"Kailangan kong makasiguro na walang sisira sa mga plano ko. I need to get proofs na ibang tao ang nakakasama naming Narda, na isa s'yang impostor. Kailangang maibuko ko ang tunay n'yang pagkatao sa bidding."
Inihanda ko ang DSLR camera ko. Iniisip kong magmanman sa bahay nina Regina para makakuha ng ebidensya laban sa impostor na 'yon.
Nangunot ang noo ko ng may mapansin akong isang lumang sasakyan. Nakatambay sa kabilang bahagi ng kalsada pero halatang nakasubaybay din sa bahay nina Regina dahil nakatitig ang isang lalaki rito habang nakaupo sa hood ng kotse.
"Ano kaya ang kailangan nila? Hmmm. Parang nakakaamoy ako ng kakampi dito ah."
Napangisi ako sa isiping 'yon. Maaaring may masamang tangka din ang mga ito kina Regina. Baka pupwede ko silang magamit laban sa peke kong pinsan at sa Vanguardia na 'yon.
Kinuha ko ang baril ko sa glove compartment ng kotse at isinuksok sa likod ng pantalon ko. Halata rin kasing hindi mapagkakatiwalaan ang mukha ng lalaki. Mukhang hindi gagawa ng mabuti.
Hawak-hawak ko ang camera ko at kunwari'y pinipicturan ang bahay habang papalapit sa kinaroroonan ng kotse nila.
"Psst! Bakit mo pinipicturan 'yang bahay? Siguro may masama kang tangka no?"
Napangiti ako ng palihim. Bingo! Ang dali kong nakuha ang attention nila.
Tinitigan ko ang lalaking mukhang hudlum kung pomorma. Siga ika nga. Nakalabas pa talaga sa pantalon nito ang baril na dala n'ya.
Tss! Akala n'ya matatakot n'ya ako.
"Hmmm. Bakit? Kayo din naman ah. Kanina ko pa kayo napansin na nakatingin sa bahay na 'yan."
"Ibig sabihin kanina mo pa kami minamanmanan? Ano'ng kailangan mo ha?" Kinwelyuhan ako nito sa pagkabigla ko.
"Easy, brad. Hindi tayo magkalaban. Kaya nga ako lumapit sa inyo eh. Mukha kasing iisa ang pakay natin sa mga nakatira sa bahay na 'yan."
Doon n'ya lang ako binitawan at tinitigan mula ulo hanggang paa.
"May atraso kasi sa amin si Samantha na nakatira sa bahay na 'yan ngayon. Sa'yo rin ba?" Sabi nito.
"Samantha? Sinong Samantha? Eh ang mag-asawang Narda at Regina Custodio ang may-ari ng bahay na 'yan." Tanong ko rito para makasigurado.
"Eh si Sam 'yong tropa namin dati. Ginoyo kami. Sumama sa Regina Custodio na 'yon. Kamukha daw kasi ang tanginang 'yon ng asawa n'ong babae. Eh ang hayup, dahil sa pera sumama naman. Nagpanggap na asawa nito." Mahabang paliwanag ng lalaking hudlum.
Napangisi ako. Tama nga, impostor lang ang babaeng 'yon. At dahil d'yan nasisigurado ko na ngayon na mapapasakamay ko ang C-holdings. Sigurado na ako ngayon na patay na nga ang pinsan kong si Narda.
"Ganoon ba? So hindi ko pala talaga pinsan ang nasa bahay na 'yan. Sinasabi ko na nga ba, peke ang nagpakilalang Narda Custodio sa board meeting noong nakaraang linggo."
"Pinsan mo ang asawa ng Regina na 'yon?"
"Yup. Kaya marapat lang na mapalayas ko ang impostor na nasa bahay na 'yan. Hindi pwedeng kamkamin nila ang perang naiwan ng yumao kong pinsan. Let me take care of unveiling the truth. Ibigay mo sa akin ang fullname ng babaeng 'yan para maibuko ko sa darating na bidding." Nakangisi kong sabi dito.
"Hoy! Leah! Ano nga ang buong pangalan ng Sam na 'yon?" Tanong n'ong mukhang hudlum sa kasama nilang babae.
"Samantha Salazar." Sigaw nito mula sa loob ng sasakyan.
"Oh! Samantha Salazar daw, tol."
Nanlaki ang mga mata ko. This can't be. Eh 'yon naman talaga ang totoong pangalan ni Narda bago siya inampon nina tito Raul eh. Ibig sabihin buhay pa talaga s'ya. Pero how come? Bakit Samantha Salazar ulit ang gamit n'yang pangalan at hindi Narda?
BINABASA MO ANG
"Servant in a Suit"
FanfictionBlurb Have you ever experienced loving someone? Giving up everything you have, your life, yourself and your identity just to be with her? Trusting that person with everything you have, your mind, body, soul and spirit. In the end, ikaw ang talo. I...