Chapter 40: Bakod na bakod ah

396 17 12
                                    

"Hindi pala kita pwedeng mahalin." Bulong ko sa sarili.

Natampal ko ang noo at natutop ang bibig ng marealize ko na napalakas pala ang bulong kong 'yon.

Naku! Sana hindi n'ya narinig. Sana nakatulog na s'ya.

Nakaramdam ako ng paninindig ng balahibo ng idantay n'ya ang kamay sa balikat ko. Ewan ko ba kung bakit ganito nalang ang epekto n'ya sa katawan ko.

Kakaibang sensasyon ang nararamdaman ko sa tuwing dumadampi ang alin mang parte ng katawan n'ya sa katawan ko. Her touch really feels familiar.

"Rej, pwede namang toto..."

"Mommy! Dada!" Sigaw mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

"Mamaya nalang tayo mag-usap, Sam." Sabi ko.

Curious man ako sa gustong sabihin ni Samantha pero mas kailangan ako ni Naya. Baka hindi na naman ito makatulog.

Pagbukas ko ng pintuan ay nakangiting Naya ang nabungaran ko.

"Oh? Why, Naya? Is there something wrong? Bakit ka sumisigaw?"

"Hmmm. You two nearly forget about me. You were out the whole day without taking me with you." Nakahalukipkip nitong sabi sabay pasok sa kwarto at akyat sa kama namin ni Samantha.

Napangiti ako. "My baby is jealous. Please understand, Naya. I had to take care of your dada's needs. Look at her. She looks like that woman in the picture already."

Agad naman itong bumaling sa nakangiting si Samantha at sinapo ang mukha nito.

"Yeah. You look good, dada. Awesome! Please drive me to school tomorrow, dada. Please." Sabi pa nito habang patalon-talon sa kama.

Napailing nalang ako sa kakulitan ng bata. Sobra yata itong naoverwhelmed sa presence ng 'dada' n'ya.

"Sige. Pero kailangan mo munang magpromise sa akin."

Tumingin naman ang bata kay Samantha na wari'y hinihintay kung ano ang sasabihin nito.

Bumulong naman ito sa bata at nagliwanag ang mukha nito sa kung anumang sinabi ni Sam sa kanya.

Nag-appear pa ang mga ito habang patango-tango si Naya. Napakunot-noo tuloy ako sa kung anumang sekreto nila.

"I'll be sleeping here, mommy."

Iyon ba ang usapan nila? Bakit? Ayaw ba ni Samantha na mapag-isa kami rito? Hmmm.

"Okay." Sabi ko sabay higa.
Nahiga naman ang bata sa gitna namin.

"Hug me please, mommy, dada." Request pa nito sabay pikit.

Agad namang tumalima si Sam na s'ya ko nalang din ginawa. Halos ikinapanindig pabahibo ko ng pagdaupin ni Naya ang mga kamay namin sabay patong ng kamay n'ya.

Tsk! Ang daming alam ng bata.

Maya-maya pa ay halatang nakatulog na ito. Agad ko namang tinanggal ang pagkakadaop ng mga kamay namin na wari'y napapaso.

"Ano nga ba 'yong sasabihin mo kanina, Sam?"

"Wala Rej, kalimutan mo nalang muna. Sasabihin ko rin sa'yo sa tamang panahon."

"Iniiwasan mo bang mapag-isa kasama ko? Hmmm. Natatakot ka ba sa akin?"

"Hindi naman. Ayoko lang magtake advantage. Hindi kasi tama."

Napabuntong-hininga ako.

"Huwag kang mag-alala. Wala akong planong magtaksil kay Narda." Sabi ko nalang sabay baling sa kabilang dako.

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon