Chapter 30: Ayan! Daldal pa, Narda.

521 20 92
                                    

Nakangiti ako ng gumising. Paano ba naman kasi ay nakatulugan na rin ni Regina ang pagyakap sa akin. Nakadagan pa rin s'ya hanggang ngayon sa ibabaw ko. Medyo nangangalay ako but i'm not complaining.

"I missed you, love." Bulong ko sa kanya.

Dahan-dahan kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

Sobrang namiss kong ganito kami. Iyong magkayakap lang kami kahit walang anumang salitang lumalabas mula sa mga bibig namin. Sabi nga nila, kahit puso lang ang nag-uusap ay nagkakaintindihan na.

"Hmmm." Ungol nito na halatang nagigising na.

Agad naman akong nagtulog-tulugan.

Kumilos s'ya ng kaunti sa ibabaw ko and I get a hint na saglit n'ya akong tinitigan bago bumangon palabas ng kwarto ko.

Napaupo ako sa kama ng masigurado kong wala na s'ya.

"Ano ba ang dapat kong gawin para bumalik ka sa dati, Rej?"

Nasapo ko ang ulo sabay alala sa mga araw na masaya pa kami.

Napabalikwas ako ng bangon habang nakangiti.

"I have to do something. I hope it works."

_______________

Nagluto ako ng breakfast at bumili ng isang bouquet ng red roses na sana ay dadalhin ko sa kwarto n'ya. Katok ng katok ako pero walang sumasagot.

Dumaan ako sa connecting door para icheck kung naliligo s'ya pero wala rin.

Nilibot ko ang buong bahay hanggang sa nakarating ako sa garden sa paghahanap sa kanya.

"Andito lang pala s'ya." Sabi ko sa sarili.

Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan n'ya ng mapansin kong may tinatawagan na naman s'ya sa cellphone.

Curious na curious na talaga ako dahil makailang beses ko na s'yang natatanawan na may kausap sa phone n'ya. Minsan ay tumatawa pa s'ya na s'yang ikinakainis at ikinakaselos ko lalo.

Ngayon ay nagkaroon ako ng pagkakataon para mapakinggan ang pinag-uusapan nila dahil halatang hindi n'ya napapansin ang presensya ko sa paligid.

Nagtago ako sa mga orkidyas malapit sa kinaroroonan n'ya.

"Bes, ang hirap. Sobrang nahihirapan na ako sa sitwasyon ko rito."

May bestfriend pala s'ya? Hmmm. Bakit hindi ko yata nakilala ng nasa Manila kami? Pero ano itong sinasabi n'yang nahihirapan s'ya?

"I know, bes. Ilang days nalang matatapos na ang deal nila ni Marga."

Natigilan ako. Ano ang kinalaman ng deal namin ni Marga sa ikinikilos n'ya?

"Hirap na hirap na akong itago itong nararamdaman ko para sa kanya, bes. Lalo na kagabi. I know she was faking it. Ayaw lang n'ya akong umalis kaya nagpanggap s'yang may sakit."

Namula ako sa narinig. Alam pala n'ya ang ginawa ko? Eh bakit hinayaan n'ya lang ako?

"Kaya nga, bes. I took advantage of the situation, too. Iyong hindi obvious na pati ako gusto ang nangyayari. Alam mo namang wala ng mga babae sa buhay ko, 'di ba? Simula ng minahal ko si Narda, hindi ko na magawang makipaglandian sa iba. Mahal na mahal ko na s'ya, bes."

Napangiti ako sa huling sinabi n'ya. Pero naguguluhan ako. Bakit kailangan n'yang itago ang nararamdaman n'ya at maggalit-galitan sa akin?

"Sobrang hirap na, bes. Simula ng umuwi s'ya dito, gustong-gusto ko na s'yang yakapin like I used to do. Gustong-gusto kong sabihin na namiss ko s'ya. Kissing or hugging her will make me feel better. Pero ano ang ginawa ko? I pushed her away and told her I lied about loving her na kabaliktaran sa gusto ko sanang sabihin. A-ayoko lang s'yang mamatay kaya ko 'to ginagawa. Ayokong mawala s'ya ng tuluyan sa akin, bes. Ayokong patayin s'ya ni Marga kaya pumayag ako sa gusto nitong mangyari. Alam mo naman, 'di ba? Marga wants to win the bet para makuha ang 25 percent ng C-holdings. Kapag hindi daw ako sumunod sa usapan at hindi sila nanalo, papatayin nila si Narda." Umiiyak na s'ya habang nakikipag-usap sa cellphone.

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon