Isang araw na din ang nakalipas simula nong pinagbawalan na talaga akong lumabas ng bahay kaya heto ako ngayon nagmukukmuk sa loob ng bahay.
Kumakain ako ngayon ng pizza habang nanonood ng TV kasi wala talaga akong magawa.
"Ma'am tapos napo ang pinag uutos niyo" sabi ng isang bodyguard sakin kaya tinanguan ko naman siya.
Inutusan ko kasi siya dalhan ng pagkain si Amie dahil alam kong nagugutom na iyon dun. Namimiss ko na rin siya, kung hindi lang sana sa bwesit na Demzo na yun aishhh kairita.
"Master" napatingin ako sa mga bodyguards na nakayuko habang si Demzo naman ay naglalakad papasok.
Pafeeling special amp*ta.
"Prepare yourself" sabi niya habang niluluwagan ang necktie niya.
"At bakit naman?" Tanong ko sakanya.
"Wear something elegant, I'll give you 45 minutes to prepare" sabi niya habang nakatingin sa relo niya at umakyat na papunta sa kwarto niya.
Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng g*go.
Natapos na ako sa paghahanda, nagsuot lang ako ng red fitted dress at light make up na alam ko na bagay naman sakin.
Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na. Nadatnan ko naman sa baba si Demzo na mukhang naiinip na sa kakahintay.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.
"You're 10 minutes late" inis nitong sabi at nauna ng lumabas kaya lumabas narin ako.
Sumakay na ako sa kotse niya at agad naman niya itong pinaandar.
Well nakasuot lang naman siya ng black suit, black slacks and black shoes, and of course wearing that cold posture of his. Well lagi namang ganyan ang posture niya.
Nang makarating na kami sa venue kuno ay bumaba na siya at pinagbuksan ako ng pinto. Feeling gentleman. Isinabit ko nalang ang kamay ko sa braso niya ng saganun ay maappreciate din niya ang pakikisabay ko sa acting niya.
Maraming mga cameras ang sumalubong saamin papasok sa venue kaya ngumiti naman ako ng pagkatamis tamis.
"Hindi na ako magtataka kung bakit siya pinagaagawan ng dalawang gwapong mayayaman. Her beauty is above of all, walang nakakalamang and worth fighting with" rinig kong bulong bulongan ng mga tao sa party.
"Oo nga, talagang pag aagawan siya eih bihira lang ang makaasawa ng ganyan kaganda, o baka nga siya lang ang may angking ganda na pang out of the universe kaya swerte talaga ang mapipili niyang maging asawa habang buhay" sabi pa ng isa.
"Pero hindi ko talaga inakala na magagawa niyang magpakasal sa ibang lalaki kahit na kasal pa siya, baka totoo nga ang sabi sabi ng makati siyang babae" mga chismosa, che.
Casino party?.
"Demzo, my friend" napatingin ako sa isang lalaking bumungad saamin at agad na niyakap si Demzo na wala paring pake sa mundo kaya lumayo naman ako ng kaunti.
"Jacob" walang ganang sabi ni Demzo.
"Don't you miss me my dear friend? Buti naman at umattend ka sa party natoh" sabi ng lalaki na nagngangalang Jacob.
As far as I know is mayaman din ang lalaking ito pero playboy nga lang. Kaya nga kahit 30 na ito ay wala paring asawa o miski fiance man lang. Kilala ko siya dahil lumalabas din siya sa mga news as a successful businessman. Di ko alam na close pala sila ni Demzo, akala ko pa naman ay walang kaibigan ang lalaking ito dahil sa napakademonyong ugali niya. Buti naman at may nakakatimpi pa sakanya sa ugali niyang yan.
"Shut up Jacob" sabi ni Demzo.
Napunta naman ang tingin niya sakin sabay kunot noo. Pero agad din lumiwanag ang mukha niya ng may maalala siya na kung ano. Ang weird ng lalaking ito.
"Francene" masayang sabi niya.
"Franciska" pagtatama ko sakanya.
"I mean Franciska, nice to finally meet you. I didn't expect na sobrang ganda mo pala sa personal lalo na sa malapitan. Para kang isang Diyosa na bumaba sa langit. Abay napakasaerte naman pala ni Demzo because you became his lovely wife" sabi niya.
Yeah, no doubt, playboy nga talaga ang lalaking ito. Ang galing mang uto ng babae eih, pero nope, not me.
"Thank you" I awkwardly say.
"My name is Jacob Smith, your husband's dear friend. No need to introduce yourself cause I already know you, Francene right?" Tanong niya kaya nginitian ko naman siya ng peke.
"Franciska, not Francene" paalala ko ulit sakanya kaya nagwink naman siya.
"Got it. Magkapangalan kasi kayo ng 52nd ex-girlfriend ko" sabi niya kaya tumango nalang ako.
Hindi lang pala ulyanin, mayabang rin tsk.