Chapter 6: Seduction with evidence

585 19 3
                                    

"Narda? Oh you? What the hell!" Tumawa ito. "You're kidding, right?" Hinawakan pa n'ya ang mukha ko para masiguradong ako nga ang kaharap n'ya.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Ano ba ang gagawin ko sa babaeng ito para magtino?

By the looks of it, lasing na lasing s'ya. Kaya nga siguro inihatid ng mga barkada dahil hindi na nito kayang magmaneho. Hindi na ako nagtataka kung hindi ito first time na nangyari.

I held her close dahil mukhang hindi na ito makatayo ng tuwid.

"Give me your keys. Kanina pa kita hinihintay. As expected of you, umaga ka na naman nakauwi."

Pinilit itong kumawala sa pagkakahawak ko. "I have nothing to give, Narda. Please leave. Leave me alone. I don't need you!"

"Are you forgetting something, Miss Vanguardia?" I let her look my way. "I'm your personal escort from this moment onwards. Kung nasaan ka, nandoon din ako." Sinubukan ko ipaliwanag, baka naman kahit papaano ay magsink in sa utak n'ya.

Instead of answering me, she scanned her purse. Maybe, she was looking for her keys. Tapos, pasuray-suray na naglakad papunta sa harap ng pinto para iunlock ito pero ayaw pumasok ng susi.

When it won't open, she looked at me. "Tss! Maybe it's the wrong key." Sabi nito bago naghalungkat ulit sa purse niya.

I grab the key from her hand and opened the door. I know it's the only key she have in her purse aside from her car keys.

"Oh! It's the right one? Silly me." Sabi nito at dire-diritsong pumasok saka naupo at sumandal sa sofa habang hinihilot ang sentido n'ya.

Tsk! Parang wala kasing bukas kung uminom. Ayan tuloy hilo na. I can't blame her. She had been through a lot. Many people do that to ease the pain at siguro isa na siya doon.

"Yes. I know. I know. You were thinking that i'm one of the wrong ones, where in fact i'm the right one for you."

She looked at me with her dreamy stare and grinned. Tumayo ito at lumapit sa kinaroroonan ko.

Ano na naman kaya ang balak nito? Kapag lumapit pa s'ya lalo, hahalikan ko na 'to. Well, if only I could, but I won't.

Ipinulupot nito ang kamay sa leeg ko. Dumukwang to bite my ear.

"Shit! What are you doing, Rej?" Nailayo ko s'ya ng konti sa akin. Nanginginig ako sa kagustuhang angkinin s'ya. Right here. Right now. Pero pipigilan ko ang sarili ko. Sino nga ba ang hindi bibigay sa kanya?

"Hmmm... Hindi ba gusto mo ako, Narda?" She's playing with the hem of my shirt.

Argh! I know what she's doing. She's playing her cards again. She thought she could outsmart me by playing games.

"Yes. Noon iyon. Noong hindi mo pa ako escort. Sorry pero ganitong klase kasi ako na tao. Mas mahalaga para sa akin ang trabaho kaysa sa feelings ko." Sabi ko sa kanya sabay dakma sa kamay n'yang naglulumikot sa katawan ko. Ang hirap na ngang magpigil, tinutukso pa ako.

"Career over feelings? Hmmm. I knew someone with the same principle. Do you know who?" Hinawakan n'ya ang pisngi ko gamit ang kaliwa n'yang kamay. "You actually have the same eyes. The eyes that tell me you belong to the kind of people who are always serious in life. You have the same eyes as my dad!" Kumalas ito sa akin at bumalik sa pag-upo sa sofa.

Kahit siguro ano sabihin ko sa kanya makakalimutan n'ya paggising n'ya kinabukasan.

"You know what? I grew up having mom by my side. Only my mom! And dad? Mapapansin lang n'ya ako kapag may ginawa akong kasalanan, when my grades goes down, at lalo na noong nagrebelde na ako." I saw tears starting to fall from her eyes. I can feel na may tinatago itong hinanakit sa tatay n'ya.

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon