Third Person's Narration
Habang nakapikit at nakatakip ang tenga si Frans ay nagulat siya ng biglang may sumulpot sa likod niya at biglang tinakpan ang bibig niya ng panyo. Nagpumiglas siya at pinilit na huwag huminga dahil alam niyang may amoy ang panyong nakatakip sa bibig at ilong niya. Ngunit sa bandang huli ay nabigo siya dahil kinapos siya ng hinga kaya naamoy niya ang nakakapantulog na amoy na galing sa panyong nakatakip sa bibig at ilong niya.
Unti unti siyang nawalan ng malay kaya naman ay binuhat siya ng lalaki na parang isang bagong kasal at ipinasok sa isang itim na van.
Sa kabilang banda naman ay si Demzo na busy sa pakikipagbarilan sa mga kalaban na tiyak niyang mas marami pa kesa sakanila.
Marami na ring mga patay na katawan ang nagkalat sa paligid na tiyak na nadamay lang sa putukang nangyari.
Napakunot noo siya ng biglang nagsitigil at nagsitakbuhan ang mga kalaban niya na para bang pabalik na sa kampo nila kaya sinundan naman ito ng mga bodyguards niya.
Agad siyang pumunta sa lugar kung saan niya iniwan si Frans. Napakunot noo siya ng mapagtantong wala si Frans roon maliban na lamang sa isang pares ng sandal nito na naiwan.
Agad siyang pumunta sa labas at doon nakita ang isa pang kapares ng sandal ni Frans na nasa kalsada na.
"Boss, wala po si ma'am sa buong hall" sabi ng bodyguard niya.
"Boss nakidnap po si ma'am, huli po siyang nakita sa CCTV ng dalhin siya ng isang lalaki papasok sa isang Van" sabi ng kakarating lang niyang bodyguard.
Agad namang tumakbo si Demzo papunta sa CCTV room at agad tiningnan roon ang footage kung saan kinidnap ang asawa niya.
Nasisiguro niyang hindi niya ito kalaban sa organisasyon, more like kalaban lang niya ito sa personal na buhay. Ang lalaking kumuha ng asawa niya ay nakamaskara ngunit base sa postura nito na talagang pamilyar sakanya at ang pagkagentleman at halos may pag iingat nitong dalhin si Frans papasok sa itim na van kaya naman ay napaisip siya.
Walang ibang tatrato ng ganon kay Frans maliban sa mga taong malapit sakanya, hindi naman pwedeng si Michael ang lalaking ito dahil wala naman siguro iyong balak na kidnapin ang kaibigan niya. Isa lang ang naisip niyang taong kikidnap sa asawa niya at iyon ay ang dating asawa nito.
'So this is what he is planning all along? He's been so silent these past few days so that means he was bulding a plan at that moment. And today is the perfect day for his plan' sabi niya sa utak niya.
Agad siyang pumunta sa bahay ng kaibigan niyang si Jacob at doon binulabog. Magaling si Jacob sa paghahack ng mga computer lalo na ang mga CCTV cameras kaya naman ay nagpapatulobg siya rito para malamang kung nasaan ngayon ang asawa niya.
"Can't you do any faster?" Naiiritang tanong ni Demzo.
"Isn't this enough? Masisira na nga ang keyboard ko kakamadali mo jan sakin eh" inis na reklamo ni Jacob.
"Aish, you've been looking in there for an hour yet you still don't have any lead" inis na sabi ni Demzo.
"Edi ikaw kaya gumawa nito tingnan natin kung madali ba talaga maghanap ng lead" sabi ni Jacob.
"Kung buhay mo kaya madaliin ko?" Malamig na banta ni Demzo kaya napantig naman si Jacob.
Alam niya kasi na kapag nagtagalog ang kaibigan ay seryoso ito. Minsan lang ito mangyari at ngayon dahil pa talaga sa asawa nito.
"Bro chill, mahahanap din natin ang asawa mo" sabi ni Jacob.
"Fuck, I will kill that bastard if he does anything bad to her" inis na mura ni Demzo na parang hindi mapakali.
"Ano ba ang pinag aalala mo bro? Ang saktan niya ang asawa mo? O dahil baka makuha niya ulit ang loob ng asawa mo at bumalik na ito sakanya?" Tanong ni Jacob kaya napatingin naman ruto si Demzo.
"What are you talking about?" Naguguluhang tanong ni Demzo.