"Damn it, Regina!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Narda.
"Ba-bakit?" Takang tanong ko.
"Anong bakit? Naririnig mo ba ang sarili mo? Naririnig mo ba ang pinagsasabi mo?" Naniningkit ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Galit yata s'ya.
Sa totoo lang ngayon ko lang nakitang nagalit itong si Narda. She's always calm unlike today.
"Bakit? Ano ba ang sinabi ko?"
"Babalikan mo talaga ang babaeng 'yon? Katangahan na 'yan, Rej! Sabihin na nating totoo ang sinasabi n'ya, sabihin na nating binayaran nga s'ya ng tatay mo para layuan ka, may magbabago ba? You are broken. She broke you! Hindi na mababago na sinira n'ya ang buhay at pagkatao mo!"
Natahimik ako sa sinabi n'ya. She has a point. Pero ano ba kasi itong nararamdaman ko? Akala ko kasi galit nalang ang laman ng puso ko para kay Gabby pero ng makita ko s'ya kanina it's as if I wanted to hug her. Gustong- gusto ko s'yang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Ano? Ano!? The hell! Huwag mo akong idaan sa pananahimik mo, Regina! Paano na 'yong pinangako mo sa akin na susubukan mong magbago? Na susubukan mong magmove on? Kakalimutan mo nalang ba ang lahat ng pinagdaanan mo? Ibabaon mo nalang ba sa limot ang sakit na idinulot n'ya sa'yo? Alam mo ba 'yang gagawin mo, Regina? Katangahan na naman 'yan!"
Napatayo ako sa kama. "Oo, ako na ang tanga, Narda! Oo, ako na ang mahina pagdating kay Gabby! Sa tingin mo? Ginusto ko bang maramdaman 'to? Ginusto ko bang mahalin pa rin s'ya magpahanggang ngayon?" Maski ako ay nagulat sa huling mga salitang lumabas sa bibig ko.
I... I still love Gabby?
"Shit! Shit! Shit!" Sabi nito habang pinagsusuntok ang pader ng kwarto namin.
"Hey! Ano'ng nangyayari sa'yo, Narda? Hoy! Tama na uy, nagdudugo na 'yang kamay mo." Hinila ko ang laylayan ng t-shirt n'ya para tumigil s'ya sa kakasuntok sa pader. Kawawa tuloy 'yong kamay n'ya.
Ano bang nangyayari sa babaeng 'to? Bakit bigla nalang nagwala?
"Hay! Sorry." Sabi nito pagkaraan ng ilang minutong katahimikan. Alam kong pinipilit n'yang pakalmahin ang sarili n'ya.
"Bakit ka ba kasi nagwawala diyan? Pinag-uusapan lang natin si Gabby ah."
Hindi ito sumagot. Naupo s'ya sa sofa malapit sa kama at isinabunot ang mga kamay sa ulo n'ya. Tumutulo pa ang dugo sa kamay n'ya.
"Nar..."
"Don't! Don't speak, Rej. Buhay mo 'yan. Do whatever you want. Lalabas lang muna ako." Walang lingon-likod na tumayo ito at lumabas ng kwarto.
Tinitigan ko na lang ang pintuang nilabasan n'ya.
I can't think of anything except thinking about Gabby at this moment. Alam kong kaya ni Narda anuman ang nararamdaman n'ya sa ngayon.
"Aayusin ko na nga lang ang mga gamit namin ni Narda. Mamaya na ako magsosorry pagbalik n'ya."
That's where I realize na iisa lang pala ang kwarto namin. Iisa lang din ang kama kung kaya't tabi pala kaming matutulog.
Ipinagkibit-balikat ko na lang ang isiping 'yon. Wala namang masama at saka sanay naman akong may kasamang babae sa kama.
Maya-maya ay nakarinig ako ng katok sa pintuan.
"Bumalik yata s'ya. Sana hindi na mainit ang ulo n'ya." Naisa-isip ko.
Napaatras ako ng hindi si Narda ang bumungad sa harapan ng pintuan kundi si Gabby.
"Hi. Sorry kung naistorbo kita. Nakita ko kasi 'yong girlfriend mo na lumabas kaya nagbakasakali akong makausap ka ng tayong dalawa lang." Nakangiting bungad nito.
"May dapat pa ba tayong pag-usapan, Gab?"
"Meron. It's between the two of us. Pwede ba akong pumasok?"
"Okay. Sige. Pasok ka." Wala naman yatang masama kung papasukin ko s'ya. Mas mahirap na sa labas kami mag-usap at baka ano pa ang sabihin ng girlfriend n'ya.
"I miss you, Rej." Bigla ako nitong hinablot by the hips and kiss me torridly on the lips.
I tried to resist for a second but then I responded after a while.
Her lips taste like how it used to back then. Soft and sweet.
"Hmmmm..." Ungol nito as she deepen the kiss. Her hands are now carressing every part of my body.
Natigilan ako. My mind is on topsy- turvy right now. I should feel heated as she continue kissing me. I should feel arroused by now. I should have dived with her on the bed pero hindi. Wala akong nararamdam except... guilt.
Why guilt?
Hindi ba dapat maramdaman ko na ang sinasabi kong longing para kay Gabby? That feeling just like before. 'Yong mahalikan n'ya lang ako, I go loca. 'Yong mahawakan n'ya lang ako, nawawala na ako sa katinuan.
But why not now? It feels like i'm kissing one of my flings. Like... they can satisfy my bodily need yet merong kulang.I realize that there was no longing and love anymore. It feels nothing but normal. It doesn't feel like Narda's kiss.
"Narda's kiss? Narda's kiss! Yes, Narda's magical kiss..." Paulit-ulit ito sa utak ko hanggang sa naitulak ko na si Gabby.
Guilty ba ako? Bakit pakiramdam ko niloloko ko at sinasaktan si Narda? Wala namang kami ah.
Naniningkit ang mata nitong nakatitig sa akin. "Why?"
"Ano'ng why? You're taking advantage of me! You shouldn't have done that. Paano kung makita tayo ng girlfriend ko?"
"Wala akong pakialam! As i've told you, babawiin kita. Ipaglalaban na kita kahit sa tatay mo."
Nailing na lang ako. "No! Don't waste your time, Gabby. Wala ka ng ipaglalaban pa. Dapat ko palang ipagpasalamat na nagkita tayo dito. I've now realized na wala na akong feelings sa'yo. Dapat pala wala na akong maramdamang emosyon patungkol sa'yo. Kahit pala galit hindi na dapat."
"Rej, listen. Kung inaalala mong may girlfriend ako kaya umaayaw ka sa 'kin, don't think about it. Hihiwalayan ko si Andy just for you."
"Hmmm. Tama na, Gab. Lalo mo lang ipinapabatid sa akin na wala ka talagang kwentang tao. You'll drop someone agad-agad para lang makuha ang gusto mo. Magagawa mo rin ulit sa akin 'yan kung ganoon. Umalis ka na. Wala ka ng aasahan pa sa akin, Gabrielle. Kanina I was thinking na tatawagan ko si daddy to confirm sana what you've told me pero hindi nalang. Wala na rin palang kwenta. Tama si Narda. If ever totoo man 'yong sinabi mo, hindi pa rin maikakaila na sobra mo akong sinaktan. Tiwala ko ang nasira mo, Gab. Iyon pala ang hindi ko na kaya pang ibalik para sa'yo. I'm over you, Gabby. Tapos na ang pagpapakatanga ko sa'yo."
Natahimik ito at nakatitig lang sa akin.
"Si Narda pala ang bumibilog sa ulo mo ha? Sige. Aalis na ako. But think again kung iniisip mong lulubayan na kita. Never, Rej. Not until mabawi kita ng tuluyan." Huling sinabi nito bago lumabas ng kwarto ko.
Napaupo na lang ako sa kama.
Realization strikes me. My actions... My thoughts... they are telling me that I'm inlove with Narda Custodio. I'm inlove with my escort.
What now? What will I do. Akala ko pa naman sa pagkakadulas ko kanina kay Narda, ng sinabi kong mahal ko pa rin si Gab, akala ko 'yon na ang totoo. Hindi pala. It was just a slip of the tongue and nothing more. Maybe dala lang ng emotion ko kanina. Wala na palang katotohanan 'yon.
Was it a part of my defense mechanism? Hindi ko lang ba maamin sa sarili kong napalitan na ni Narda si Gab sa puso ko?
"Kailangang makasiguro ako sa totoong nararamdaman ko kay Narda. Mahirap ng magkamali. There's only one way to find out."
BINABASA MO ANG
"Servant in a Suit"
FanfictionBlurb Have you ever experienced loving someone? Giving up everything you have, your life, yourself and your identity just to be with her? Trusting that person with everything you have, your mind, body, soul and spirit. In the end, ikaw ang talo. I...