"I'm sorry, if I offended you earlier. I didn't know the whole story so I really apologize" sabi ko.
"Who told you that I can cook?" Tanong niya.
"Si Jacob nga" sagot ko.
"That mouthy asshole" inis na bulong niya.
"Masakit pa ba?" Tanong ko sakanya kaya napatingin naman siya sakin.
"What?" Tanong niya.
"Yung sugat mo" sabi ko.
"Not anymore" sabi niya kaya napahinga naman ako ng maluwag.
"Mabuti naman kung ganun. Ano ba kasing sumagi sa isip mo at ginawa mo pa yun? Anong akala mo sa sarili mo? Immortal? Hindi nakakaramdam ng sakit?" Tanong ko sakanya.
"Why do you care?" Malamig na tanong niya.
"I care kasi nagi-guilty ako, nakokonsensya ako" sabi ko.
"Is that the reason why you get into my room?" Tanong niya.
"I was worried, at kung hindi ako nagpadala sa pag aalala ko sayo ay malamang naubusan kana ng dugo kanina pa lang" sabi ko.
"You're worried?" Tanong niya.
"Of course I am worried, do I look like I'm not?" Tanong ko.
Nakita ko naman ang pagtaas ng kaliwang kilay niya kaya napaisip naman ako sa sinabi ko.
"You are? Really?" Sabi nito sabay smirk.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. I was worried kasi siyempre kasalanan ko kung bakit mo ginawa yun. I said too much to the point na hindi kona napigilan ang sarili ko at hindi kona alam ang mga pinagsasabi ko. Hindi ako nag aalala noh. I mean siguro slight. Aishhh bwesit makaalis na nga" inis na sabi ko sabay tayo na.
"Tsk" rinig kong singhap niya.
Kairita. Apaka assuming naman ng lalaking iyon. Ako mag aalala sakanya? Mukha ba akong nag aalala sakanya? Tf?.
Andito ako ngayon sa higaan ko nakahiga at hindi mapakali.
Tapos na kaya siyang kumain? Natutulog na ba siya ngayon sa kwarto niya? Niligpit niya kaya ang pinagkainan niya? Aishhh of course not, wala namang ibang alam ang lalaking yun kundi magtrabaho at mangbuysit ng tao.
Bumangon na ako at agad na bumaba. Napakunot noo ako ng may marinig akong mga tunog ng pinggan kaya agad naman akong nagtungo sa kusina.
"What are you doing?" Tanong ko kay Demzo.
"Can't you see I'm washing the dishes?" Sarkastikong sabi niya.
"Marunong kang maghugas ng pinggan?" Gulat na tanong ko.
"What do you expect? You already know that I know how to cook right? So eventually I know how to wash the dishes also" sabi niya kaya napatango nalang ako.
Agad akong natauhan ng maalala ko ang sugat nito sa kamay niya kaya agad ko naman siyang nilapitan at pinalayo sa sink.
"Hindi ka ba nag iisip? Tingnan mo nga yang sugat mo nababasa na, pano kung magkaimpeksyon yan ha? Aish akala ko ba matalino ka?" Inis na tanong ko sakanya.
"Tsk, could you stop lecturing me like you're my mother? Let me do whatever I want. Let me just remind you woman. You are in my house and my house, my rules. Don't you dare try to against everything I wanted to do inside of my property" inis na sabi niya kaya natahimik naman ako sabay bigay ng daan sakanya.
Ganyan ba talaga siya kamanhid? Katigas ang puso? Hindi niya ba naiisip na nag aalala lang yung tao sa kalagayan niya? Palibhasa kasi walang pake sa mundo pati na rin sa sarili kaya hindi na naaalagaan ng maayos ang sarili niya.
Puro nalang trabaho ang inaatupag niya kaya kahit ni katiting pagod hindi niya nararamdaman. Hindi nga ako sigurado kung nagdalamhati din ba ang lalaking ito nong namatay yung dating asawa niya. Feeling ko kasi hindi.
Tsk bahala nga siya. Wala akong pake sakanya kahit na maipeksyon pa siya. Mabuti nga iyon ng mabura na rin sa siya mundo at sa buhay ko.
Umakyat nalang ulit ako sa kwarto ko at nagpahinga na. Nakakapagod at nakakaistres ang araw na ito. Hindi ko kerry kung everyday nalang ganito. Maaga akong mamatay at kukulubutin kung nagkaganon.