Chapter 35: Samantha

402 21 95
                                    

"How many times did I told you to do everything just to secure a deal with that Chinese investors? Na pagdating nila sa airport, kayo ang unang haharap sa kanila. Now, look back on what had happened last night, kung hindi ko pa nagawan ng paraan, nasulot na sana sila ng kalaban nating kompanya. Remember guys, you are working for C-Holdings. Walang lugar ang pagkakamali at katangahan dito. We are not only talking about big investors here, we are talking about billions of pesos worth of investments, too. I hope that sink into your minds. And as for that someone na alam ko na tinatraidor ang kompanyang ito, be prepared. Hindi ka makakapagtago sa akin habang-buhay. You may go now."

Agad namang nagsi-alisan ang pinagalitan kong mga empleyado.

Kung hindi ko pa nalaman ang plano ng kabilang kompanya, sigurado akong nasulot na nila ang matagal na naming kinakausap na mga investors. Nalaman ko rin mula sa pinagkakatiwalaan kong tauhan na nagleak ang information about sa mga investors dahil may traidor sa team namin. I have to know who that person is bago pa nito maibenta sa ibang kompanya ang mga information na alam n'ya tungkol sa iba pang investors na nililigawan ng kompanya namin.

Simula ng mamatay si Narda, wala na akong ginawa kundi ang pagtrabahuan na manatiling nasa itaas ang C-holdings. Hinding-hindi ko hahayaan na maungusan ng ibang kompanya ang pinaghirapang ipundar ni Narda.

"Ang aga-aga, ang init na naman ng ulo mo." Nakangiting bungad ni Ali ng pumasok ito sa office ko.

"Hay! Ang hirap maging presidente ng kompanyang 'to. Ang daming problema. May mga traidor pa."

"Oh, relax. Papangit ka n'yan, Atty. Custodio. Kita na ang wrinkles mo oh." Tatawa-tawang sabi nito.

"Papa is right, mommy. You look like a monster when you're angry." Naningkit ang mata ko sa narinig.

Napakamot naman si Ali sa ulo nito.

"Naya, come here." Agad namang lumapit ang bata sa kinaroroonan ko and sit on my lap.

"Who told you to call that man 'papa'? He is not your dad." Tanong ko rito.

"But I want to call tito Ali, papa. My classmates do have dads and I don't." Sabi nito while stroking my hair and kissing my cheek. My 5 year-old kid is so sweet lalo na kapag nakita n'yang nagagalit na ako. She remind me of how sweet Narda is noong buhay pa ito.

"You know who your dada is, Naya. Hindi si tito Ali mo ang papa mo. Your dada is in heaven now."

"But, mom..."

"Shhh! Enough, baby. Gusto mo bang magalit si mommy?" Tanong ko sa bata.

"Of course not. I love you, mommy." Sabi nito sabay halik sa akin.

"Rej, naman. Bakit hindi mo nalang kasi hayaang tawagin akong papa ng bata? Naghahanap lang din 'yan ng kalinga ng isang ama. I told you, pwede akong tumayo bilang ama n'ya."

"Dr. Alejandro, huwag mong kinukunsinti ang kalokohan ng batang 'yan. Naya, pumunta muna kayo ni Liza sa canteen. Eat some snacks." Agad namang tumalima ang bata at niyaya ang sekretarya ko papunta sa canteen.

"Ali, matagal na nating napag-usapan ang bagay na 'yan, 'di ba? No one could ever replace Narda in my heart. Pati na sa buhay namin ni Naya. Wala na akong iba pang mamahalin kundi si Narda lang."

"Hay! It has been 5 long years since her death, Rej. Ang tagal ko ng nanunuyo sa'yo. Matagal na kaming divorce ni Ana kaya wala ka namang dapat alalahanin pa. Bakit hindi mo ako bigyan ng chance na buuin ang family ninyo ni Naya? After all, ako naman ang kasa-kasama mo since you get pregnant and gave birth to Naya up until now."

Memories of the past rush like rapid rivers.

[Flashback]

"Narda." Tahimik akong umiiyak sa kwarto habang nakatitig sa picture ni Narda.

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon