Chapter 20

1.1K 18 0
                                    

"Sweetie hindi kapa ba matutulog?" Tanong sakin ni mommy.

"Matutulog na po" sabi ko.

"Akala ko doon ang kwarto ninyo ng asawa mo? Nakita ko kasing pumasok doon si Demzo" sabi niya sabay turo ng kwarto ni Demzo.

"Don't tell me hindi kayo magkatabing natutulog ni Demzo?" Sulpot ni daddy na ikinakaba ko.

"Of course not, n-naligaw lang po ako, d-dun pala yung kwarto ko hehe" kinakabahang sabi ko.

"Naligaw? Eih bahay niyo toh" sabi ni mommy kaya agad naman akong pumunta sa kwarto ni Demzo at binuksan iyon.

"S-sige mommy matutulog na ako, goodnight" sabi ko sabay sara na ng pinto.

Huminga naman ako ng maluwag.

"What are you doing here?" Tanong sakin ni Demzo na nakatayo malapit sa kama niya.

"Nagdududa na sila mommy, dito nalang ako matutulog" sabi ko.

"No you can't" sabi niya.

"Wala ka ng magagawa, alangan naman na mabuking tayo nila mommy edi goodbye plan kana" sabi ko sabay lapit sakanya.

May inilagay siyang unan sa gitna na ikinakunot noo ko.

"You sleep there, dont you dare cross to that line. And don't make some noise either, i have a strong sense of hearing so keep quiet. I'm warning you" banta niya sakin kaya napairap naman ako sabay punta dun sa kabilang side habang siya naman ay humiga na sa side niya at natulog.

Naghanap ako ng kumot sa ilalim ng kama pero wala akong mahanap kaya pumunta naman ako sa closet niya. Bwesit saan niya ba iyon inilalagay? Oo naglilinis ako araw araw pero hindi niya ako pinapapasok sa kwarto niya kaya hindi ako naglilinis rito.

Sa isang oras kong paghahanap ay sawakas nahanap kona rin kung saan ang lalagyan niya ng kumot kaya humiga na rin ako sa kabilang side.

Pero bago ako natulog ay nagpray na muna ako. Pagkatapos kong magpray ay inayos kona ang kumot ko at ang unan ko.

Nagulat ako ng biglang gumulong si Demzo papalapit sakin at bigla akong hinigit at niyakap na para bang unan.

"Jusko lord please lang nagmamakaawa ako, Ave Maria, itim na nazareth, santo niño, tulungan niyo ako. I'm begging to all goddess and goddesses please help me in my situation right now" sunod sunod na bulong ko.

Napatingin ako kay Demzo na nakangiti habang nakapikit. Maganda siguro ang panaginip niya sanaol. Kasi ako rito hindi kona alam kung makakatulog pa ba talaga ako.

Para siyang timang na nakangiti habang tulog. Sana tulog nalang siya lagi dahil mukha siyang inosente kapag tulog hindi tulad ng lagi siyang gising eih masama parati ang ekspresyon.

"Anong nginingiti ngiti mo jan? Sapakin kita eih" inis na sabi ko.

Nagulat naman ako ng bigla itong nabalik sa poker face. Seriously? Tulog ba talaga toh?. I tried to push him pero maslalo niya lang hinihigpitan ang yakap niya sakin at mas idinidiin ako sakanya.

Jusku lord help me. Kahit kakatapos ko lang magdasal ay nagdasal nalang ulit ako.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa araw na tumama sa mukha ko. Napakunot naman ako ng tumambad saakin ang chest ni Demzo.

"Ahhhh" sigaw ko sabay layo kay Demzo kaya nagising naman ito.

"Stop shouting" inis na sabi niya.

"G-gising na, umaga na" sabi ko.

"What time is it?" Tanong niya kaya naoatingin naman ako sa orasan.

"6:32" sabi ko kaya bumangon naman siya.

Lumabas na ako at agad na pumunta sa kwarto ko para maligo. Pagkatapos naman ay bumaba na ako. Nadatnan ko naman roon sina mommy at daddy na nagbrebreakfast.

"Goodmorning sweetie, pinaghandaan kona kayo ng asawa mo ng breakfast bago kami aalis" sabi ni mommy kaya nilapitan ko naman siya at si daddy sapat beso

"Goodmorning din po" bati ko sakanila pabalik.

"Where's your husband?" Tanong ni daddy.

"Nasa taas papo naghahanda" sabi ko.

"We have to go princess, baka malate pa kami sa appointment namin" sabi ni daddy kaya tumango naman ako.

"Take care sweetie" sabai ni mommy.

Inihatid kona sila sa garage at nagpaalam na rin.

Facing The Husband of the Mistress of My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon