Chapter 11

1.3K 22 0
                                    

Chapter 11

"Iha maraming salamat talaga at hindi mo pinabayaan si Vince kahit na ganito ang sitwasyon ninyo" sabi ni tita, ang mama ni Vince kaya napatingin naman ako kay Vince na walang malay.

"Kahit papaano ay may pinagsamahan parin naman po kami ni Vince kaya saganitong sitwasyon ay hindi ko siya matitiis" sabi ko.

"Ewan ko ba jan sa anak ko, lagi nalang niyang sinasaktan ang sarili niya. Akala namin ay okay na siya kaya hinayaan na namin siyang mapag isa pero hindi namin alam na gagawin niya ito sa sarili niya kaya nahuli kami ng dating buti nalang talaga ay dumating ka kaagad iha" sabi niya.

"Huwag po kayong mag alala, some other time po ay kakausapin ko po siya. Ipapaintindi ko po sakanya ang lahat. Hindi lang po talaga ako pwede ngayon kasi ayoko pa siyang makaharap at makausap tungkol dun" sabi ko.

"Maraming salamat talaga iha, napakahulog ka ng langit saamin" sabi niya kaya nginitian ko naman siya ng pilit.

"Sige po tita uuwi napo ako dahil baka nag aalala napo ang mga magulang ko sakin, ipagpaalam niyo nalang po ako kay tito" pagsisinungaling ko.

"Sige iha mag ingat ka sa pagmamaneho" sabi niya kaya tumango naman ako sabay alis na.

Napahawak ako sa kanang balikat ko na sumasakit. Ito kasi yung ginamit kong pangsangga kaya ang sakit sakit talaga. Feeling ko mamamaga toh bukas.

Nang makauwi na ako ay napakunot noo ako sa bumungad sakin.

"Bakit ang aga mo naman atah?" Tanong ko kay Demzo na nakatayo sa pinto.

Lumapit ito sakin sabay hawak ng kanang braso ko at hinila papasok sa loob kaya napasinghap naman ako sa sakit.

Nang makapasok na kami sa loob ay binitawan na niya ako kaya napahawak naman ako sa kanang balikat ko. Aishhh kakasabi ko lang kanina na masakit eih, bwesit.

"You're meeting a friend huh? Kailan pa naging friend ang ex-husband?" Inis na sabi niya.

Feeling ko ay galit na talaga siya dahil ngayon ko lang siya narinig na nagtagalog at kahit maganda iyon sa pandinig ay natatakot ako sa pagkabaritono nito.

"Paano mo nalaman? Pinasusundan mo ba ako ha?" Inis na tanong ko sakanya.

"Answer my goddamn question woman" inis na sigaw niya sakin na ikinagulat ko.

Wala pang nakakasigaw sakin sa tanang buhay ko. Not my parents nor Vince, just him.

"Eih ano naman?" Buti nalang ay natauhan ako kaagad kaya nasigawan ko rin siya pabalik.

"You have to stay away from him" sabi niya.

"At bakit naman kita susundin?" Tanong ko sakanya.

"Cause I'm your husband" sabi niya.

"But that doesn't mean na ikaw na ang masusunod, nakalimutan mo naba ang kondisyon na sinabi ko sayo? Walang pakealamanan" paalala ko sakanya.

"If I say that you have to stay away from him, avoid him" sabi niya.

"Bakit ba kasi?" Inis na sabi ko.

"Cause you're ruining my plan" inis na sabi niya.

"Anong plano?" Tanong ko sakanya.

"You don't have to know" sabi niya.

"Dapat kong malaman kasi kasali ako sa plano mo" sabi ko.

"You're just my weapon so you don't have to know. Just stay away from him and cut all your fucking access or communication with him" sabi niya sabay akyat na papunta sa kwarto niya.

Aishhh, bwesit.

Andito ako ngayon sa condo ni May Chell dahil siya ang gumagamot ng pasa ko sa balikat ko.

Nurse kasi si May Chell kaya kapag may sugat o pasa talaga ako ay sakanya ako tumatakbo.

"All my life ngayon lang ako nasigawan ng ganun" sabi ko.

"Ginalit mo kasi yung tao kaya malamang sisigawan ka nun" sabi niya.

"Para dun lang sisigawan na niya ako?" Tanong ko.

"Eih ikaw nga para sa sigaw lang ang dami mo ng dada" sabi ko.

"Kasi yun ang dapat e-big deal. Ikaw kaya first time sigawan hindi kaya ganito din magiging reaction mo? Palibhasa kasi sayo sanay ng masigawan dahil sa mga pasyente mong minsan may sira ang ulo" sabi ko.

"Bakit ba kasi ganun ka big deal sayo ang sigawan ka ha? Sinisigawan rin naman kita lagi ah" sabi ko.

"Pero iba yung sigaw niya sakin sa sigaw mo noh" sabi ko.

"Pano ba kasi naging iba yun? Pareho lang naman iyong sigaw" sabi niya.

"Okay lang sana kung si mommy o daddy ang sisigaw sakin pero siya? No way. Ni hindi nga ako sinigawan ni Vince eih tapos siya pa talaga na wala namang ambag sa buhay ko" sabi ko.

"Oh tapos na" sabi niya kaya binawi ko naman ang braso ko.

"Saka pinasusundan niya rin ako. Akala ko ba ay nag usap na kami tungkol sa walang pakealamanan? Hindi talaga marunong tumupad sa usapan ang gagong yun" sabi ko.

"Kung ako sayo ay huwag mo ng galitin pa iyang asawa mo para hindi na iyan maulit pa" sabi niya.

"Eih pano naman? Anong gusto mong gawin ko? Sundin ang lahat ng gusto niya?" Tanong ko sakanya.

"Bakit hindi mo nalang sundin? O baka naman ayaw mo lang talaga sundin kasi ayaw mong malayo si Vince sayo. Akala ko ba nasa stage of moving on kana?" Tanong niya.

Facing The Husband of the Mistress of My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon