Chapter 16: Walking away

456 15 34
                                    

Inilapag ako ni Narda sa kama namin at kinumutan.

Titig na titig s'ya sa mukha ko at wari'y sising-sisi na 'yon lang ang nagawa n'ya para sa akin.

Pabalik-balik ito ng lakad sa loob ng kwarto. Halatang galit na galit pa rin dahil sa nakakuyom nitong kamao at nagngangalit na bagang.

Maya-maya ay nagdial ito sa cellphone.

"Hello. Please take care of every video scandal with Regina Vanguardia in it. Delete everything over the internet. Pati itong nangyari dito sa Palawan. Even those people who took pictures and videos of what happened here should also be taken cared of. And find the main source of the videos. Pagbabayarin ko ang mga lintik na 'yan!" Halos maglabasan na ang litid nito sa leeg sa sobrang galit.

Maya-maya ay umupo s'ya sa couch sa tapat ko. I just look at her while crying.

I don't know what to say. Ang daming pumapasok sa utak ko pero parang bigla akong napagod. Parang gusto ko nalang magpahinga... magpahinga ng tuluyan. Nakakapagod ng lumaban. Lalo na kapag una palang alam mong talo ka na.

"Hey! Rej. Talk to me please. How are you feeling?" Sabi n'ya at ginagap ang kamay ko.

"Dad will be so angry." Unang salitang lumabas sa bibig ko. Nagsipatakan pa lalo ang luha sa mga mata ko.

"Shhh! No. He will never know. I'm doing everything para hindi na lumaki ang issue na 'to." Sabi n'ya.

"While that video scandal is playing on the screen I can't think of anything but my dad. Ginawa n'ya ang lahat to keep me upright. Pero ito pa ang nangyari. Dahil sa kagagahan ko. Dahil sa katangahan ko sa pag-ibig ako mismo ang nagbibigay ng kahihiyan sa sarili ko. Then I realized, hindi ko lang pala pangalan ang dinadala ko kundi pangalan ng tatay ko. Binigyan ko ng malaking kahihiyan si daddy."

"Everything's going to be alright, Rej. Andito ako para sa'yo." She tried to smile as she look into my eyes. Nakikita ko ang pag-aalala n'ya and I can't think of anything but pity... not for her but for myself.

"Gabby crushed me and my confidence, lalo na ang tiwala ko sa pag-ibig. Now, i've realized na ang pakikipagrelasyon ko sa iba't ibang babae ay hindi lang para makaganti sa kanila. I'd been afraid to be left alone, Narda. That's why i'm searching. I had been searching for the right one. Pero..."

"Pero what, Rej?"

"Hindi ba ako karapat-dapat mahalin, Nards? Kaya n'yo ba ako niloloko at pinaglalaruan? Am I not worthy to be loved? Am I not? Answer me!" Doon na lumambot ang reaction n'ya. Parang maluluha na ewan. I think she is guilty of lying.

"Alam mo namang hirap na akong maibalik ang tiwala ko sa mga babae, Narda. Lying will make everything worse."

"Yeah. I'm guilty of lying. But it's just about my true identity, Rej. I never lied to you about my true feelings. Gusto ko lang naman makapasok sa buhay mo, Regina. I liked you. No. I lo..."

"Stop what you're about to say, Narda. How can you say that word? Sa palagay mo maniniwala pa ako after you lied? Hindi mo ba naisip na I would just take it as a mere joke? Mas iisipin kong nagsisinungaling ka lang because you've already done it."

"But, Rej. I really do love you. Damn it! I had been frustrated about you not giving me a chance to open your heart, to try to make you trust in love again. Wala naman akong ibang hinangad kundi ang mapalapit sa'yo. Ang maturuan kang magmahal ulit."

"For two weeks we enjoyed each others company here. Ni walang araw na hindi ko nafeel ang care mo. Sabi mo pa nga hindi mo ako lolokohin, 'di ba? Sa palagay mo ano ang mararamdaman ko ng nalaman ko na ikaw si Narda Custodio, isang multi- billionaire bachelorette? And I get it now! Ikaw din 'yong babaeng papakasalan ko, hindi ba? Ginamit mo ang sitwasyon para mahulog ang loob ko sa'yo. Pero sorry. Sanay na ako sa sakit. I'm walking away." Sabi ko sabay tayo mula sa kama at nagbihis. Buo na ang pasya kong lumayo.

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon