"Ang sabi ko sa mga magulang ko na ikaw yung tinatakbuhan ko satuwing nalulungkot ako dahil sa nangyari saakin. Pareho tayong malungkot dahil sa mga nangyari sa buhay natin kaya tayo tayo lang ang nagkokomporta sa isa't isa hanggang sa nahulog na din tayo sa isa't isa at naisipan nating magpakasal pero sa papel lang para hindi gaanong makakuha ng atensyon ng mga tao lalo na sa social media" paliwanag ko sakanya.
"Why didn't you just tell them the truth instead?" Tanong niya.
"Ayoko namang mag alala sakin ang mga magulang ko, knowing na pumayag lang ako sa set up na ito dahil sa kapakanan ni Vince" sabi ko.
"Your beloved ex husband you mean, tsk" sabi niya kaya inirapan ko naman siya.
"Tsk, basta magpanggap nalang tayong mahal natin ang isa't isa ng saganun ay hindi magduda ang mga magulang ko. Alam kong wala sa vocabulary mo ang pagiging plastic o umarte basta gawin mo nalang ang best mong huwag mahalata nila mommy and daddy na nagsisinungaling ako" sabi ko.
Nang makarating na kami sa harap ng pinto ay napabuntong hininga ako sabay kapit sa braso niya na ikinakunot noo niya.
"What's that for?" Tanong niya.
"Ay basta sumabay ka nalang" sabi ko sabay bukas na ng pinto at pumasok na.
"You're here" sabi ni dad habang nakatingin kay Demzo.
"It's nice seing you again Mr and Mrs Fwenza" bati ni Demzo sakanila.
"Kami din Mr Laurus" sabi ni mommy.
"You should call me by my name from now on Mrs Fwenza" sabi ni Demzo.
"Ikaw din iho, tawagin mo narin kaming mommy at daddy mo tutal asawa kana rin naman ng anak namin" sabi ni mommy.
"Marami pa tayong dapat pag usapan kaya dapat ay simulan na natin para hindi kayo magabihan sa daan" sabi ni daddy.
"Sweetie tulungan mo akong maghanda ng pananghalian natin" yaya sakin ni mommy kaya napatingin naman ako kay Demzo.
Binigyan ko siya ng sumabay/ka/look bago sumunod kay mommy papunta sa kusina.
Umupo naman sila daddy at Demzo sa sala at nagsimula ng mag usap.
"Hayaan muna sila anak, strikto ang daddy mo pero malambot yun sayo kaya wag kang mabahala sa asawa mo dahil hindi yun sasabihan ng masasamang salita ng daddyy mo" sabi ni mommy.
"I'm just worried, mom" sabi ko.
"Mahal na mahal mo talaga siya sweetie? Nagpapasalamat ako na dumating agad siya sa buhay mo kung kailan kailangan mo ng karamay" sabi niya.
I'm not worried about him, yucks. Nag aalala ako dahil baka maslide ang bunganga ng lalaking iyon at ibuking pa ako.
Nginitian ko nalang si mommy ng mapait sabay punta sa alababo para maghugas ng kamay.
Maya maya pa ay handa na ang lahat kaya tinawag naman namin sila para magtanghalian na.
"Handa na ang pagkain kaya halina kayo" tawag ni mommy sakanila.
Agad ko namang nilapitan si Demzo.
"Hindi mo naman ako binuking hindi ba?" Bulong na tanong ko sakanya.
Pero ang gago hindi man lang ako pinukulan ng tingin at diritso lang sa paglalakad papunta sa dinning room.
Andito kami ngayon sa dining room kumakain at katabi ko si Demzo kumain habang sina mommy naman ay nasa harap namin.
"Francis you lied to me" sabi ni daddy na ikinaubo ko.
Binigyan ako ng tubig ni Demzo kaya agad ko naman itong ininom.
"Careful sweetie" sabi ni mommy.
"Ano pong ibig niyong sabihin dad?" Tanong ko kay daddy sabay tingin kay Demzo na blangko parin ang ekspresyon.
"You told me that you met each other sa bar pero bakit ang sabi ni Demzo ay sa plaza" sabi ni dad kaya napahinga naman ako ng maluwag.
"N-nakalimutan ko po" utal na sabi ko.
"Your relationship should remain silent, walang dapat na makaalam nito maliban saamin ng saganun ay hindi kayo pagkakaguluhan ng mga tao lalo na ng mga press. Pareho pa naman kayong laging laman ng balita lalo kana Mr Laurus" sabi ni daddy.
"Oo naman po, wala pong makakaalam nito kundi tayo tayo lang" sabi ko.
"Good" sabi ni daddy kaya napangiti naman ako.
Matapos kaming kumain ay kinuha kona ang bagahe ko sa kwarto ko. Tinulungan naman ako ni Demzo na buhatin ito at ilagay sa kotse niya.
"Sweetie mag iingat ka ah. Tawagan mo kami ng daddy mo everyday saka remember na every weekend ay may family dinner tayo so wag kayong mawawala dun" sabi ni mommy kaya tumango naman ako.
"Yes po mommy. Bye napo mom, dad" paalam ko sakanila sabay yakap sakanila isa isa.
"Take care of my daughter Mr Laurus" madiing sabi ni daddy kay Demzo na para bang nagbabanta.
Tumango naman si Demzo sabay bukas ng pinto ng kotse kaya pumasok naman ako.
"Ikaw talaga, son in law mo na siya kaya matuto ka ng tawagan siya in his name, hindi mo nalang siya kabusiness partner ngayon dahil asawa narin siya ng anak natin" rinig kong sita ni mommy kay daddy.
Umandar na ang sasakyan kaya napabuntong hininga naman ako.
Once again malalayo na naman ako sa mga magulang ko.