"And now, the past is hunting me in my dream" sabi ko.
"You're having nightmares?" Tanong niya.
"Kanina lang naman, baka mamaya ay wala na" sabi ko.
"I'll sleep with you" sabi niya na ikinanlaki ng mga mata ko.
"W-wag na" sabi ko.
"No, I have already decided. I am going to sleep with you" sabi niya.
"Pero may room kana" sabi ko.
"It doesn't matter. Let's go to sleep so that you can now have a rest" sabi niya kaya tumango nalang ako.
Humiga kaming dalawa sa kama ng magkatabi at nakayakap sa isa't isa. I feel so awkward pero gusto ko naman. I just don't want to feel so alone right now cause it scares me kaya okay na saakin itong may kayakap ako.
Kinabukasan ay maaga kaming gumising para makauwi kami ng mas maaga. I decided to be brave and face them all. Besides, may gusto pa naman akong tanungin sakanila.
"Paagkatapos kong kausapin ang mga magulang at mga kaibigan ko, gusto ko sanang bisitahin si Vince sa hospital" sabi ko.
"Why bother? It's already declared that he's now fine" sabi niya.
"Gusto ko lang siyang kamustahin" sabi ko.
"He's now fine" madiing sabi niya.
"Gusto kong makita iyon sa mismong mga mata ko" sabi ko.
Nang makarating na kami sa bahay ay agad akong niyakap ng mga magulang ko pati na rin ang mga kaibigan ko.
"Gaga ka pinag alala mo kami" sabi ni May Chell.
"Baby girl are you okay now? I heard may sugat ka" nag aalalang sabi ni Michael.
"Oo nga anak kamusta na ang lagay mo?" Tanong ni mommy.
"Okay lang po ako" sabi ko sabay layo sakanila na ikinakunot noo nilang lahat.
I'm still mad at them.
Lumapit sakin si Demzo saka hinawakan ang magkabilang braso ko.
"She wanted to talk to all of you" sabi niya sabay hila sakin paupo sa sofa.
Sumunod naman ang mga kaibigan at magulang ko at umupo isa isa sa sofa.
"Anong gusto mong pag usapan anak?" Tanong ni daddy kaya napayuko namana ko.
Hindi ko kayang tumitig sakanila ng diritso. Knowing that they all betrayed me ay parang hindi ko masikmurang titigan sila isa't isa.
Kaya siguro nagtagal ako sa piling ni Vince kahit na paulit ulit na niya akong niloloko ay dahil matagal na rin akong niloloko ng mga taong nasa paligid ko.
Napatingin ako kay Demzo ng hawakan nito ang kamay kong mahigpit na nakakuyom. Tumingin ako sakanila na nakatingin rin sakin at mukhang hinihintay ang kung ano mang sasabihin ko.
"I already know. Alam ko na ang lahat lahat" sabi ko na ikinasinghap nila sa gulat.
"Your memory is back?" Tanong ni May Chell.
"Sinabi na sakin ni Vince ang lahat, at unti unti na ring bumabalik sakin yung mga alaala ko" sabi ko.
"Seems like ito na ang tamang panahon para malaman mo anak" sabi ni daddy.
"Bakit? Bakit niyo nagawang lokohin ako? Why did you all hide this to me? I trusted all of you" inis na sabi ko.
"It's because we don't want you to blame yourself because of what happened Frans" sabi ni Michael.
"Pinagkatiwalaan ko kayo pero niloko niyo lang ako tapos ngayon gusto niyong paniwalaan ko ulit kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanila.
"We're sorry Frans" umiiyak na sabi ni Chell.
"Nangyari na ang nangyari" sabi ko.
"Huwag mo silang sisihin anak, wala silang kasalanan. We are the one who force them not to tell you for your own sake" sabi ni mommy.
"Just like how you force Vince right? Ginamit niyo yung pagmamahal sakin ni Vince so that he would obey you to not tell me about this" sabi ko.
"Malagim ang nakaraan mo anak kaya dapat lang na kalimutan mo iyon" sabi ni daddy.
"Kahit na ang ibig sabihin nun ay ang paglimot sa panganay niyong anak? How could you do this to kuya mom, dad?" Inis na tanong ko.
"Hindi namin intensyon na makalimutan mo ang kapatid mo anak. We just don't want you to feel that pain again" sabi ni mommy.
"Nawala si kuya mommy, alangan naman na magsaya ako. Nawala si kuya malamang magdadalamhati ako. Nawala si kuya ng dahil sainyo tapos ngayon sasabihin niyong dapat lang na makalimutan ko ang kuya ko?" Hindi makapaniwalang sigaw ko.
"Hindi dahil saamin kaya nawala ang kuya mo Frans so lower down your voice" banta sakin ni daddy.
"Kung hinanap niyo lang sana kami edi sana naagapan siya" inis na sabi ko.
"Calm down honey" bulong sakin ni Demzo.
"That's not true sweety, hinanap namin kayo. Hindi namin kayo nahanap agad kasi kung saan saan pa kami naghanap sainyo mahanap lang kayo" sabi ni mommy.
"Tatlong araw akong naghintay sainyo nun mommy" sabi ko.
"We know, kaya nga sobra kaming nag alala sainyo nun. But believe us anak, hinanap namin kayo ng kuya mo nong araw na yun, hindi kami natutulog ng daddy mo just to find both of you but we failed. Nahanap nga namin kayo pero ikaw nalang ang meron" umiiyak na sabi ni mommy.