Naikuyom ko ang kamao ko habang nakatanaw kay Regina at sa girlfriend nito na masayang naghahabulan at nagbabasaan ng tubig sa dalampasigan.
Hindi ko na talaga sila matiis makitang ganito. Sobrang nginangatngat na ako ng selos pero kailangan kong magtimpi.
I realized na hindi ko makukuhang muli si Regina ng biglaan. Kailangan kong dahan-dahanin ang lahat. Kailangan kong makuha ang loob nito ng hindi nagmumukhang epal.
My phone rang... Ang imbestigador pala na inutusan ko ang tumatawag.
"Hello."
"Hello, ma'am Gabby. May result na po ang pag-iimbestiga ko tungkol kay Narda Custodio at Regina Vanguardia." Sabi nito sa kabilang linya.
"Good. Pakibasa nalang. Wala pa akong time na pumunta d'yan sa opisina ninyo." Sabi ko habang patuloy na nakatanaw sa dalawa.
"Ayon sa impormasyong nakalap ko, si Narda Custodio ay ang kinuhang escort ng tatay ni Regina para magbantay at magpatino sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Regina ito ay ang may- ari..."
"Thanks for the information, Sam. That's enough for now. Nakuha ko na pinakaimportanteng detalye na dapat kong malaman. Salamat. Pupuntahan nalang kita diyan." Nakangisi kong pinutol ang mga sasabihin pa ng imbestigador bago ko pinatay ang cellphone.
"Escort pala ha? Escort ka lang naman pala Custodio. Meaning nito pinagseselos lang ako ni Regina. Ako pa rin ang mahal n'ya magpahanggang ngayon. Now I have enough reasons para mabawi ka, Regina. Hindi ko na pala kailangang magdahan-dahan. You are still mine."
______________
"Rej..." Tawag ko dito. Mabuti at natanawan kong saglit itong iniwan ni Narda sa ilalim ng puno ng niyog para siguro bumili ng maiinom.
Nilingon naman n'ya ako. "Oh! Bakit, Gabby? Ano na naman ang kailangan mo?" Tumayo ito at nag-umpisang maglakad pabalik ng hotel.
"Pwede ba tayong mag-usap? Sige na naman, Rej, oh. Kahit sandali lang." Pagmamakaawa ko pa.
"Para saan pa? Ano pa ba ang pag- uusapan natin? Matagal na tayong tapos, Gabby. Hindi na nga kita dapat kinakausap pa eh." Patuloy lang ito sa paglalakad.
I grab her by the hips and hug her from the back.
"Bumalik ka na naman na sa akin, Rej, oh? Please naman. Akala ko tama ang naging decision ko noon. Akala ko tamang sumunod ako sa kagustuhan ng tatay mo. Hindi pala. Hindi ako naging masaya, Rej. You were my happiness. No. You are still my happiness, Regina."
Bumuntong-hininga ito bago nagsalita. "Hindi mo ba nakikita, Gabby? Masaya na ako kay Narda. Nakahanap na ako ng taong deserving sa pagmamahal ko. She promised me na aalagaan n'ya ako at poprotektahan kagaya ng pinangako mo noon sa akin... 'yong pangakong hindi mo natupad. I trust Narda na hindi n'ya ako iiwan kagaya ng ginawa mo. Sinira mo na ako dati. Hindi ko na hahayaang masira mo pa ulit ang pagkatao ko ngayon."
"Sigurado kang masaya ka? Alam kong hindi totoo 'yang nakikita ko. Ang araw-araw na kasweetan n'yo? 'Yong pag p-PDA n'yo na kunwari ay mahal n'yo ang isa't isa? Iyang ipinapakita ninyong pekeng pag-enjoy sa company ng isa't isa habang nililibot ang mga tourist spots dito sa Palawan after the shoots? Hindi mo ako maloloko, Rej. Alam kong alam mo na sinusundan ko kayo. Alam kong pinagseselos mo lang ako. Ayaw mo lang aminin na magpahanggang ngayon ako pa rin ang mahal mo."
Hinarap ako nito at nakapameywang na nagsalita.
"Ang kapal mo rin eh. Sinabi ko na sa'yo, hindi ba? Wala na akong feelings sa'yo at totoo 'yon. Nakamove-on na ako sa'yo, Gabby. Maybe, ang pagkikita nating ito ay nakatadhana talagang mangyari. Siguro way na rin 'to ng tadhana para ipaalam sa akin na oras na para magmove-on. Sa totoo lang, dahil sa paghalik mo sa akin kahapon doon ko napagtanto ang lahat. Doon ko nalamang wala na ni katiting na feelings ang natitira sa puso ko para sa'yo. Wala na, Gabby. I'm really over you."
"Huwag mo akong lokohin, Regina! Alam ko at nararamdaman kong nagsisinungaling ka. Isa pa, nalaman ko rin na escort mo lang 'yang si Narda Custodio, hindi ba? Hindi ba escort mo lang s'ya? Alam mo ba ang ginagawa mo? Ginagamit mo lang s'ya, Regina. Ginagawa mo s'yang panakip-butas para pagtakpan ang totoong nararamdaman mo sa akin."
"Papaano mong nalaman na escort ko lang si Narda?"
"I have my sources."
Nagkibit-balikat lang ito.
"Magkaganoon man wala pa rin namang mababago, Gabby. Mahal ko na si Narda. S'ya na ang laman ng puso ko ngayon."
"Sinungaling ka, Regina! Huwag ka nang magkaila. Ako pa rin ang laman ng puso mo magpahanggang ngayon at hindi s'ya. Aminin mo na, Rej! Aminin mo na!" Hinawakan ko s'ya sa balikat and tried to kiss her.
Nagulat na lang ako ng may humila at tumulak sa akin mula sa kung saan. Napasubsob ako sa buhanginan.
"Stay away from her, Garcia! Sinabi na n'ya, hindi ba? Hindi ka na n'ya mahal! Oo tama ka, escort n'ya lang ako. Noon 'yon. Ngayon kami na. She's my girlfriend now. Akin na s'ya. Hinding- hindi na kailanman magiging sa'yo, Gabby. Tara na, Rej."
Tinanaw ko na lamang silang papalayo habang pinapagpag ang nadumihan kong damit.
"Kita mo na, Gabby? Ano ngayon ang napala mo sa babaeng 'yon? Wala, 'di ba? Tanggapin mo nalang. Hindi na s'ya kailanman babalik pa sa'yo."
Nalingunan ko ang nakahalukipkip na si Andy. Isa pa 'tong bwisit sa buhay ko.
"Wala ka ng pakialaman doon, Andy! I told you, break na tayo! I'm staying at your hotel as a guest na lang kaya kung pwede don't meddle with my business. Mind your own."
"Huwag ka nga'ng magpakatanga sa kanya! Hindi nararapat sa'yo ang babaeng 'yon. Hindi na s'ya nababagay sa'yo. Sa 'kin ka nalang ulit, Gabby."
"Hindi na, Andy. I will never be yours. Never again."
"Here. Take this invitation. Para 'yan sa fashion show bukas. Pumunta ka. Doon ko papatunayan sa'yo na that Regina Vanguardia is nothing but trash! Hindi na kayo nababagay, Gabby." Sabi nito bago tumalikod.
Tinitigan ko lang ang inabot n'yang invitation. I should really be at the fashion show. Knowing Andy, may feeling akong may gagawin s'yang hindi maganda. She's mean. Hindi ito basta-bastang mananahimik kapag natatalo. I need rescue Regina on whatever Andy's plan is.
"Damn! Bakit ba kasi ikaw pa ang naging girlfriend ko, Andy!"
BINABASA MO ANG
"Servant in a Suit"
FanfictionBlurb Have you ever experienced loving someone? Giving up everything you have, your life, yourself and your identity just to be with her? Trusting that person with everything you have, your mind, body, soul and spirit. In the end, ikaw ang talo. I...