EPILOGUE

836 38 100
                                    

Nagising akong masakit ang ulo.
Nasobrahan yata ako sa pag-inom kasama ni Narda kagabi.

"Naya! Baby? Naya!"

Nakapagtataka.

Usually kapag ganitong oras ginigising na n'ya ako. It's past noontime.

"Yaya? Yaya. Nakita mo ba si Naya?"

Namumutlang pumasok sa kwarto ko ang yaya nito.

"Hindi po, ma'am Regina. Kanina ko pa nga s'ya hinahanap. Nilibot ko na po ang buong resort pero wala po si Naya." Umiiyak na sabi ng yaya nito.

Oh God! Where is she?

"Sana ginising mo agad ako, ya."

Napabangon ako bigla.

"Kanina ko pa po kayo ginigising, ma'am pero ang lalim po yata ng tulog ninyo."

Napailing na lang ako. Kung bakit kasi uminom pa ako. Napasobra yata kaya hindi agad ako nagising.

"Tara, yaya, hanapin natin."

Hinanap ko s'ya sa buong villa. Pati na rin sa kwarto n'ya. Wala ang bag n'ya. 'Yong paborito n'yang dinadala. 'Yong may laman na picture ni Narda mula ng maliit pa s'ya.

"Rej. Bilisan mo. Magbihis ka. Si Narda." Humahangos na pumasok sa loob ng kwarto si Ali pagbukas ko ng pintuan.

"Bakit? Ano'ng nangyari?" Natataranta akong nagbukas ng closet at naghagilap ng susuotin.

"Heto, isuot mo 'to. Bilisan mo. Huwag ng puro tanong, Rej. Kakapusin tayo sa oras eh." Sa pagkataranta ay isinuot ko nalang ang damit na inabot ni Ali.

"Bilisan mo, Rej. Hihintayin kita sa labas." Tumalikod naman ito.

Natataranta na kasi ako kaya nakalimutan ko ng pumasok sa banyo para magbihis. Doon na mismo malapit sa kama ko sinuot ang damit na ibinigay ni Ali. Mabuti at gentleman pa naman s'ya para iwan ako sa kwarto para makapagbihis.

Dali-dali akong sumunod kay Ali pagkatapos mag-ayos. Bahala na kung ano ang itsura ko.

"Ali, ano'ng nangyari kay Narda?" Tanong ko agad habang nakasunod dito.

"Si Narda, Rej, ikakasal." Nagitla ako sa narinig.

Naglaki ang mga mata kong napatitig sa kanya.

"Ka-kanino?" Tinitigan lang ako ni Ali. Hindi s'ya sumagot. Silence means it's not a good thing to talk about.

"Bilisan mo, Ali. Kailangang makaabot ako. Hindi pwedeng ikasal si Narda sa iba. Lead the way, nasaan ba sila?"

Lahat ng sakripisyo at pagtitiis ko ay para lamang mabuo ang pinapangarap kong pamilya. Pero heto't nakaambang may umagaw ng tuluyan sa aking kaligayahan.

Hindi ako papayag na mapunta lang sa wala ang mga sakripisyo ko.

Hindi ko hahayaang masira ng kung sino ang pangarap kong masayang pamilya para kay Naya.

"Ali, bilisan mo. Baka hindi tayo umabot." Ako na ang umaakay sa kanya para mas bilisan nito ang paglalakad. Halos mangiyak-ngiyak na ako.

"Tanga ka talaga, Narda. Ang tanga mo!"

_____________

Naglalabasan na ang mga tao ng dumating kami ni Ali mula sa maliit na chapel na nasa tabi lang ng mismong resort kung saan kami nagsistay.

Alam n'yo ang nararamdaman ko? Sobrang frustration. Sobrang pagkamuhi at galit kay Narda. Akala ko pa naman nabagok lang ang ulo n'ya kaya nawalan s'ya ng memorya? Ano na naman ang pumasok sa kokoti ng lintik na 'to at nagpapikot pa?

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon