Gabby? Ito ba ang ipinagmamalaki mo sa akin? S'ya ba ang nararapat para sa'yo? Now tell me matapos mong mapanood ang video scandal ng babaeng iyan! Tell me!" Sigaw ni Andy mula sa ibabaw ng stage.

Agad kong sinaklolohan si Regina. Niyakap ko s'ya at iniharang ko ang katawan ko para hindi na s'ya mapicturan o mavideohan pa ng mga photographers at bystanders saka ko hinarap ang mga tao.

"Kung sino man kayong mga mapanghusga, look at yourself. Hindi rin kayo malinis. Kaya magsitahimik kayo." Bulungan kasi sila ng bulungan na parang mga bubuyog.

Niyakap ko ang umiiyak na si Regina. Halos nanginginig na ang katawan nito at hindi manlang ito nagsasalita.

"Owww! Here comes the superhero! Acting as her girlfriend pero ang totoo? Escort ka lang naman n'ya! Hampaslupa din!" Doon na nag-init ang ulo ko sa sinabi ni Andy.

"Where's Alejandro Villaraiz? Where is he?" Sigaw ko.

Sobrang galit ang nararamdaman ko sa ngayon at wala akong ibang iniisip kundi ang maiganti si Regina.

"Bakit mo hinahanap ang daddy ko? Eh hamak na escort ka lang. Hampas lupang pulubi! Magpaappointment ka kung gusto mo s'yang makausap." Panunuya pa nito.

"Where is Alejandro Villaraiz! Where are you, Alejandro! Magpakita ka! Damn it!"

Agad namang tumayo ang tinawag at umakyat sa rampa.

"Why are you looking for me? Oh my! Narda Custodio. M-ma'am?" Halos manlaki ang mata nito sa gulat.

Siguradong hindi n'ya ineexpect na makita ako rito... ni anino ko.

"Dad? Bakit ma'am ang tawag mo sa kanya? Do you know that escort? Hindi ka na namili ng friends. Nakakahiya ka dad!" Sabad pa nitong si Andy.

"Shut up, Andy! She is Narda Custodio. Sa kanya nakasanla itong resort at mga hotels natin. She is a multi-billionaire!"

"What? This can't be." Gulat na sabi ni Andy.

"Now that you know the truth at dahil sa pamamahiyang ginawa n'yo sa girlfriend ko, i'll give you a week para bayaran ang lahat ng pagkakautang n'yo sa akin. Kung hindi? All of your resorts and hotels will be mine at aalis na kayo ng sapilitan dito!" Walang nakahuma sa tinuran ko kaya tumalikod na ako habang karga-karga ang umiiyak na si Regina.

"Tara na, Rej. Tahan na. Everything will be alright."

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon