Chapter 26: Pasample daw muna bago gumawa ng baby

498 15 42
                                    

"Hmmm... Bearing your child? Pwede... pero depende." Sagot ko sabay yakap sa kanya.

She is the sweetest. A real gentlewoman. And swear to God that I will do everything to return the favor she had given me. Lalo na ang unconditional love na ipinaparamdam n'ya sa akin sa mga oras na ito... lalong lalo na nitong mga nakaraang araw.

"Depende saan?" Kunot-noong tanong n'ya.

"Hmmm. Pasample daw muna. Kapag nagustuhan ko ang performance mo, pagbibigyan kitang buuin ang anak na gusto mo."

Tawa ito ng tawa sabay pisil sa ilong ko.

"Pilya ka talaga kahit kailan, Regina. Hmmm..." Sumeryoso ito ng tingin sa akin.

Napalunok naman ako sa maaring sabihin n'ya. Napakaseryoso kasi ng mukha n'ya.

"Hayaan na nga. I love you, love." Sabi nito pagkaraan ng ilang minutong pananahimik.

"Anong nangyari sa'yo? I thought may sasabihin ka?" Kunot-noo kong tanong.

"Wala. I'm just lucky to have you, love. Para sa akin, you are perfect as you are. You don't have to try changing yourself 'cause I love you with your imperfections on." Sabi n'ya sabay yakap sa akin.

Hay! Ang swerte ko lang talaga to have her. She is one of a kind. I think i'll never find another her in this lifetime. She is unique in every sense of that word.

"I love you, Narda. Thank you for everything." I hug her tighter.

I hope this happiness of ours lasts until eternity.

_______________

"Ang swerte mo, girl, ha? Nasa malayo s'ya pero araw-araw kang may flowers." Untag ni Rita sa akin habang nakatunghay din sa bulaklak na dinala n'ya sa table ko. Isinabay nalang din n'ya dahil may kailangan din s'ya sa akin.

Namimiss ko na si Narda kung kaya't madalas akong nakatulala kapag wala ng ginagawa sa opisina.

Nasa law firm na ako ulit because Narda needed to go back to Manila and run some errands. I understand naman na her businesses there are of much importance kaysa sa sinisimulan n'ya palang na itayong business dito.

Magkagayon man, she never made me feel her absence. She always call and send me flowers every morning.

Iyon lang, mas gusto ko pa rin na nandito s'ya.

Iyong moments na magkahawak lang kami ng kamay habang naglalakad-lakad sa mall o kahit nga nanonood lang ng tv sa bahay.

Iyong papahiran n'ya ng tuwalya ang mukha at likod ko kahit mas pawis pa s'ya kaysa sa akin habang nagjojogging kami sa umaga.

Iyong lulutuan n'ya ako ng paborito kong pagkain kapag ayaw kong kainin ang niluto ng cook n'ya.

"Hay! Namimiss ko na s'ya, Atty. Rita. Halos isang buwan rin kasi kaming araw-araw na magkasama." Sabi ko rito.

"Inlove ka na nga, girl. Oh s'ya, ipagpatuloy mo lang 'yang pagdidaydreaming mo. Salamat din dito sa files." Tinanguan ko na lang s'ya.

"Kaano-ano mo ba 'yang, Narda Custodio na 'yan at araw-araw na nagpapadala sa'yo ng flowers?" Nagulat ako ng sumulpot si Divina mula sa kung saan.

"She is my girlriend." Maikling sagot ko.

There's no point in hiding naman what me and Narda have.

"Tss! Kaya pala ayaw mo sa akin, Regina. Gusto mo pala ng mas mayaman."

Naningkit ang mata ko sa narinig mula kay Divina.

"Atty. Alcantara, what I feel towards Narda doesn't have anything to do with her billions. I'm not a gold digger if that's what you're implying."

"Hindi nga ba? Sinong maniniwala sa'yo, Regina Vanguardia? Kilala ko ang mga kagaya mo."

Gustong gusto kong ipamukha sa babaeng 'to ang tunay na katayuan ko sa buhay pero bakit pa? She doesn't deserve any explanation.

"Isipin mo na ang gusto mong isipin, Atty. Alcantara. Kung wala ka ng sasabihin please leave me alone. Marami pang pinapagawa si Atty. Fuego sa akin." Sabi ko bago ako nagsimulang magtype sa computer.

"Humanda ka, Regina Vanguardia. You'll regret turning me down. You didn't even gave me a single chance... 'yon pala gusto mo lang makabingwit ng mas malaking isda." Sabi nito bago tumalikod.

Kunot-noo ko s'yang tinitigan.

"Ano'ng nangyari doon? Tss! A kind of a person na hindi marunong tumanggap ng pagkatalo. Kaya pala hindi ko kayang ibaling ang attention ko sa'yo Divina."

____________

"Hey, Regina." Napalingon ako sa tumapik sa akin. Kasalukuyan akong nagpapalamig sa bar.

"Oh, Rica. How are you?" Nakangiti kong bati rito.

"I'm fine. You missed Narda? Isang linggo na s'ya wala ah."

"Oo nga eh. Want some?" Alok ko sa kanya ng iniinom ko. "Kaya nga inaaliw ko nalang ang sarili ko kaysa magmukmok doon sa bahay. Naaalala ko lang s'ya."

"Sure." Sabi nito sabay lagok sa inumin iniabot ko. "Inlove ka na talaga sa kapatid ko." Nginitian ko lang s'ya.

"Alam mo, hindi lang ikaw ang nakapagsabi n'yan, Rica. A bunch of colleagues, too."

"Halata na nga kasi. Hmmm... May nasabi ba s'ya sa'yo bago s'ya umalis?"

Kunot-noo ko s'yang binalingan.

May tinatago ba sila from me? Bakit feeling ko may hindi sila sinasabi sa akin?

"Wala naman. May inililihim ba kayo sa akin, Rica?" Tanong ko dito.

"Ah, ha? Naku wala, Rej. Naitanong ko lang. Ika ko baka may ipinapaabot s'ya na mensahe sa akin bago s'ya umalis."

"Ah. Iyon pala ang ibig mong sabihin. Akala ko kung ano na. Wala naman. Tatanungin ko nalang s'ya kapag tumawag s'ya. O hintayin nalang natin s'ya. Sa makalawa naman na daw ang balik n'ya eh."

"Ganun ba? Oh, s'ya. I need to go na. Tatawag pa ang asawa ko eh. Itong si Narda kasi, ako pa talaga ang inassign na engineer dito sa project n'ya sa Cebu. Namimiss ko na tuloy ang asawa ko."

"Oh, eh, bakit hindi mo siya isama rito, Rica?"

"May trabaho naman s'ya eh. This weekend pa s'ya makakasunod dito sa Cebu. Kaya ano man 'yang pagkamiss mo kay Narda nararamdaman ko rin 'yan. Oh, s'ya. I need to go na. See you around, Rej."

Bumeso pa ito bago ako iniwan. Napangiti na lang ako habang nakatanaw sa kanya.

"Hey! Can I buy you a drink?"

I looked at the girl na umupo sa tabi ko.

I don't know why pero parang bigla akong nakaramdam ng kakaiba ng titigan ko s'ya.

Cute din naman s'ya at halata sa kilos at pananamit na may sinasabi rin ito sa buhay.

Basta. Hindi ko lang talaga s'ya gusto.

"No, thanks." Nakangiti kong tanggi rito, wishing na umalis na s'ya matapos ko s'yang tanggihan.

"Hindi mo manlang ba pagbibigyan ang isang kaibigan?" Nakangiti pang pilit nito sa akin.

"Hmmm. I've had enough for tonight. Uuwi na rin naman ako." Sabi ko sabay tayo. I really don't like the girl.

"Can I have atleast 5 minutes of your time, Regina Vanguardia?"

Napatigil ako sa akmang pag-alis ng marinig ko ang sinabi n'ya.

"You know me?" Tanong ko sabay titig ulit sa kanya.

Sinusubukan kong kalkalin sa memorya ko kung nakita ko na ba s'ya sa kung saan pero wala. I can't remember being acquainted with her.

"Hmmm. Let's just say na i'm a friend... Narda Custodio's friend and soon to be your bestfriend."

"Servant in a Suit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon