Chapter 32

1K 17 0
                                    

Franciska POV

Agad agad akong pumasok sa bahay at agad na hinanap ng nga mata ko si Demzo. May narinig akong kaluskos galing sa kusina kaya agad naman akong nagtungo ron.

"You're fine?" Kunot noong tanong ko kay Demzo na umiinom ng tubig kaya napatingin rin ito sakin at napakunot noo.

"Do I look like I'm not?" Tanong ni Demzo.

"Pero ang sabi ni Jacob ay may nangyari sayo, I thought you were in danger!" Inis na sabi ko.

"What do you care if I am in danger?" Tanong niya kaya napaisip naman ako.

Oo nga, what do I care if he's in danger? Mas malaking pabor pa nga iyon para sakin kasi wala ng magcocontrol pa sa buhay ko.

"Okay ka lang naman pala eih, babalik na ako" sabi ko.

"No, you are not leaving this house until I say so" sabi niya.

"No! Babalik ako don ngayon. If you want to come then sumama ka" sabi ko.

"No! Like what I said earlier, you are not allowed to go out" sabi niya.

"Aishh, bakit ka ba andito ha? Akala ko ba may meeting ka?" Inis na tanong ko.

"Thanks to you, it was re-scheduled" sarkastikong sabi nito.

"Abah, kasalanan ko pa talaga?" Sarkastikong sabi ko.

"Cook for me, I'm hungry" sabi niya.

"Magluto ka mag isa mo, diba marunong kang magluto? Edi lutuan mo ang sarili mo bwesit" inis na sabi ko.

"I don't know how to cook" sabi niya.

"Huwag ka ngang magsinungaling dahil hindi bagay sayo, linulutuan mo nga ang late wife mo tas ngayon sasabihin mo na hindi ka marunong magluto?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya na ikinadilim ng mukha nito.

"Who told you that?" Malamig nitong tanong.

"Si Jacob. Dahil ba nawala na yung taong pinaglulutuan mo noon ay hindi kana ulit magluluto? Baka nakakalimutan mo, ikaw mismo ang bumura sakanya sa mundong ito kaya wag kang umarte at lutuan mo sarili mo okay? Wag mo akong idadamay" sabi ko.

*Crash*

Nagulat ako ng bigla nitong pigain ang hawak nitong baso na dahilan para mabasag ito sa mismong mga kamay niya. I could see his blood flowing from his palm. It hurts seeing it pero para sa taong kaharap ko ngayon ay balewala lang ito.

"You know nothing" sabi nito sabay lakad na paalis.

Am I too much? Nadala lang naman ako sa galit ko.

Andito ako ngayon sa kwarto ko nag iisip. Nakabihis na ako at heto nakahiga sa kama habang nakatingin sa kisame.

Hayss bakit ba nakokonsensya ako? Wala naman akong kasalanan. Gabi na. Nagkape lang siya kaninang umaga at kaninang tanghali naman ay nagpaluto siya sakin pero tumanggi ako. Baka gutom na siya ngayon? Baka hindi na siya nagtanghalian? Kung lutuan ko nalang kaya siya? Peace offering ko.

Tumayo na ako sa kama ko at agad na nagtungo sa kusina para magluto ng ulam. Dinamihan kona kasi nga para sa peace offering ko ito.

Pagkatapos kong magluto ay nagtungo na ako sa kwarto niya. Kakatok na sana ako ng bigla itong bumukas ng kaunti kaya dahan dahan ko naman itong binuksan.

"Fuck" gulat na sabi ko.

Agad ako pumunta sa kwarto ko at kumuha ng first aid kit saka binalikan si Demzo na nakatulala lang habang yung dugo niya sa kamay ay tumutulo na sa sahig. Kanina pa ito pero hindi pa pala niya ginagamot, baka naimpeksyon na ito. Hindi ba siya naubusan ng dugo? Ano ba ang ginagawa niya? Bakit siya nakatulala lang at mukhang may malalim na iniisp?.

Nang matapos na ako sa paggamot sakanya ay napatingin ako sakanya na nakatingin na pala saakin ng may blangkong ekspresyon.

"What are you doing?" Tanong niya sakin.

"Can't you see I'm cleaning your wounds? Bakit hindi mo pa ito ginagamot ha? Baka magka impeksyon iyang sugat mo dahil sa kapabayaan mo" inis na sabi ko.

"Indeed, I am irresponsible" sabi nito kaya napatingin naman ako sakanya ulit.

I can see it deeply in his eyes, the emotion of a sad person. Kahit pala gaano pa katigas ang puso mo ay maari ka paring maging malungkot o makakaramdam ng sakit.

"Kumain na tayo" sabi ko sabay tayo na at hinila siya ng dahan dahan.

Pinaupo ko siya sa upuan at sinandokan ng pagkain na agad naman niyang kinain.

Facing The Husband of the Mistress of My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon