Chapter 12

1.2K 18 0
                                    

It's been a week simula noong mangyari iyon at heto ako ngayon wala paring ipinagbago.

Kasama ko ngayon si May Chell at andito kami ngayon sa salon kasi nagpahair color ang gaga habang ako naman ay nagpastyle lang ng buhok.

*Kring kring*

Napatinging ako sa phone ko ng may tumawag sakin.

(Demonyo calling)

"Where are you?" Agad na tanong niya sakin.

"Girl thing" sabi ko.

"Where exactly are you woman, I'm serious" sabi niya.

Well halata nga.

"Bakit ba? Busy ako ngayon" sabi ko.

"Aishhh, bakit mo tinakasan yung taong pinabantay ko sayo?" Inis na tanong niya.

Heto na naman siya sa tagalog tone niya na nakakatakot.

"Kahit naman na normal lang akong babae ay matalino rin ako noh, kaya kahit tumago pa iyang spy mo sakin at magmukhang tuko ay makikita ko parin sila kaya madali lang sakin ang takasan sila. At bakit ko naman gustong magpasunod aber? FYI ikaw ang naghire nun at hindi ako, hinayaan kita kahit labag sa kalooban ko at kahit na labag iyon sa kasunduan nating walang pakialamanan" sabi ko.

"Aishhh, where the heck are you?" Inis na tanong niya.

"Diba matalino ka? Bakit di mo gamitin yung GPS? Opsss oo nga pala inoff kona pala ang GPS ko. Kahit kailan talaga apaka weirdo mong tao, pati cellphone ko papakialaman mo" inis na sabi ko.

"Look woman, everything is in chaos right now and you need to go home fast cause they're coming for you" sabi niya na ikinakunot noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Bess" napatingin naman ako kay Chell ng tawagin ako nito.

Tinuro niya ang TV na nasa harapan kaya napatingin naman ako roon.

"Mahalagang balita, ang anak ng CEO ng isa sa mga sikat ding kompanya sa buong mundo na tinawag na Fwenza Corp ay diumano asawa na ngayon ng Business Tycoon billionaire na si Mr Demzo Laurus. Sa pagkakaalam nating lahat ay itong si Mrs Franciska Fwenza na anak ni Mr Leonardo Fwenza na CEO ng Fwenza Corp ay kasal pa sa isang business tycoon rin na si Vincent Hudson ngunit hindi na pala at matagal na pala itong divorce. Habang si Mr Laurus naman ay nagdadalamhati palamang sa asawa nitong namayapa na halos wala pang isang buwan ang nagdaan. May nagsasabing ito dawng si Mrs Fwenza at Mr Laurus ay may affair dati pa kaya naman ay nagpakasal ng pasekreto ang dalawa para diumano makaiwas sa anumang isyu o scandal" sabi ng isang reporter habang pinapakita ang ang pictures ko na nasa bahay ni Demzo at yung araw na hinila niya ako papasok sa loob.

May nags-spy ba saamin? Pero akala ko ba nag iisa lang ang bahay ni Demzo sa village na iyon kaya walang kapitbahay at walang ibang makapasok roon liban sa amin at sa family namin?.

"Ano?" Gulat na tanong ko.

"Where are you woman? It's dangerous outside you have to go home" sabi ni Demzo sa kabilang linya kaya napatingin naman ako sa labas.

"I think it's already too late dahil andito na sila" sabi ko.

"Where are you? I'm going to fetch you" sabi niya.

"Nasa salon ako, sa Viu Hair Salon" sabi ko.

"Wait for me there" sabi niya sabay baba na ng tawag.

"Ano na ang gagawin mo bess?" Tanong sakin ni Chell.

"Hindi ko alam, pero kailangan kong makalabas" sabi ko.

"Paano ba nalaman ng mga reporters na andito ka?" Tanong niya.

"I'm really sorry ma'am for what my employee did. Pwede po kayong dumaan sa likod ng saganun ay hindi kayo masundan ng mga reporters" sabi saamin ng manager ng salon.

"Ako na ang bahala dito bess" sabi ni Chell kaya tinanguan ko naman siya.

Sumunod ako sa manager na papunta raw sa likod. Nang makalabas na ako ay nagpasalamat naman ako sakanya.

"Andoon siya" rinig kong sigaw ng mga reporters.

Sh*t.

Agad akong tumakbo palayo habang sila naman ay nakasunod sakin. Para silang mga zombie.

"Teka lang Mr Fwenza" sigaw nila pero hindi pa rin ako tumigil sa kakatakbo.

Hanggang sa unti unti ng sumakit ang mga paa ko kasi nakaheels ako kaya unti unti ding humina ang pagtakbo ko.

Napatingin ako sa mga reporter ng biglang may bumato sakin ng microphone na saktong tumama sa noo ko at ang matulis pa talaga ang tumama sakin, anong klaseng mic yun?.

Napahawak ako sa noo ko ng may kung anong dumadaloy rito. Dugo.

Unti unting nanlabo ang paningin ko kaya tumigil naman ako sa pagtakbo hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

Facing The Husband of the Mistress of My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon