"Peste! Peste talaga!" Naibato ko ang hawak kong pandakot.
Naalala ko na naman kasi si Samantha.
Ang hinayupak na 'yon. Matapos naming tulungan, iiwan lang kami ng gano'n gano'n nalang.
"Iyong babae. Iyong Atty. Regina Custodio na bukambibig ng kapatid kong si Lendy. Alam kong s'ya ang dahilan ng paglayo ni Sam sa amin."
Napagkamalan daw n'yang asawa si Samantha dahil kamukha nito si Sam.
"Tangina! Mukhang pera rin ang gaga!"
Alam kong sumama lang s'ya doon sa babae dahil mayaman ito. Kung sabagay dadali naman talaga ang buhay ng hinayupak. Hihilata nalang ito dahil halatang sobrang yaman ng Regina na 'yon.
"Hindi ako papayag na ganoon nalang, Samantha. Ang lagay eh, ikaw lang ang makikinabang? Hindi pwede 'yon." Nagpupuyos talaga sa inis ang damdamin ko.
"Oh, ano'ng nangyayari sa'yo, Leah? Tingnan mo nga 'yang mga basura. Nagkalat na. Akala ko ba naglilinis ka?" Puna ng kakarating lang na si Bogart.
"Naalala ko lang si Samantha." Sabi ko sabay walis ulit ng mga basura para itapon sa siga bago umupo sa papag.
"Kaya nga rin ako naririto. Simula ng umalis 'yong tarantadong Sam na 'yon wala na tayong nadelihensya. Ang hirap kasing lumakad ng tayong tatlo lang nina Peter."
Napaisip ako. Ito na siguro ang tamang panahon para makaganti ako kay Sam.
"Masaya na siguro ang gaga doon sa pinuntahan n'ya. Iyong naikwento ko sa inyo na mayamang babae pumunta dito kasama ang Samantha na 'yon? Jackpot s'ya doon. Kaya nga niya tayo iniwan. Tsaka niloko tayo ng hinayupak. Naalala mo 'yong batang sabi n'ya anak ng katulong? Anak ng babae 'yon."
"Putangina! Hindi nga? Sigurado ka ba, Leah?"
"Oo. Kaya nga sila nagkatagpo ng babaeng 'yon eh. Kasi isinauli ng gaga ang bata sa nanay n'ya."
"Amputa! Siguro s'ya din ang dahilan kung bakit tayo nakulong no? Baka 'yong nanay ng bata ang nagpakulong sa atin."
"Malamang. Pinyansahan lang tayo ng gaga para hindi natin paghinalaan na s'ya ang nagsumbong sa atin sa mga pulis."
"Walanghiya! Gaganti ako, Leah! Gaganti tayo! Hindi ako papayag na maisahan ng Samantha na 'yon. Papatayin ko s'ya, Leah. Papatayin ko s'ya!"
Naghuhuramintado na ang uto-utong Bogart na ito. Ang galing ng natahi kong istorya. Malay ko ba kung totoong anak n'ong babae ang bata o anak talaga ng katulong. At sigurado rin akong hindi si Samantha ang nagpakulong sa amin. Hindi n'ya magagawa 'yon.
Epektibo naman ang gawa-gawa kong kwento dahil nakikita ko ang sobrang galit ni Bogart kay Samantha.
Ito lang ang alam kong paraan para makaganti sa lintik na Samantha na 'yon. Marapat lang sa kanya na mapatay nina Bogart kagaya ng nangyari kay Ynna dahil sa pagliligtas sa kanya.
"Paplanuhin natin ang pagpatay sa tanginang iyon, Leah."
"Makakaasa ka sa tulong ko, Bogart." Nakangisi kong sagot.
[Niel's POV]
"Hindi ako makakapayag na ganituhin lang tayo ng Narda na iyon, Leo!" Sabi ko habang pabalik-balik sa sala ng bahay namin, hawak ang isang kopita ng alak.
"Sinabi ko na naman kasi sa'yo, cous. Mautak ang Regina na 'yon. Who knows? Baka pekeng Narda lang talaga iyong nagpunta sa board meeting kanina."
Napatigil ako sa paglalakad-lakad at napaisip.
"Isipin mo nga, Niel. Iyong binanggit n'ya tungkol sa'yo kanina, alam yata ng buong sambayanan. Kahit janitor at tindera doon sa labas ng C-holdings, binibiro ka sa pambababae mo. Maaaring alam lang ni Regina 'yon. Alam mo, cous, duda talaga ako sa nagpakilalang Narda kanina."
BINABASA MO ANG
"Servant in a Suit"
FanficBlurb Have you ever experienced loving someone? Giving up everything you have, your life, yourself and your identity just to be with her? Trusting that person with everything you have, your mind, body, soul and spirit. In the end, ikaw ang talo. I...