Kakatapos ko lang maligo ng marinig kong tumunog ang cellphone ko sa bedside table. I pushed the answer button.
I rolled my eyes. Si dad na naman ang tumatawag kaya as usual, naupo lang ako sa kama para pakinggan s'ya. I haven't spoken a word to him before and I don't have any plans now or in the future. Hindi sa ayaw ko s'yang makausap. It's just that I don't want to argue with him.
"Regina, anak. I heard about what this girl Julia is doing to you. S'ya 'yong lesbian umaali-aligid sa'yo since you broke up with her, hindi ba?" He stopped. He was waiting for me to answer but unfortunately, I don't have any intention of responding. "Natatakot na ako para sa kaligtasan mo. Hindi yata't naging obsessed stalker mo na s'ya." He continued.
Tsk. Nakalimutan ko, hindi lang si Narda Custodio ang nakasubaybay sa buhay ko ngayon kundi pati ang tatay ko. We may not be talking with each other pero since I started to live independently, my father had his ways of keeping an eye on me.
Mag-isa lang ako sa bahay at sa buhay pero feeling ko lang 'yon. Alam kong pinapasundan ako ng tatay ko sa araw-araw. Kaya nga minsan mas sinasadya kong dumikit sa mga babae o sa barkada para makipagtawanan kapag nakikita ko ang mga umaaligid sa akin.
Hindi sa gusto ko lang inisin ang tatay ko kundi gusto kong malaman n'yang masaya na ako sa buhay na pinili ko at hindi na ako babalik sa bahay n'ya. Ayoko na silang idamay ni mommy sa anumang kagagahan at katangahang pinaggagawa ko sa buhay.
Curse me if you want pero this is what I think and hold on to. Kung anumang problema ang meron ako, gusto kong ako na mismo ang umayos without his help. It's not just about pride. It's far beyond that. Alam ko namang i'm old enough to handle my own problems. I'm not a daddy's girl anymore. I'm a grown up now so I have to stand up for myself.
"Hay! Ganito nalang ba lagi, Rej? Wala ka man lang bang sasabihin? Nag-aalala na kami ng mommy mo sa'yo. Umuwi ka na sa bahay. Ako na ang nagmamakaawa, Regina."
The following scene has become cliché tuwing nag-uusap kami ni dad. Doon na pumatak ang luha ko. There's not a single moment na kausap ko si dad sa phone na hindi bumuhos ang luha sa mga mata ko. Why? Maybe it's the guilt feeling sa lahat ng kasalanan ko sa kanya. Maybe it's the anger sa walang humpay nitong pagcontrol sa buhay ko. Maybe... just maybe, I miss them, I miss mom and dad so much.
Gusto ko siyang sagutin ng... "Wala akong mukhang maihaharap sa inyo ni mom, dad. Wala na." Ngunit wala pa rin ni isang salita ang lumalabas sa bibig ko. Gusto ko ring sabihing i'm sorry pero wala. Pagluha lang ang kaya kong gawin.
"Hay." Bumuntong hininga ito ulit. "Sorry to do this, Rej, but I need to. I want you to know that there's this young bachelorette, a successful businesswoman of a multi- development company na gustong magpakasal sa'yo."
Say what?!! Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Napatayo ako sa gulat. This can't be true! Who in her right mind would want to marry me? Besides, why does she want to marry me, eh hindi nga n'ya ako kilala at hindi ko naman din s'ya kilala. Baliw na ata 'yong babaeng sinasabi ni dad.
Without me saying anything. "And yes. Pumayag ako sa alok niya. I decided na ipakasal ka sa kanya."
"What the..." Hindi ko napigilang maibulalas. Hindi yata't hindi kami nagkakaintindihan ng daddy ko.
Simula ng umalis ako sa bahay niya, I assumed my freedom. Hindi lang sa mga ginagawa ko at sa mga lakad kundi pati na rin sa mga desisyon ko para sa sarili ko, lalo na sa buhay ko. Why now? Akala ko naiintindihan na n'ya? Akala ko clear na sa kanya na kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa lalo na noong nadapa ako.
"Stop when you're about to curse, Regina! Ito lang pala ang makakapagpasalita sa'yo. I want your happiness more than anything else, anak. Gusto kong makita kang ikasal sa taong nararapat para sa'yo. Sa taong kayang ibigay ang buhay na dapat at pinagsisikapan ko ring maibigay sa'yo. This bachelorette can give you everything, Rej. She talked to me about her pure intentions to you. She loves you, anak." Paliwanag sa akin ni dad pero my mind is already in limbo.
BINABASA MO ANG
"Servant in a Suit"
FanfictionBlurb Have you ever experienced loving someone? Giving up everything you have, your life, yourself and your identity just to be with her? Trusting that person with everything you have, your mind, body, soul and spirit. In the end, ikaw ang talo. I...