"Let me carry your luggage." Pilit kong inagaw ang maleta n'ya.
"Kanina ko pa nga sa airport sinasabi na kaya ko, 'di ba?"
Tss! Nagtataray na naman s'ya. Akala ko nga okay na 'yong proposal ko sa kanya kagabi na tutulungan ko s'yang magmove on kay Gabby pero hindi yata't balik na naman ito sa dati. Pinapagana n'ya na naman ang defense mechanism n'ya. Dinadaan na naman nito sa pagtataray ang pagpipigil na mapalapit sa akin. Tsk! Mga babae talaga... ang hirap espellingin.
"Akin na nga sabi. Tingnan mo, andoon na ang mga kasama natin, tayo nag-aagawan pa rin dito."
Inagaw ko sa kamay n'ya ang maleta n'yang ibinaba ng driver mula sa likod ng van, sabay talikod padiretso sa resort na s'ya ring location ng photoshoot at fashion show nila.
We'll be staying here for about 2 weeks kaya sigurado akong napakabigat ng dala-dala n'yang maleta na kanina pa s'ya hirap na hirap sa pagtutulak sa airport palang.
"Tama nga ako. Parang pang isang taon ang dami ng dala-dala mong gamit." Panunudyo ko pa rito habang sumusunod sa mga kasamahan namin.
"Tss! Pakialam mo ba, ha? Eh sabi nga sa'yong..." Hindi na nito naituloy ang sasabihin ng sinalubong kami ng dalawang babae.
Kunot-noo kong tinitigan si Regina ng mapansin kong napahawak ito sa braso ko at natigil sa pagbubunganga. Halatang kinakabahan ito sa paraan ng paghawak n'ya sa akin at sa nararamdaman kong panginginig n'ya.
I saw a glimpse of anger in her eyes as she looked at the woman na kasama ng babaeng sumasalubong sa amin pero i'm clueless. Hindi ko naman kasi kilala ito pero s'ya, mukhang kilala n'ya yata ang babae.
"Are you okay?" Bulong ko sa tenga n'ya.
Pilit naman itong tumango at ngumiti pero hindi na ito nagtaray pa kagaya kanina.
Hmmm... I smell something fishy. Hindi yata't may kinalaman ang babaeng 'yon sa pananahimik at pagbabago ng mood ni Regina.
"Welcome to El Nido, welcome to Diamond Resort and hotels." Bati ng nakangiting babae sa amin.
"Let me introduce myself. I'm Andy Villaraiz. Family namin ang may-ari nitong resort at ang kanugnog nitong hotel pati na rin ang mga hotel sa mga kalapit na bayan. Ang hotels namin ang pinakamaganda at pinakaelegante sa lahat ng hotel dito sa Palawan." Ang boastful naman ng tono ng pananalita n'ya.
Hmmm. If I can recall, isa ito sa mga property na technically ay pag-aari ko na dahil matagal na itong nakasanla sa akin. Maybe this lady here doesn't know that her family is in debt at me. Maybe her father haven't told her about it. Pero that's another story. Hindi ako manghihimasok sa problemang pampamilya. As long as mabuti ang pagtanggap n'ya sa amin dito, I don't see any problem.
In 2 years time kapag hindi pa nila nabayaran ng buo ang pagkakautang nila sa kompanya ko... their resort and hotels will all be mine.
"Ako rin pala ang designer ng mga susuotin n'yong summer wear sa photoshoot at fashion show. Alam kong mga ramp models kayo at ang pagrampa lang suot ang aking mga obra ang supposedly trabaho ninyo. Pero, as you all know, I want you to pose in front of the camera wearing my summer collection kasi ifefeature s'ya sa isang local magazine at sa coffee table book na gagawin ko for myself. Of course that's with extra pay para sa inyong lahat. Sagot ko rin ang lahat ng pangangailan n'yo habang nandito kayo." Pag-eexplain pa nito sa mga matamang nakikinig na mga modelo.
Hmmm. Ang awkward nga lang para sa akin kasi ako lang ang saling-pusa na kasama dito. Mas awkward kasi escort ako ni Regina at hindi isang modelo.
"Oh, by the way this is Gabrielle Garcia. My fiancè." Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Regina sa akin.
BINABASA MO ANG
"Servant in a Suit"
FanfictionBlurb Have you ever experienced loving someone? Giving up everything you have, your life, yourself and your identity just to be with her? Trusting that person with everything you have, your mind, body, soul and spirit. In the end, ikaw ang talo. I...