Nagising ako dahil nauuhaw ako kaya bumaba naman ako para uminom.
Nakita ko si Demzo na umiinom na naman ng wine. Gabi gabi ba siyang umiinom?.
"Kararating mo palang?" Tanong ko sakanya kaya napunta naman sakin ang tingin niya.
"Why are you still awake?" Tanong niya.
"Nauuhaw ako" sabi ko sabay tungo sa ref at kumuha ng tubig sabay inom.
"Go back to your room if you're done" sabi niya.
"Kumain kana ba bago ka uminom?" Tanong ko sakanya.
"I already eat outside" sabi niya.
Lumakad na ako paalis nang bigla kong maalala ang gusto kong sabihin sakanya.
"Aishhh wag nalang nga" inis na sabi ko at nagpatuloy na sa pag akyat papunta sa kwarto ko.
Oo magkaiba kami ng kwarto, buti nga kung ganun kasi baka may gawin pa siya sakin na kung ano eih gabi gabi pa naman atah toh lasing.
Kinabukasan ay ganun pa rin ang routine ko, maghahanda ako ng pagkain ng maaga at siya naman ay gigising, sasabihing late na siya tapos sesermunan kona naman kaya ginawa na naman niya yung ginawa niya kahapon. Ang free taste style tsk.
"Kung ayaw mong kumain ng pagkain na inihahanda ko please magsabi kalang kasi ako yung nasasayangan sa pagkain na hindi mo naman inuubos. Sa susunod na magluluto ako hindi kona dadamihan pa tsk" irap na sabi ko.
"That's good" sabi niya sabay alis na.
"Aalis ako mamaya, may imememeet ako na kaibigan ko" pahabol na sigaw ko pero patuloy lang siya sa paglalakad na para bang walang pake.
Tsk, bahala siya.
Andito ako ngayon sa kwarto ko hinihintay ang pagtawag ni Chell. Busy kasi ito kaya sinabihan ko nalang siya na tawagan ako kapag hindi na siya busy.
Nabobored na ako rito kakahintay.
*Kring kring*
Dahil sa sobrang excited kong sagutin ang tawag ay hindi kona natignan kung sino ang tumawag sakin.
Eih ano ba? Excited na akong gumala eih.
"Chell tapos kana ba sa ginagawa mo?" Agad na sabi ko sa kabilang linya.
"Wife I need you right now, I think I'm going to die" sabi ng lalaking nasa kabilang linya na ikinagulat ko.
"Vince?" Tanong ko.
"Yes wife, it's me and I need you right now" sabi niya na ikinabahala ko.
"Where are you Vince?" Tanong niya.
"In our house, please come home" sabi niya.
"Tatawagan ko sila tito at tita" sabi ko.
"I don't need them, you're the one I need Frans, my wife. I need you right now please" umiiyak na sabi niya na maslalong ikinabahala ko.
"I-im coming, antayin mo ako jan" sabi ko at agad agad na pumunta sa garahe at sumakay sa kotse.
Pinaharurut kona ito dahil sa pagmamadali ko. Nang makarating naman ako ay agad akong tumakbo papasok sa loob ng bahay. Ang bahay na saksi mismo sa lahat ng paghihirap ko noon.
Ipinangako ko sa sarili ko noon na hindi na ako muling babalik rito pero heto ako ngayon sinisira ang pangako ko sa sarili ko.
Agad kong hinanap si Vince saang sulok ng bahay hanggang sa mapunta ako sa kwarto naming dalawa.
"Argh" rinig kong daing ni Vince sa loob kaya pinihit ko naman ang pinto kaso nakalock ito.
"Vince buksan mo ang pinto" sigaw ko pero wala akong nakuhang sagot dahil puro daing lang ang naririnig ko galing sa loob.
I need the spare key. But fuck I don't know where it is dahil wala na ito sa dating taguan ng mga susi na alam ko at kung hahanapin ko pa iyon ay baka huli na ang lahat.
Paparating narin rito sila tito at tita pero baka mamaya pa sila darating dahil malayo rito ang bahay nila tito at tita.
Sinipa ko ang pinto pero walang epekto ito. Ginagamit ko ang shoulder ko pangsangga sabay tulak ng pinto ng buong pwersa.
Ilang beses ko ito inulit hanggang sa nasira kona ang pinto. Tumambad naman saakin ang duguang si Vince kaya agad ko naman siyang nilapitan.
"Vince hold on, tatawag ako ng ambulansya" sabi ko sabay dial ng ambulansya.
Nang matapos na akong tumawag ng ambulansya ay napatingin ako sa paligid. There, I saw a blade with stains of blood na alam kong ito ang ginamit niyang panglaslas sa sarili niya. I cant help myself but to broke into tears.
What have you done to yourself Vince?.
Niyakap ko si Vince na hanggang ngayon ay dumadaing parin sa sakit.
Why are you doing this to yourself Vince? Hindi mo dapat ito ginagawa sa sarili mo kasi hindi lang ikaw ang naaapektuhan, marami ang maaapektuhan lalong lalo na ako. So please stop hurting yourself.