Third Person's POV
Agad namang kumuha ng litrato si Jacob kay Frans at sinend ito kay Demzo.
To Demzo:
Ang sexy ng asawa mo bro, pwede bang sakin nalang?.From Demzo:
Fuck you. Tell her to go home now.Messages palang ito pero ramdam na niyang sumisigaw sa galit ang kaibigan niya. Siguro kung nasa tabi lang siya nito ay malamang pinaulanan na siya nito ng bala kaya kahit papaano ay napahinga siya ng maluwag dahil malayo siya sa kamatayan niya ngayong araw.
Tumayo na siya at lumapit kay Frans na busy sa pakikipag usap sa mga kaibigan nito.
"Frans umuwi na daw tayo sabi ng asawa mo" sulpot ni Jacob sa pag uusap nila.
Napakunot noo naman silang lahat lalo na si Frans. Iniisip niya na kakarating pa nga lang nito tapos bila na lang siyang papauwiin ng asawa niya?.
"Sabihin mo mamaya na ako uuwi" sabi ni Frans.
"Sige sasabihin ko" sabi ni Jacob at bumalik na sa kinauupuan niya.
To Demzo:
Mamaya na daw siya uuwi bro. Hayaan muna, hindi pa nga nakakapagswimming eih.From Demzo:
Fine, just make sure that she goes home when she's done swimming.To Demzo:
Yes boss.From Demzo:
Don't stare at her.To Demzo:
Woah, pano mo nalaman na nakakatitig ako sakanya?.From Demzo:
I already know you, womanizer maniac.To Demzo:
Ouch grabe ka magsalita ah, kung maka maniac ka sakin parang asawa mo hindi ah.From Demzo:
What do you mean?.To Demzo:
Yung asawa mo kasi titig na titig sa abs nong lalaking tumatawag sakanyang babygirl, kung makatitig nga parang pinagnanasaan at gustong hawakan. Tsk kung alam ko lang talagang magswimming siya edi sana nakadala din ako ng damit at ng saganun ay sa abs ko siya maglalaway. Pero joke lang yun bro ha, wag seseryosuin baka ako'y iyong tutustain.From Demzo:
Drag my wife out there or else I'm putting bullets in your head if I saw you fucking walking alive.To Demzo:
Oo heto na nga gagawin na ang utos mo boss.Agad na tumayo si Jacob at lumapit kay Frans na tatalon na sana sa swimming pool.
"Frans umuwi na tayo" nagmamadaling sabi ni Jacob na ikinakunot noo ni Frans.
"Hindi ba't sinabi kona na mamaya pako uuwi?" Inis na tanong nito.
"Kailangan munang umuwi dahil si Demzo...." Sabi ni Jacob kaya kinabahan naman si Frans.
"Bakit? Anong nangyari kay Demzo?" Tanong ni Frans.
"Basta umuwi nalang tayo" sabi ni Jacob kaya nataranta naman si Frans at agad na kumuha ng bathrobe sabay takbo papunta sa kotse niya.
Agad namang pinaharurot ni Frans ang kotse niya habang si Jacob naman ay chill lang na nakikipagtext kay Demzo.
To Demzo:
Bro pauwi na kami.From Demzo:
Good, I'm on my way home.To Demzo:
Ihatid mo nalang sa condo ko ang Lamborghini ah.Agad nitong inilagay ang cellphone niya sa bulsa niya sabay tingin kay Frans na busy sa pagmamaneho.
"Frans dito nalang ako. May importanteng gagawin pa kasi ako eih" nakakamot ulong sabi ni Jacob.
"Hindi mo ba dinala ang kotse mo sa bahay?" Tanong ni Frans.
"Ah hindi, pinakuha kona sa driver ko kanina kaya ibaba mo nalang ako dito" sabi ni Jacob.
"Fine" sabi ni Frans sabay hinto ng kotse kaya agad namang bumaba si Jacob.
"Wewss, safe again. Mukhang sineswerte atah ako ngayon araw ah" bulong ni Jacob sa sarili niya.