Andito kami ngayon sa mall habang naglalakad. And of course nakasunod sakin yung bwesit na demonyo. Aishhh naiirita ako sa mga titig ng mga tao rito sa mall. Siguro kung hindi lang sobrang lamig at parang pinapalibutan ng maitim na aura ang lalaking nasa likuran ko ay malamang dinurog na kami ng mga tao.
"Baby girl" napatingin ako sa lalaking tumawag saakin at linapitan ito.
"Bakit ganyan ang ayos mo?" Tanong ko sakanya.
Nakasuot kasi ito ng cap saka mask na para bang may pinagtataguan. Nagmumukha tuloy siyang mysterious.
"I have to hide my face kasi baka dumugin ako ng mga fans ko. Kahit naman nakatago ang mukha ko ay gwapo pa rin naman ako diba?" Tanong niya kaya napairap namn ako.
"Tsk" irap ng demonyong nasa likod ko kaya napatingin naman roon si Michael.
"Mr Laurus, anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Michael sakanya.
"I'm here for my wife, isn't it obvious Mr Carson?" Tanong ni Demzo na seryoso parin ang mukha.
"You don't have to be so worried about your wife Mr Laurus cause I can take care of her, I promise that she's in the good hands. Frans and I are childhood friends and I'm the one who invited her so it's my responsibility to take care of her" sabi ni Michael.
"Is there anything wrong of me being with my wife Mr Carson?" Tanong ni Demzo.
"Hindi naman saganun Mr Laurus, ang inaalala ko lang ay ang kaibigan ko na nasasakal narin sayo. Nevertheless, this is a friendship bonding kaya kung hindi mo mamasamain ay gusto kong makabonding si Frans ng kami lang dalawa" sabi ni Michael.
"Michael, hayaan muna. Hindi rin naman iyan makikinig sayo" bulong ko kay Michael.
"Ano ba kasing ginagawa niya rito? Bakit sumama pa siya? Hindi ba niya alam na mainit ang dugo ko sakanya dahil sa mga pinanggagawa niya sayo? Pinalampas ko na nga ang panggagamit niya sayo para makapaghiganti siya tapos ngayon ay kokontrolin ka niya? Pati ba naman bonding nating dalawa papakealaman niya?" Inis na bulong niya saakin.
"Ganito nalang, postponed nalang muna natin ngayon yung lakad" sabi ko.
"No we can't, nakabili na ako ng ticket natin sa sinehan at saka sa Enchanted Kingdom noh" sabi niya.
"Edi wag ka ng magreklamo" sabi ko kaya napatingin naman ulit siya kay Demzo.
"Okay fine Mr Laurus pwede kanang sumama saamin. But I bought two tickets only, do you think makakasama ka saamin?" Tanong ni Michael.
"Do you even know who are you talking to kiddo?" Tanong niya na dahilan para mainis lalo si Michael kaya agad ko naman siyang pinigilan.
"How dare him para tawagin akong bata? Hambalusin ko siya eih" inis na sabi niya.
"May katwiran naman siya eih, mas matanda siya ng 2 years sayo saka isip bata karin" sabi ko.
"Sino ba ang kinakampihan mo ha Frans? Ako o iyang asawa mo?" Tanong niya.
"Wala, pareho naman kayong may sira sa utak kaya bakit naman ako mamimili ng isa sainyo? Tsk bahala nga kayo jan" sabi ko at nauna ng maglakad papunta sa sinehan.
Nandito na kami ngayon sa harap ng sinihan naghihintay sa dalawang ugok na yun nasaan naba yung dalawang yun?.
"Baby girl" tawag sakin ni Michael.
"Saan kaba galing ha?" Inis na tanong ko sakanya.
"Bumili ako ng popcorn" sabi niya sabay abot sakin ng popcorn na dala niya.
"Dalawa lang? Bakit hindi mo nalang tinatlo?" Tanong ko.
"Tsk, ang yaman yaman ng lalaking iyon tas magpapalibre pa siya sakin? Teka nasaan naba yun ha?" Tanong niya.
"Hindi ko rin alam eih" sabi ko.
Kanina kasi nang mabigay na namin yung ticket sa guard ay umalis na itong dalawang toh. Oo nakapasok si Demzo kahit wala siyang ticket eih kasi naman isa pala ang mall na toh sa mga iniindorsohan niya tsk. Pero itong isa lang na toh yung bumalik asan naba yung isa napunta?.
"Kapag hindi siya dumating in 30 seconds hahayaan na natin siya, bahala na siya at pumasok narin tayo sa loob" sabi niya.
"Hindi naman iyon pwede noh" sabi ko.
"Oh come on baby girl, this is supposed to be our friendship bonding at hindi ko kaibigan ang asawa mo kaya hindi siya dapat narito kasama natin" sabi niya sabay irap.
"Could you stop calling her that?" Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat nang may sumulpot na maitim na aura sa likod ko.